Unexpected Nineteen: Fool

24 4 0
                                    

Iziah's POV

Papasok na kami ng bahay ni Jiro ng makita ko ang kotse ni Maiah na nakaparada sa garage namin.

"Anong ginagawa nila dito?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

"Ha?"

"Nevermind" sabi ko at umupo sa sofa. Pumunta si Jiro sa kusina para daw uminom ng tubig.

"Kuya!" sigaw ko.

"Kuya?!" sigaw ko pa rin pero di pa rin sumasagot si kuya.

Tumayo ako at pupunta sana sa kwarto ni Kuya CJ nang makita ko sila Kristine at Maiah na pababa ng hagdan.

"Hey, guys!" sigaw ko at lumapit sa kanila. "Nakita niyo si---teka, umiyak ba kayo?" tanong ko.

Something is weird here.

"H-huh? Ah, oo. Nanood kasi kami ng pelikula. Hehe" sagot ni Kristine at pinunasan niya ang luha niya.

Parang may mali eh. But I don't know what.

"Saan? Imposible namang sa kwarto ko kasi wala naman akong mga movies doon. Imposible naman ding sa kwarto ni Kuya kasi puro action lang naman yun"

May nangyari talagang mali, nung wala ako.

"Sa guest room. Nagdala kasi kami" sagot naman ni Maiah. Tumango nalang ako.

"So, kanina pa kayo?" tanong ko.

"Oo, kakabalik mo lang? Ang tagal mo ah" natatawang sabi ni Kristine.

Maybe, I'll ask them later. Or I'll be Detective Zeya. Haha.

"Yeah, ano kain muna tayo?"

"Sige!" masiglang sagot ng dalawa.

Pagdating namin sa kusina nadatnan namin doon si Jiro na kumakain ng apple habang tumatawa.

Sinadya naming dumaan sa harap niya at kinuha ko ang cellphone niya. "Ano toh ha?"

"Uy! Zeya naman oh! Akin na yan!" sabi niya at sinubukang agawin sa akin ang cellphone pero pinasa ko ito kay Maiah at agad niya namang sinalo.

"Mai, give me my cellphone" seryosong sabi niya.

"What if I don't?" a playful smile formed on her lips.

"If you don't want to? Then, I'll take your cellphone too" sabi ni Jiro at agad umalis ng kusina para kunin abg bag ni Maiah. Tumatawa lang si Maiah habang nilalaro niya ang cellphone ni Jiro.

"Too bad, boy..." sabi ni Maiah at kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa. ".....I have my cellphone here" then she smirked.

Kawawang Jiro. Hahahaha!

----

Allyssa's POV

May napapansin akong iba kela Kristine at Maiah eh. Lately kasi, buntot na sila ng buntot sila kay Iziah. Yung parang bang paghinayaan lang nila mag-isa si Iziah may mangyayaring masama sa kaniya. Ewan ko ba! Iba rin ang kutob ko dito eh! Ni di man lang nila sinasabi sa amin.

"Anong bang nangyare? Bakit parang hindi naman tayo updated?" tanong ko kay Danielle na kumakain ng marshmallow.

"Maybe something bad happen. Or maybe someone that is bad showed up" sabi niya.

"Really? Someone bad?" takang tanong ko.

Tiningnan niya ako. "Alam mo kasi, may kutob ako na baka bumalik na siya" sabi niya at diniin ang word na siya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon