Are You Ready to Jump?

973 20 1
                                    

            Paano kaya kung nakasakay tayo sa airplane at magkatabi tayong nakaupo.  Tayo ay may 20,000 ft above the ground.  Maya-maya ay nag announce ang piloto na babagsak ang eroplano dahil nagkaroon daw ng technical problem. Kailangan naten tumalon mula sa eroplano bago ito mangyari.  Ngayon, may mga parachute sa harap naten.  Anong dapat nating gawin para makaligtas sa plane crash na ito?  Simple lang ang sagot diba?  Korek ka jan, “isuot ang parachute at tumalon!” 

            Ang senaryong yan ay hindi naiiba sa eternal destiny naten. Darating ang araw na aalis din tayo sa earth at kailangan nating tumalon sa kabilang buhay.  At para makaligtas sa ating pagtalon, kailangan din nating isuot ang life saver, si Jesus Christ. 

             “The time has come,” he said. “The kingdom of God is near. Repent and believe the good news!” Mk. 1:15 

            This is the Good News, “For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life. Jn. 3:16

            Ang kaligtasan ay regalo ng Diyos sa atin.  Libre pero hindi ito cheap ha, dahil dugo ni Jesus ang ipinambayad dito.  Maniwala ka, “Mahal ka ng Diyos!”  Mahal ka Nya kaya nais ka Nyang maligtas at ganito ang kanyang invitation:    

            Here I am! I stand at the door and knock. If anyone hears my voice and opens the door, I will come in and eat with him, and he with me. Revelation. 3:20

            Ang puso ng tao ang door na sinasabi sa verse.  Kumakatok ang Diyos sa puso ng bawat tao.  Kung bubuksan mo ang pintuan ng puso mo para sa Kanya, Sya ay mananahan sa iyong puso at magiging tagapagligtas ng buhay mo. 

            Kung nais mo Syang papasukin sa iyong puso at gawing tagapagligtas ng iyong buhay, gawin mo iyon sa pamamagitan ng panalangin.  Hindi Nya itataboy ang sinomang lumapit sa Kanya.  Kahit gaano pa karami o katindi ng nagawa nating pagkakamali, handa ang Diyos na patawarin at linisin tayo.

 “Come now, let us reason together,” says the LORD. “Though your sins are like scarlet, they shall be as white as snow; though they are red as crimson, they shall be like wool. Isaiah. 1:18

Repent, then, and turn to God, so that your sins may be wiped out, that times of refreshing may come from the Lord, Acts. 3:19

            Sa pamamagitan ng pananalig, tanggapin mo ang kapatawaran at kaligtasan na inaalok ni Jesus.    Maaari kang manalangin ng ganito:

            Panginoong Jesus, inaamin ko po na ako ay nagkasala laban sa iyo.  Humihingi po ako ng kapatawaran sa lahat ng aking nagawa.  Nananalig po ako na ikaw ay namatay sa krus upang bayaran ang aking kasalanan at muling nabuhay upang ako ay iligtas.  Tinatanggap kita bilang Panginoon at Tagapagligtas ng aking buhay.  Salamat po sa kapatawaran ng aking kasalanan, salamat po sa buhay na walang hanggan na iyong ibinigay at salamat po sa mga pagpapalang iyong ibibigay. Salamat po muli.  Amen.

            It says in 2Corinthians 5:17, “Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come! “ Kung nanalig ka kay Kristo ikaw ay isa nang bagong nilalang.  Welcome to the family of Christ!

            Paano kung magkamali ulit ako? Paano kung magkasala ulit ako sa Diyos matapos kong tanggapin si Jesus sa aking buhay?  Bagay parin ba ko sa langit?  Basahin natin yan sa next part.  ^^

Bagay Ka sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon