Unexpected Thirteen: Special A (Part 2)

37 4 0
                                    

Giro's POV


Maaga akong pumasok ngayon para naman di ko maabutan yung mga pabebeng babae. Nakakairita.

Pinark ko na ang kotse ko malapit sa gate ng Special A at bumaba na.

Tumingin-tingin ako kung may mga pabae ba. Wala naman. Well, pabae is short for pabebeng babae.

Kinuha ko ang card ko sa wallet para mabuksan na ang gate. Inilagay ko ang card sa may box sa gitna ng gate at bumukas agad ang gate.

Dumiretso ako sa fountain and there I saw my brother.

"Hey, bro. Ang aga natin ah?" tanong ko. Di ko kasi napansin na maaga pala siyang umalis.

"May ginawa lang" simpleng sagot niya.

"Anyway, where is Bladhemer? Di ko siya nakita kahapon eh" tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya.

Pumunta nalang ako sa room at nilagay ang bag ko. What is the use of the bag? May laptop naman?

Pumunta ako sa mga book shelves at tumingin-tingin sa mga libro. Who would have thought na may mini library pala dito?

Di ko namalayan na marami-- I mean na kompleto na pala kami dito. Napasarap siguro ako sa pagbabasa. At si Cyrus naman na katabi ko, natutulog lang.

Tumingin ako sa paligid. Nandito pala si Kristine at yung mga kaibigan niya. Yung iba naman familliar sa akin, yung iba ngayon ko lang nakita. Nagtataka ako kung bakit, wala dito si Bladhemer.

Biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang babae, kasunod niya ang isang lalakeng nakapamulsa ang dalawang kamay at may headphones na nakasabit sa leeg niya.

"Good morning. I am your new adviser, I am Ms. Phinna Saavedra" sabi ng teacher namin.

"This boy here" tinuro niya si Bladhemer na nakangisi lang sa amin "Will be your classmate. Kanina lang siya pinili ng principal. Umupo ka muna, kahit saan"

Umupo naman si Bladhemer sa tabi ko. Nasa kabilang gilid ko si Cyrus na ngayon ay naka-upo na ng maayos.

"So now, you will introduce yourself here in front. We will start with you" tinuro ni Ma'am Phinna yung babaeng blonde sa harapan.

Tumayo naman agad ang babae at pumunta sa harapan.

"Hi, my name is Trixie Cuaves. 17 yrs. old and I'm a cheerleader" nakangiting sabi niya.

"If you won't listen then you will be punished. Understand?" seryosong sabi ni Ma'am. Kaya naman umayos agad kami ng upo. Hindi naman siguro kami matatagalan diba? 13 lang naman kami.

Sumunod ay yung lalakeng naka-gray. "Yo, I'm Joshua Mandafe. 17 yrs. old and I'm a soccer player" masiglang sabi niya.

"I'm Julian James Gocotano. 18 yrs. old and I'm a basketball player" tamad niyang sabi.

"Hello my dear classmates, I am Fianna Marie Buenos, 17 yrs. old and I'm a dancer" confident niyang sabi.

"Lina Casagan. 17 yrs. old. Bookworm Club" simple niyang sabi at umupo.

"Hi, I am Kristine Joyce Guevarra. 17 yrs. old and I'm a uhh, uhmm, well- a model" nakangiti niyang sabi. That smile! Ghad, that smile.

"Hey guys, I am Allyssa Ilustre 18 yrs. old and I'm in the Bookworm Club" habang sinasabi niya yun nakatingin siya kay Cyrus. Problema nun?

"Hello everyone, I am Ronaliza Tausa 17 yrs. old and I'm a vionilist" sabi niya at nagbow.

"Can we listen?" tanong ni Ma'am sa kanya.

"Oh, I'm sorry Ma'am pero iniwan ko ang violin sa music room" pagpaumanhin niya at umupo.

"It's okay. Next"

Oh, it's my co-member. "Hi, I'm Shemaiah Shane Tanutan. 17 yrs. old and I'm in the glee club" she said at uupo na sana pero pinigilan siya ni Ma'am.

"Well, can we hear your voice darling?" tanong ni Ma'am tumango siya at kinanta nya yung Symphony ng Clean Bandit.

Pagkatapos niyang kumanta nagpalakpakan kaming lahat. "You have a lovely voice, dear"

"Thank you ma'am" pasalamat niya at umupo.

"Hello! I am Iziah Rayce Darunday. 18 yrs. old and I'm a dancer" sabi niya. Uupo na din sana siya kaso pinigilan din siya ni Ma'am.

"Marunong kang mag-tango?" tanong ni ma'am.

"Yes ma'am"

"I guess may lalake din dito na kasali sa dance troupe, right?"

"Yes ma'am"

"Patapusin muna natin silang lahat" tumango siya at umupo.

Sa wakas ako na!

"Yo guys, I am Giro Florida. 17 yrs. old and I'm in the glee club" sabi ko.
"Well, can you give us a sample?" nakangiting tanong ni Ma'am.

"Of course ma'am"

Kakantahin ko na sana ang Mercy pero pinigilan ako ni ma'am.

"Wait, Shemaiah. Was it Shemaiah? Can you join him?" tawag ni ma'am.

What the hell? Duet?

Tumayo siya at tumabi sa akin.

"Now, kumanta na kayo"

Tumango lang si Shemaiah.

Kinanta namin ang Just A Kiss ng Lady Antebellum. Pero hanggang sa chorus lang kami.

"Nag-blend ang boses niyo. Such great singers" sabi ni ma'am habang pumapalakpak.

"Okay, next"

"Bladhemer Suarez. 18 yrs. old and I'm a volleyball player" sabi niya at umupo.

Tatayo na sana si Cyrus pero biglang bumukas ang pinto.

"Am I late?" tanong nung babae.

"Yes, you are. May I know, who you are?" tanong ni Ma'am.

"Oh, I'm sorry. I am Danielle Liz Bautista. 18 yrs. old and I'm a photographer" sabi niya at ngumiti.

"Okay, you may sit" sabi ni ma'am at dali-dali namang umupo ang babae katabi ni Allyssa.

"Okay, Proceed"

"I'm Cyrus Florida. 17 yrs. old and I'm a dancer"

"Good, now Ms. Darunday come here" pagpapalapit ni Ma'am kay Iziah pala.

"Sumayaw na kayo" sabi ni ma'am at umupo.

Bumuntong hininga lang si Cyrus at sumayaw na sila ni Iziah.

Actually, walang tango sa dance troupe. Modern dance lang. Pero sumasali si Cyrus sa dance sports kaya naman marunong siya. Ewan ko lang kay Iziah.

"Bravo!" sigaw ni ma'am at pumalakpak.

Pagtingin ko sa unahan nakita kong ang sama ng tingin ni Fianna kay Iziah. Pansin ko din kanina na titig na titig si Allyssa kay Cyrus.

I wonder why?

I smirked.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon