Sina Harold at Henry ay Identical twins na nakatira sa isang maliit na bayan. Iisa man ang panlabas nilang anyo ay magkaiba naman ang kanilang kalooban. Si Harold ay lumaking may mabuting ugali at malasakit sa kapwa. Lumaki namang may magaspang na ugali si Henry at napabarkada sa mga magnanakaw. Kinalaunan ay naging leader sya ng kanilang grupo.
Nagkaroon ng malaking gulo sa kanilang bayan. Napatay ang kapitan ng bayan, ang kanyang asawa at ang nag-iisa nilang anak na lalaki. Ninakaw ng mga salarin ang mga pera at gintong alahas na pagmamay-ari ng kapitan. May mga saksing nagturo kina Henry at kanyang mga kasama na sila ang gumawa ng krimen. Galit na galit ang taong bayan sa nangyari. Sama-sama silang naghanap kay Henry at sa grupo nya. Pero mabilis na nakatakas sa kabilang bayan sina Henry at kanyang kasamahan. Nalaman ni Harold ang mga pangyayari kaya't tumatakbo rin syang naghahanap sa kakambal. Nakita sya ng taong bayan at inakala nilang sya ay si Henry. Sya ay kaagad na binugbog ng mga kalalakihan habang tinatanong ang kinaroroonan ng iba pang salarin. Naisip ni Harold na maaaring tumatakas na ang kapatid. Ayaw nyang mapahamak ang kapatid sa taong bayan, kaya hindi sya kumibo sa kanila at hinayaan lang silang gawin ang anuman sa kanya. Matapos no'n ay pinagbabato sya ng taong bayan hanggang sa sya ay mamatay. Nalaman ni Henry ang nangyari sa kapatid at labis syang nagsisi.
The Grace Factor
Narinig ko lang ang kwentong ito mula sa aking kapatid. Naawa ako para kay Harold pero nakita ko rin ang tindi ng pagmamahal nya para sa kapatid. Nagalit ako kay Henry dahil sa kasamaan nya at naisip ko na hindi sya karapatdapat na pag-alayan ng buhay. Pero hindi ba ganito rin ang kaso natin sa Diyos? Nilabag natin ang God's law. Tayo ang dapat parusahan pero si Jesus Christ ang pinarusahan dahil sa atin.
Para sa iba, ang storya ng sacrificial death ng ating Panginoon ay naging masyado nang pamilyar na nawawalan na ito ng impact sa buhay nila. Masyado nang gasgas sa mga tenga nila ang pagkamatay ni Jesus Christ kaya parang wala na itong halaga sa kanila. May mga pagkakataon na nanlalamig tayo sa pakikipagrelasyon sa Kanya. May time na parang sumasabay lang tayo during worship service. At may mga araw na parang pare-pareho lang.. Some of us fail to enjoy His grace everyday. Mabuti na maalala natin ang 10 Commandments of God. Maalala natin na hindi tayo nakaabot sa standard na iyon ng Diyos. Hindi tayo karapatdapat sa anumang mabuting bagay. Pero ipinakita parin ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin.
"But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us" (Rom. 5:8 NIV
"For it is by grace you have been saved. ." Ephesians 2:8-9
That is grace. It is something we don't deserve. Sinasabi ng Gospel of grace na dumating si Jesus Christ to acquit the guilty. It is a gift to the guilty.
Salamat sa sacrifice ni Jesus, ang mga kasalanan na hindi natin makalimutan, ngayon ay hindi na naaalala ng Diyos.
"As far as the east is from the west, so far does he remove our transgressions from us" (Ps. 103:12).
Hindi Sya namatay para sa mga anghel noong nagkasala sila, hindi sila nag qualify. Hindi naging worthy ang mga anghel na yon para sa divine incarnation, hindi sila naging worthy para sa ultimate sacrifice - the shedding of holy blood. Pero ikaw, ako, tayo ay misteryosong naging worthy. We are worthy of God's highest, worthy of His everything! That is why the "the Word became flesh.." You are the center of His plan and eternal destiny; You are the bride - the object of His affections.
BINABASA MO ANG
Bagay Ka sa Langit
SpiritualMay isang matalinong tao ang minsang nagsulat ng aklat. Ang totoo, sya ang pinakamatalinong tao na nabuhay sa mundo. Sya rin ang naging pinakamayamang hari sa buong kasaysayan. Nagmay-ari sya ng maraming kayamanan at nakipag-ugnayan sa mga mayaya...