We should fly!

872 17 6
                                    

Ang pagiging Christian ay isa lang pasimula sa maganda at bagong buhay natin kay Jesus Christ. Usually hindi agad dinadala ng Diyos ang mga tao sa langit pag tinanggap nila si Jesus at naging Christian na sila. Meron Syang mission na ipagagawa sa kanila dito sa earth.

Sabi nila, ang pagiging Christian ay gaya ng paglabas sa itlog. Bago ka pa isilang, kahit noong bago ka pa nabuo sa sinapupunan ng nanay mo, ay naisip kana ng Diyos. May nakalaan na layunin para sa iyo ang Diyos dito sa earth at maging sa eternity. PERO hindi mo mahahanap o magagawa iyon kung hindi ka lalago bilang isang Christian. Hindi sapat ang paglabas sa itlog, kailangan mong lumipad!

May isang grupo ng mga gansa ang nasa barn. Tuwing araw ng Linggo ay nagtitipon-tipon sila malapit sa feeding box. Meron silang "Preaching Goose" na nakatungtong sa itaas ng bakod at doon magsasalita ito tungkol sa kadakilaan ng pagiging gansa. Ipinagmamalaki nya na hindi sila gaya ng mga manok o pabo at mas marami raw silang magagandang opportunity sa hinaharap. Habang nagsasalita sya ay may grupo ng mga wild goose ang lumilipad na naka V formation sa himpapawid. Ang lahat ng gansang nasa barn ay titingala sa langit at masaya silang pagmamasdan. Sasabihin nila na, " Iyan tayo! Hindi tayo nakalaan na mamalagi sa barn na ito. Ang tadhana natin ay lumipad!". Unti-unti nang lumalayo sa paningin nila ang mga lumilipad na gansa. Nang tuluyan nang naka layo ang mga ito, ang mga gansa sa barn ay tumingin sa komportable nilang barn, nagbuntong hininga at bumalik na sa kani-kanilang pwesto - sa putik at dumi ng barn. Kahit kailan ay hindi sila lumipad.

Nakakalungkot isipin na may mga Christian sa Kingdom of God na nanatili lang sa barnyard gaya nila, sa halip na mag spread sila ng wings at matutong lumipad. Ang conversion o pagiging Christian ay isang event. It only happens once. Ito yung experience ng paglipat mula sa kadiliman patungo sa liwanag, mula sa kamatayan tungong buhay. Pero simula palang iyon, may plano ang Diyos sa iyo!

"Then God said, "Let us make mankind in our image, in our likeness" . . Gen.1:26

Sa lahat ng nilikha, tao lamang ang nilikhang kawangis ng Diyos. Lahat ng tao, hindi lang mga Christian ay nagtataglay ng part of God's image. Pero ang image na iyon ay nasira at nadungisan ng kasalanan. Dumating si Jesus Christ to restore the full image that we have lost.

Nais ng Diyos na ikaw at ako ay lumago sa ating spiritual life at maging katulad ni Jesus Christ.

"And we know that in all things God works for the good of those who love him who have been called according to his purpose. For those God foreknew he also predestined to be conformed to the likeness of his Son, that he might be the firstborn among many brothers". Ro. 8:28-29

" Mawawala ba ang personality ko pag naging gaya na ako ni Jesus Christ?"

Hindi. Hindi ka magiging robot o clone na wala sa sariling pag-iisip pag naging tulad ka ni Jesus. Ang Diyos mismo ang nagbigay sa iyo ng iyong uniqueness kaya hindi nya iyon sisirain. Sabi nga sa The Purpose Driven Life book ni Ptr. Rick Warren, "Christlikeness is all about transforming your character not your personality".

Anu yun? Paano ba yun? O___O

Nabasa ko rin ito sa book ni Ptr. Warren, and I believe it's true. Na gusto ng Diyos na madevelop sa atin ang mga character na dine-describe sa Matthew 5:1-12 o yung beautitudes; nais nya na makita sa atin yung fruit of the Holy Sprit sa Galatians 5:22-23; at lubusan nating maunawaan at maisabuhay ang pag-ibig na tinutukoy sa 1 Corinthians 13; pati na ang mga list of characters na isinulat ni Peter sa 2Peter 1:5-8. Ang dami ba? That's why we are given a life time here on earth.

"God's ultimate goal for your life on earth is not comfort, but character development". Kung hindi mo ito lubusang nauunawaan ay makakaramdam ka ng frustration every time na darating sa buhay mo ang mga mahihirap na sitwasyon. Maaari mong masabi na "Bat kung kelan ako naging Christian ay nangyayari ito sa akin? Ito rin marahil ang dahilan ng marami kaya pinili na lang nilang mag backslide o bumalik na lang sa dati nilang buhay. Hindi nila mainitindhan kung bakit hinahayaan ng mapagmahal na Diyos na mahirapan ang mga anak Nya. Tandaan mong ang buhay ay hindi tungkol sa iyo. Nag-e-exist ka dahil sa purpose ng Diyos sa buhay mo. Life is supposed to be difficult! Ito ang paraan para tayo ay lumago. Remember, earth is not heaven. Merong inilaang mas mabuting bagay ang Diyos para sa atin doon sa langit. God gives us our time on earth to build and strengthen our character for heaven.

Kaya maramig Christian ang nananatiling "spiritual babies". Maaaring natatakot silang mag-fail, or natatakot silang iwan ang komportable nilang buhay para sa "difficult life of faith". Pero hindi ba ang mahahalagang bagay ay palaging may malaking price? Infact, everything has a price. People who want to move on to spiritual maturity are willing to pay the price. Sila ang mga taong ginagamit ng Diyos sa mga spesyal na kaparaanan para baguhin ang mundo.

Dapat nating paniwalaan na trabaho ng Holy Spirit ang mag produce ng Christlike character sa atin.

"And we all, who with unveiled faces contemplate[a] the Lord's glory, are being transformed into his image with ever-increasing glory, which comes from the Lord, who is the Spirit. 2 Cor. 3:18

Sanctification ang process kung saan tayo ay binabago na maging tulad ni Jesus. Hindi natin kayang magproduce ng Christlike character sa sarili lang naten. Parang yung mga gumagawa ng New Year's Resolutions, hindi sapat ang determination lang kaya hindi rin nila natutupad ang pangako nilang pagbabago. Only the Holy Spirit has the power to make the changes God wants to make in our lives.

Tingnan natin ang sinabi ni Paul sa kanyang mga kaibigan sa Philippi:

"Therefore, my dear friends, as you have always obeyed-not only in my presence, but now much more in my absence-continue to work out your salvation with fear and trembling, 13 for it is God who works in you to will and to act in order to fulfil his good purpose". Phil.2:12-13

Hindi sya nagsasabi tungkol sa pag pasok natin sa langit sa pamamagitan ng gawa o good works. Remember nabasa natin sa mga naunang part na hindi tayo maliligtas ng good works. Ang sinasabi dito ni Paul ay ang proseso ng sanctification kung saan tayo ay lalago in God's grace, patuloy at patuloy na magiging tulad ni Jesus Christ. Sinasabi nya na ang Christian, para lumago ay kailangang makipag- cooperate din sa Diyos. Work at it, then God who works in you through his Holy Spirit, will make things happen.

Nagbigay si Paul ng warning sa mga Christian sa Philippi laban sa paghinto nila sa kanilang Christian walk. Maaaring sabi ng iba: "Christian na ako ngayon, alam ko sa langit ako pupunta kaya bakit pa ako gagawa?"

"Do you not know that in a race all the runners run, but only one gets the prize? Run in such a way as to get the prize. 25 Everyone who competes in the games goes into strict training. They do it to get a crown that will not last, but we do it to get a crown that will last forever. 26 Therefore I do not run like someone running aimlessly; I do not fight like a boxer beating the air. 27 No, I strike a blow to my body and make it my slave so that after I have preached to others, I myself will not be disqualified for the prize". 1Cor. 9:24-27

Sa verse na ito, makikita natin na matindi yung level of seriousness ni Paul sa kanyang Christian Life. Alam nya na kung hindi sya lalago bilang Christian at kung hindi sya mag-mo-move on forward, ay magiging madali lang para sa kanya ang bumalik sa dati nyang buhay noong hindi nya pa kilala ang Diyos. Like Paul, we should take Christian growth seriously as well.

Ang pinaka malungkot sa lahat ng tao ay yung mga Christian na hindi na narating ang paglago nila, yung mga Christian na hindi na naka-alis sa spiritual nursery at nanatili sa pagsuot ng diapers, sila yung barnyard geese na hindi na lumipad. Huwag sana natin silang tularan.

Bagay Ka sa LangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon