May isang pastor ang nagsabi ng ganito: “sabihin ninyo sa inyong katabi, ‘bagay ka sa langit’.” Ikaw at ako ay bagay sa langit. Ulit nga, “Ikaw at ako ay bagay sa langit” Bakit? Paano? Alam naman ng lahat at kahit sa Bible sinasabi na:
As it is written: “There is no-one righteous, not even one; Ro. 3:10
for all have sinned and fall short of the glory of God, Ro. 3:23
May iba naman na nagsasabi: “hindi naman ako ganon kasama. Hindi ako nagnanakaw, wala akong taong pinatay o ginahasa. Wala akong inapakang tao at ginagawa ko ang makakaya ko para mabuhay ng marangal.” Sa tingin nila sa langit sila dapat mapunta. Pero malinaw ang sinasabi ng Salita ng Diyos - Lahat ay nagkasala. Lahat ay lumabag sa sampung utos ng Diyos (Exodus 20) kung hindi man sa letra, ay sa espiritu. Letter of the Law or Spirit of the Law, ano yun? Kagaya ng sinabi ni Jesus sa Matthew. 5:28 tungkol sa adultery, Kung sa isip at puso mo ay pinagnanasaan mo na ang isang tao, adultery nayon sa paningin ng Diyos kahit hindi mo pa aktuwal na nalalapitan ang taong yun. Sa 1John. 3:15 sinasabi na kung namumuhi ka sa iyong kapwa, ay guilty ka na ng murder. Lahat ay nakagawa na ng pagkakamali sa buhay, bata ka man o matanda, lahat ay nadapa na sa buhay na ito at nadungisan ng kasalanan.
Lahat ay nagkasala, ikaw at ako ay nakagawa, nakakagawa at makakagawa ng kasalanan dahil ikaw at ako ay bagay, joke lang! Sabi ko, dahil ikaw at ako ay tao, nagkakamali, nanghihina at napapagod. Papaanong ang tulad mo at tulad ko ay bagay sa langit? Ok lang ba yung pastor na yun? Sinasabi pa nga sa Bible na kamatayan ang katapat ng mga nagkasala.
For the wages of sin is death... Romans. 6:23
May mga uri ang kamatayan: Physical, Spiritual, at Eternal. Physical Death yung kapag tumigil na ang lahat ng sistema ng katawan na humahantong sa lamay at libing (Roma 5:12). Eternal Death eto yung walang hanggang parusa sa apoy ng impyerno (Isaiah 66:24). At ang Spiritual Death - buhay ang tao, gumagalaw, humihinga, kumakain pero patay ang espiritu sa paningin ng Diyos (1Timothy 5:6). Eto ang dahilan kung bakit feeling nila tumatalbog lang sa bubong nila ang prayers at hindi nakakaabot sa langit. Hindi nila nararanasan ang reality ng Diyos sa buhay nila dahil patay nga sila. Ito ang kalagayan ko noong hindi ko pa nae-encounter ng totoo ang Diyos sa buhay ko. Nalaman ko na ito rin pala ang dahilan kung bakit maraming tao ang malungkot, pakiramdam nila kailangan nila ng isang tao para makumpleto sila, feeling nila may kulang sa kanila, palaging naghahanap ng pag-ibig at ikasisiya mula sa tao o sa mga bagay. Ito ang dahilan kung bakit hindi lahat ng tao ay nakakaranas ng pag-ibig ng Diyos. Ang tao ay nalayo sa Diyos dahil sa kasalanan..
Dahil nagkasala tayo kailangan itong bayaran ng kamatayan. Siguro naitanong mo na “Ba’t naman ganun?” Ito ay dahil ang Diyos ay banal. (Lev.11:45) kapag may utang, dapat bayaran. Pero napakabuti ng Diyos dahil hindi nya nais na mapahamak tayo. Sa halip na tayo ang magbayad, Sya ang nagbayad. Ibinigay Nya ang Kanyang nag-iisang Anak. Bumaba Sya sa lupa sa anyong tao, si Jesus ang namatay para bayaran ang ating kasalanan.
But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us. Romans. 5:8
Sabi ni Jesus, “It is finished.” Jn. 19:30. Tapos na, nabayaran na nya, bayad na! ^___^
Mahal tayo ng Diyos. Binayaran ni Kristo ang ating kasalanan. Yan ang ginawa ni Jesus sa krus para sa atin. We do not deserve this, we are human, sinners from birth but that’s the grace of God. Hindi sa kung ano tayo, hindi sa kung anong ginawa natin sa buhay, kundi dahil sa ginawa ni Jesus Christ doon sa krus.
Ano ba ang qualifications para bumagay sa langit? Sasagutin yan sa susunod na part. ^^

BINABASA MO ANG
Bagay Ka sa Langit
SpiritualMay isang matalinong tao ang minsang nagsulat ng aklat. Ang totoo, sya ang pinakamatalinong tao na nabuhay sa mundo. Sya rin ang naging pinakamayamang hari sa buong kasaysayan. Nagmay-ari sya ng maraming kayamanan at nakipag-ugnayan sa mga mayaya...