Unexpected Fourteen: Fountain

38 3 0
                                    

Danielle Liz Bautista on the media ^^

-------------------

Danielle's POV

"Dane, pupunta ka?" tanong sa akin ni Allyssa.

"Hindi muna. May gagawin kasi ako eh. Sorry, next time nalang. Tell the twins happy birthday!" sabi ko at narinig ko ang pagsarado ng pinto.

Bumuntong hininga ako.

"Ang dami ko pang gagawin" sabi ko sa sarili ko habang nagse-save ng pictures sa laptop.

Biglang pumasok si Shalaine, ang vice president ng club.

"Danielle? Alis na ako ha? May family dinner kasi kami eh" sabi niya.

"Okay, kaya ko na toh." sabi ko at narinig ko na naman ang pagsara ng pinto.

Strinetch ko ang dalawang kamay ko. "Hay, ka pagod"

Kinopy ko na lahat ng pictures sa flashdrive. "Sa wakas tapos na talaga! Mabuti nalang Friday na bukas!"

Wala kasi akong gagawin every friday. Friday lang ako walang kailangang asikasuhin. Mabuti nalang talaga.

Mga 7:23 na ako natapos, kaya naman madilim na sa labas. Hindi naman masyadong madilim sa school. May mga lights at may mga guards na nagbabantay, so no worry.

****

"Ano? Eh akala ko ba si Clarisse na ang bahala nun? Eh, bakit ako ang gagawa?" naguguluhang tanong ko kay Shalaine.

"Eh, President may sakit siya eh" sabi niya.

"Oh? Tapos? Ikaw?" tanong ko sakanya at ginulo ang buhok ko.

"Dane, may gagawin din ako. Kailangan ko pang tapusin yung presentation namin" mahinahong sabi niya.

"Osige, sige ako na ang gagawa. Pumunta ka na sa mga kaklase mo. Naghihintay na sila sa labas ng room" sabi ko sakanya. Kinuha niya ang bag niya at dali-dali lumabas.

Sinukalayan ko ang buhok ko at kinuha ang DSLR ko.

May 2 hours vacant pa naman kami kaya gagamitin ko nalang ang oras ko dito.

Naghanap ako ng magandang angle ng gate ng Section A at pinikturan. Sinunod ko naman ang pathway nito.

"Isusunod ko na ang fountain" sabi ko sa sarili ko.

Pinikturan ko na ang fountain. Tiningnan ko kung maganda ba ang kuha ko.

"What the?"

Sa kuha kasi, may isang lalakeng nakaupo sa may fountain at may hawak siyang red rose sa kamay.

Pagtingin ko sa may fountain, wala naman ah?

"Stalker ba kita?" may biglang bumulong sa akin.

"Ay, Jusko!" napasigaw ako sa gulat at nasampal ang lalake.

Napa-aww naman siya.

"Hala, sorry. Sorry, sorry" sabi ko at hinawakan ang pisngi na nasampal ko. "Ikaw kasi eh, nang-gugulat. Yan tuloy"

He was just staring at me, like he was memorizing every angle of my face. Na-ilang ako kaya naman tinanggal ko na ang kamay ko sa mukha niya.

Then, he suddenly hold my wrist. Parang may kumuryente nung hinawakan niya ako. Ilang sandali pa binitawan na niya ako.

"I'm okay, don't worry" then he smiled.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon