Unexpected Two: Hospital

106 7 2
                                    

"Shob! Shob! Gising na! Gusto mo bang malate?" sigaw ni papa. Sya na palagi ang gumigising sa akin.

Uughhh!!

Kinuha ko ang dalawang unan at tinakip sa tenga ko. Tinanggal nya agad ito. Bumuntong hininga sya.

"Gusto mo ba talagang malate?" huminahon na ang boses nya.

"Pa? Tumitingin ka ba sa kalendaryo?" tanong ko.

Dali-dali syang tumingin sa cellphone nya. Naka-business suit sya ngayon. Nakalimutan ko din pala. Sobra na syang busy kaya nakalimutan nya kung anong araw ngayon.

"Oh! Sorry anak. Nakalimutan ko. Sige, aalis na ako" he kissed my forehead at sinirado na ang pintuan.

Pipikit na sana ako pero bumalik sya.
"Wait, ngayon uuwi mom mo diba? Remember? Sunduin nyo sya ni Rubin" nabuhayan ako sa sinabi ni papa.

Bago pa ako maka-react nakalabas na sya ng kwarto.

Tumayo agad ako at naligo. Pagkatapos nagbihis na ako at masayang bumaba.

"You're scary Shobe! Stop that!" sigaw ng kuya kong bakla.

"Shut up bakla!" sigaw ko sakanya at sinabayan syang kumain.

"Bulag ka ba? Sa gwapo kong toh?" tinuro nya ang mukha nya "Isang bakla? Hah! Gusto ko pang mamatay kesa maging bakla!" nandidiri nyang sabi.

"Oy! Defensive sya! Hahha" pang-aasar ko sakanya.

Hindi naman talaga sya bakla. Gusto ko lang sabihin nya na...

"Just see.. Liligawan ko si Dennise bukas.." see? Yan ang gusto kong sabihin nya. Proud na proud pa nga sya.

"Kuya, susuduin daw natin si mama sabi ni papa" sabi ko.

"I know bunso. But first, samahan mo muna ako" nagmamakawa nyang sabi.

"Why?" pataray kong sabi.

"For Dennise" maikling sabi nya lang pero ang saya ko na.

"Yes! Of course! Let's go Big Bro!" sigaw ko at lumabas ng bahay.

Tatakbo na sana ako sa kotse ni kuya pero may nakita ako babae sa gate.

"Kuuuuyaaa!!! Lumabas ka nga muna" sigaw ko.

Lumabas sya at tiningnan ang babae.

"Kuya? Sino sya?" pabulong na sabi ko.

"I don't have an idea" nagbubulong-bulongan na kami dito.

"Menz..." mahinang sabi ng babae.

Ba't alam nya pangalan ni kuya?

Linapitan ko sya. "Excuse me po, sino po kayo?" magalang na tanong ko.

"You don't need to know brat! I need to talk to Menz!" sigaw nya at tinulak ako.

Malakas ang pagkatulak nya kaya nauntog ako sa bakal na gate at dumiretso ang aking katawan sa rose bed.

Tiningnan lang ako ng babae at inalis nya agad ang tingin sa akin.

"Kristine!!!" sigaw ni kuya at tumakbo papunta sa akin.

Tiningnan ko ang mga kamay ko. Dugo. Maraming dugo. Ang sakit ng kamay ko. Ang sakit ng likod ko. Ang sakit ng binti ko. Ang sakit ng ulo ko.

"Aaaaaah! Ang sakit!" hinawakan ko ang ulo ko.

Binuhat ako ni kuya at nakita kong umiiyak sya. Sinigawan nya ang babae. "This is all your fault! Kung makita pa kita ulit susuntukin na talaga kita, kahit babae ka pa!"

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon