Unexpected Twenty: Hatid

17 4 0
                                    


~Thank you for waiting <3

------------------

Iziah's POV

practice

practice

practice

practice

Pagkatapos naming magpraktis, umupo ako sa bleachers.

"Haaay, kapagod" sabi ko habang pinupunasan ang leeg ko gamit ang bimpo. Nauhaw ako kaya kinuha ko ang water bottle sa bag ko pero wala na palang laman. "Naman oh! Uhaw na ako!" pinagpapaypay ko ang mukha ko gamit ang kamay ko.

Natigilan ako ng makitang may naglahad sa akin ng mineral water. "Need some water?" nag-angat ako ng tingin.

Kinuha ko ang mineral sa kamay niya at agad na ininom "Leanard? Anong ginagawa mo dito? Wala namang klase ah?" tanong ko pagkatapos kong ubusin ang laman ng mineral.

Nagkibit balikat siya. "Just to watch you" sabay kindat.

"Weh?" binun ko ang buhok ko. Ang init eh!

"Yeah. I want to see you play.....again"

"Ha? Nakita mo na akong naglaro?" I asked.


He chuckled. "Of course. I'm your number one fan" kumindat na naman siya. Ano bang problema ng lalakeng toh? Bakit palaging kumikindat?

Biglang lumapit sa amin sila Devine. "Oy, sino toh? Bagong manliligaw mo? Yieee, ikaw ha?" sabay turo kay Leanard.

"Ayiiee!" sabay na sigaw ng kasama ni Devine.

"Bagong manliligaw?" tanong ni Leanard at humarap kay Devine.

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki. "Oo, may manliligaw kasi siya dati. Sinagot nga siya ni captain eh. Pero, never siyang nagpakilala sa volleyball team. Kinu-kwento lang siya ni captain. Ang sweet niya daw, tapos palagi siyang sinusundo at nagpapadala pa nga raw ng bulaklak at chocolates araw-araw eh" napalitan ng lungkot ang masayang ngiti niya. "Eh, kaso nga lang..... Iniwan niya si captain. Pati nga kami nalungkot eh. Isang buwan ding hindi nakakapaglaro si captain after ng break up nila. Sabi daw ng bestfriends niya, nagmukmok daw. Wala daw siyang gana. Sobrang lungkot na--"

"A-anong pangalan?" kinakabahan na tanong ni Leanard. Napatingin ako sakaniya.

"Uuh, pangalan? Teka..... Parang Li.....li.... Ano yun? Basta Li! Nakalimutan ko kasi eh!" tumingin siya sa akin. "Sige, capt! Bukas na naman!" sabi niya at umalis na sila.


May nanligaw sa akin noon? Bakit di ko alam? Bakit wala akong natatandaan? At ano daw? Sinagot ko? May boyfriend ako?

"Teka, Leanard. Alam mo?" tanong ko.

"Ha? Eh, di ah! Ngayon ko nga lang nalaman eh. G@g0 yun ah? Iwan ka ba daw? Pag nalaman ko kung sino yun. Ipapabugbog ko talaga"

"Hahaha. Baliw. Tara na nga ihatid mo ako" sabi ko at hinila siya palabas.

Tumingin naman siya sa akin na may pagtataka sa kaniyang mukha. "FC ka rin, noh?"

Binitawan ko yung kamay niya. "FC ka diyan! Kung ayaw mo, edi wa'g! Tse!" sabi ko at naglakad palayo.

"Oy, teka lang! Wala naman akomg sinabing ayaw ko!" sigaw niya habang tumatakbo palapit sa akin. Nilingon ko siya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon