Unexpected Twenty-Six: Sudden Live Concert

27 4 2
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas. Pero hanggang ngayon hindi pa rin kami pinapansin ni Zeya. Ni hindi nga siya sumasabay sa amin eh!

"Tingnan mo Maiah! Pati tuloy ako nadamay!" sabi ko sa katabi ko na pa-cool lang na kumakain ng ice cream.

"I've told her my reason already. Gusto niya atang tayo ang unang pumansin sa kaniya."

"Pinapansin naman talaga natin siya! Siya lang talaga yung umiiwas sa atin." sabi ko at nagcross arms.

"Hayaan niyo na kasi." sabi pa ni Danielle.

"Dalawang araw na ang nakalipas Dane." sagot ko sa kaniya.

"Alam niyo naman yun. Pakipot." sagot naman ni Allyssa at tumawa.

Inirapan ko lang siya. Nahahawa na ata ako kay Zeya.

"Magsorry kaya kayo?" napatingin ako kay Rona.

"Magsorry?" tiningnan ko si Maiah. "Di ka ba nagsorry?"

"May kasalanan ba ako?" nakataas kilay na sagot niya.

"Syempre!" sabay na sigaw naming apat sa kaniya.

"Ano?"

"Late ka." sagot ko.

"Di ka nagpaalam na late ka dadating." sagot naman ni Danielle.

"Ginutom mo siya." sagot naman ni Rona at mahinang napatawa.

"And worse, di mo siya dinalhan ng pagkain!" sagot ni Allyssa sabay tawa.

Dahil sa sinabi ni Allyssa napatawa kaming tatlo.

Napatigil kami sa pagtawa dahil bigla na lamang tumayo si Maiah. "I've got to go somewhere." tumingin siya kay Rona. "Rona, come with me." umalis na siya at dumiretso sa kotse.

Kinuha ni Rona ang bag niya at sinundan si Maiah.

Ano ba ang plano ng babaeng yun?

----

Ronaliza's POV

"Yun ang plano mo?" tumango siya. "Well, hindi bagay sayo." tapos tumawa ako.

Sinamaan niya ako ng tingin. "What? Tama naman ako ah?"

She rolled her eyes. "Just do what I say..."

"Yes ma'am."

Kinuha niya yung phone niya at may tinype.

"Nga pala, bakit ako yung sinama mo? At bakit hindi si Kristine?" takang tanong ko sa kaniya.

"It is because, one of your uncle is the owner of that entertainment. Right?" sabi niya ng hindi pa rin tumitingin sa akin.

Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "You're crazy. Nakilala ko lang siya sa reunion namin last year! Hindi ko alam na may tito pala akong kagaya niya. No way! I can't help you, Maiah."

Tumingin siya sa akin at nagtaas ng isang kilay.

----

"Yes uncle. Please?" pagmamakaawa ko.

"I already said no, Maria."

"But, uncle hindi ba't tapos na yung concert nila dito? At hindi ba't dito muna sila mag ste-stay for vacation?" tumingin siya sa akin.

"I promise na hindi masyadong crowded yung place. I know that they need their privacy. So, please uncle? I'm begging you." mangiyak-iyak na sabi ko sa kaniya.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon