Unexpected Twenty-Four: Confession

28 4 0
                                    

Pinauna ko na sila Maiah at Zeya sa classroom dahil may kailagan lang akong tanungin kay Giro.

Nang makita ko si Giro ay agad ko siyang hinila papuntang fountain. Nang makarating kami ay agad ko siyang hinila paupo at umupo na din ako. May benches kasi na nakapalibot sa fountain.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"Di na ako magpaligoy-ligoy pa" tiningnan ko siya. "Do you like my bestfriend?"

Hindi siya umimik nakatingin lang siya sa akin.

"Well, it's okay if you won't tell me right away. Alam ko namang nahihiya ka, just don't hu--"

"I like you" natigilan ako sa sinabi niya.

Gulat ko siyang tiningnan. "W-what?"

"I like you" he repeated.

Nalaglag ang panga ko. "Ha? Eh, a-akala ko a-ano..."

"You're the one that I like Kristine" seryosong sabi niya.

"Eh? How....how a-about Izi..ah?" nauutal na tanong ko.

"She's, she's just my friend. And I just like teasing her, nothing else" seryoso paring sabi niya.

I froze.

"So, I'll ask you" tiningnan niya ako ng diretso sa mata. "Can I court you?"

Kakauwi ko lang ngayon sa bahay galing eskwelahan. At naglalakad na patungong kwarto para makapagpahinga na ako.

Pero, parang hindi ata ako makakapagpahinga neto.

Naalala ko na naman ang sinabi ni Giro. Nage-echo yung boses niya sa isip ko.

"Can I court you?"

"Can I court you?"

"Can I court you?"

-----

Rubin's POV [eto yung kuya ni Kristine ^_^]

Narinig kong may pumasok sa bahay kaya I supposed si bunso yun. Nilapag ko muna sa mesa yung tasang iniinuman ko nang kape at pinuntahan siya.

Nang makita ko siya sinabayan ko siya ng lakad. "Kapatid! How's school?" maligayang bati ko.

Pero nagulat ako nang di niya man lang ako pinansin. At dire-diretso lang ang lakad na para bang di ako nakita.

"Can I court you?" yan ang pabalik-balik na sabi niya habang naglalakad. Nang nasa may hagdan na siya bigla siyang natapilok. "Aray naman!"

Agad ko siyang nilapitan at nakitang hinihimas niya yung noo niya at nakasimangot.

"Ikaw ha!" sabi ko sabay pitik sa noo niya.

"Aray kuya!" tiningnan niya ako nang masama at hinimas ulit yung noo niya.

"Mag-usap nga tayo" seryoso kong sabi. Sinimangutan niya lang ako.

Tiningnan ko siya nang masama at hinila siya patungong balkonahe.

Agad akong umupo sa kahoy na upuan at sinenyasan ko siya na umupo sa harapan ko which is yung kahoy din na upuan.

Inirapan niya ako at sumunod din naman. Nakaharap kami sa isa't-isa at ang nasa gitna naman namin ay yung kahoy na mesa na bilog.

"Magsabi ka nga nang totoo" agad kong sabi.

"About what?" tamad na sagot niya.

"About yung 'can I court you', 'can I court you' mo" sabi ko at ginaya-gaya ko pa yung boses niya doon sa sentence na can I court you.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon