Saan Daw?

781 11 3
                                    

Paano kung imbitahan ka sa isang trip?  Isa iyong trip sa espesyal na lugar.  Lugar na malayo mula sa mabilis na takbo ng buhay sa city, sa trabaho, sa klase at sa buhay mo ngayon in general.  Yung lugar kung saan meron kang malinis na hanging malalanghap kahit saan, may magagandang tanawin at sariwang mga pagkain.  Doon ay hindi nagsisiksikan ang mga tao, walang mahabang pila, walang traffic jam at walang mga high rise condominium.  Wala rin doong home work, walang research, walang deadline at walang phone calls.  Lahat ay natural at fresh, nature trip kung saan ikaw ay makakapag relax at magiging kung sino ang talagang ikaw.  Sasama ka ba sa trip na ito?

                Ang totoo, lahat  tayo ay gusto ng ganitong uri ng trip.  At kung pwede nga, naiisip natin na sana ganun na lang ang buhay dito sa earth araw-araw.  Pero alam natin na ang stress, problems at hardship ay parte talaga ng buhay.  Kung minsan gusto nating takasan 'yon kahit sandali lang.  Nagpapabook tayo ng flight to travel some where, kung hindi naman sapat ang pera para magbakasyon, manonood na lang ng sine o kakain sa labas.   Pero madalas ang dream paradise natin ay napupuntahan lang natin gamit ang ating imagination o panaginip.  

                May isang lugar na gusto kong ikwento.  Ito ay napakalayong lugar kung saan walang pagsubok o hirap ang buhay.  Ito ay lugar kung saan mawawala ang lahat ng worries mo dahil sa spectacular scenery na makikita mo.  Pero hindi mo ito mararating gamit ang iyong car  o ang jeep, bus, boat or plane.  Syempre ang tinutukoy ko ay ang langit.  Unlike sa naunang trip, maaari ka ditong mag confirm agad ng reservation mo.   Ito ay isang trip kung saan hindi ka matutulungan ng travel agent mo.  Dahil nakarating ka na sa part na ito, umaasa ako na nakagawa ka na ng reservations mo by now. ^^ Ang totoo, maraming tao ang hindi talaga nakakaalam ng tungkol sa lugar na tinatawag na langit.  Sigurado may  konti silang narinig o nalaman tungkol dito, pero karamihan sa mga pinaniniwalaan nila tungkol sa langit ay galing lang sa mga movies o  kaya naman ay mula sa mayaman nilang imahinasyon.  Napag-isipan mo na rin ba kung ano talaga ang langit?

Father's House

                Kung isa ka sa 12 disciples ng Lord, siguro curious ka tungkol sa heaven.  Dahil diba nga  si Jesus ay mula sa langit at nagkwento sya ng mga bagay tungkol sa pagpunta nya roon. 

                "Do not let your hearts be troubled. Trust in God; trust also in me. In my Father's house are many rooms; if it were not so, I would have told you. I am going there to prepare a place for you. And if I go and prepare a place for you, I will come back and take you to be with me that you also may be where I am."  Jn. 14:1-3            

·         Isang totoong lugar – Nangako si Jesus na pupunta Sya sa actual place na tinatawag Nyang Father's house.  Hindi ito state of mind o isang philosophical concept.  Hindi rin ito happy thought or fairy tale na ginawa ni Jesus para pansamantalang pawiin ang grief ng kanyang disciples.  Ito ay isang totoong lugar - kasing totoo ng silyang inuupuan mo o gaya ng bahay nyo kung saan makakakita ka, makakaramdam, at makakahawak.  It exists!               

·         Isang Inihandang lugar – Noon, merong custom ang 1st century Palestine na sinusunod ng mga engaged couples.   Ayon sa kaugalian nila, ang lalaki habang sila ay engaged ay babalik sa bahay ng kanyang ama kung saan sisimulan naman nya ang construction ng additional room na matitirahan niya at ng kanyang bride pagkatapos ng kasal.  Kapag natapos na nyang buoin at itayo ang room ay babalik na sya at susurpresahin ang bride para sa kanilang kasal.  After ng ceremony at ng celebration ay pupunta na sila sa lugar na inihanda ng husband.  Alam ni Jesus na aware ang mga disciples nya sa ganitong practice at ito ang ginamit Nya para tulungan silang magkaroon ng idea kung ano bang tulad ng heaven.  At nangako Sya na gamitin ang panahon sa gitna ng ascension Nya at ng second visit Nya sa Earth para maghanda ng lugar sa heaven para sa lahat ng nakakakilala sa Kanya. 

Bagay Ka sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon