Unexpected Twenty-Three: Seating Arrangement

22 4 0
                                    

Kristine's POV

"What's with the mask?" bungad ni Maiah sa akin pagkarating ko sa fountain kung saan kami nagkikita araw-araw para sabay na pumasok sa classroom.

"Oo nga, at sa shades? Anong meron?" takang tanong ni Zeya.

"Ahm, inuubo kasi ako. Naulanan kasi kahapon. Hehe" akward na sagot ko.

"Cough?" nakataas kilay tanong ni Maiah.

"Inuubo ka? Di nga?" di makapaniwalang tanong ni Zeya.

"Oo nga ka--" di ko tinuloy ang sasabihin ko at pumeke na inuubo.

"And, can you explain why you are wearing shades?" Maiah asked.

"Namumugto yung mga mata ko"

"Sht, are you serious?!" sigaw ni Zeya na parang hindi talaga makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Di kasi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa ubo"

"Hmm, unaccepatble" seryosong sabi ni Maiah at hinawakan pa ang baba niya na parang nag-iisip kung totoo ba ang sinasabi ko.

"Tara na nga! Pumasok na tayo!" sabi ko at hinila na sila patayo at naglakad na. Nauna ang dalawa habang nag-uusap tungkol doon sa mga sinabi ko kanina.

Actually, di talaga totoo na inuubo ako. That one's a lie. Pero yung tungkol sa hindi ako makatulog ng maayos kagabi, totoo yun. Hindi kasi talaga matanggal sa isip ko na nahalikan ako ni Bladhemer.

Mga 3am na ata ako nakatulog? Inaantok pa nga ako eh. Kaya ako nagsuot ng shades. At ang mask, ewan! Basta nahihiya akong makita ako ni Blad.

"Bilisan mo nga! Kay bagal-bagal!" reklamo ni Zeya at hinatak na ako papasok sa classroom. Pagpasok namin, as usual wala pang tao.

Maaga kasi talaga kami pumupunta dito para makapanood ng movies. Pwede naman kasi, sayang daw kasi yung tv projector. Hindi naman siya sayang, araw-araw kaya namin yun nagagamit sa subject ni Ma'am Viwa.

And besides, pinayagaan na din kami ni Ma'am at ni principal na manood kami ng pelikula dito every morning. Basta lang daw na hindi lang daw during class hours and examination days.

Nagplay na sila Maiah nang pelikula at agad nanood.

Ako di na ako mapag-focus sa pinapanood namin. Wala na atang pwesto para sa pelikulang yan sa utak ko.

Napaparanoid na ata ako. Dahil kapag bumubukas ang pinto at may pumapasok ay tinatabunan ko ang mukha ko gamit ang bag ko.

Jusko! Ano na ba ang nangyayari sa akin?

Bigla na namang pumasok sa isip ko yung accidental kiss namin ni Bladhemer.

Nakarinig ako na may suminghot sa gilid ko. "Namatay yung lalaki!" tumingin ako sa kaniya.

"Tapos?" takang tanong ko. Ano na namang problema ni Iziah? Pake ko kung namatay yung lalaki? Ako ba yung magbabayad para sa funeral? Ako ba? Ako ba yung magbabayad sa lahat ng bills? Diba hindi? So anong pake ko kung namatay siya? It is just a movie.

Pinunasan niya yung luha niya at sumimangot. "Eh, bakit ka ngumingiti?"

"Huh? Ngumingiti ba ako?"

"Oo! Hanggang ngayon ngumingiti ka pa rin. Kitang-kita ko kahit nakamask ka!" tiningnan niya ako ng masama.

Hinubad ko yung mask. "O-oy! Hindi ako ngumingiti ah!" depensa ko.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon