"Marcoooooo!! Manganganak na ata ako" sigaw na bumulabog sa buong Mansion ng Villaflor agad na kumaripas ng takbo si Marco patungo sa silid kung nasan si Claudette.
Agad netong binuhat ang Asawa na Hirap na Hirap.
"Manang sabihin kay Mang Simon ihanda ang sasakyan" nag madaling umalis ang katulong.
"Mahal tiisin mo Okay? Hingang Malalim" ani ni Marco.
Nang napansin ang naka handang saskayan agad silang Lumabas ng Mansion at dali daling sumakay.
Naging Maayos ang Panganganak ni Claudette lahat ay naka abang si Marco, Mark, Don Juancio at Donya Ezperansa. Ilang sandali ay lumabas ang Doktor.
"Doc Kamusta ang Asawa ko?"
"Mister Okay na ang Asawa niyo at ang Bata maari niyo na silang Puntahan" napahinga naman sila ng Malalim dahil sa nalaman agad silang nag tungo sa Kwarto at naabutan nila si Claudette na mahimbing na natutulog.
Hindi maialis sa Mukha ni Marco ang sayang nararamdaman habang nakaka titig sa Asawa.
"Marco Anak maiwan ko muna kayo ni Mark dito ha? Dahil ang Papa niyo Excited ng Makita ang Apo niya" ani ni Donya Ezperansa.
"Sige Mama dito muna ako hihintayin kong magising si Claudette ikaw Kuya maari kang sumama kila Mama kung gusto mo" Tinapik siya sa balikat ni Mark at saka tumango.
Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya tatalon ba siya o sisigaw dahil sa saya pero Lahat ng sayang naramdaman niya ay biglang nag laho.
Agad na bumukas ang Pinto at hingal na Pumasok si Mark.
"Si S-sylvia nawawala si Sylvia"
"Anong sinabi mong nawawala?" Naguguluhang tanong ni Marco.
"Wala si Sylvia may Kumuha kay Sylvia" Automatic na Bumagsak ang mga Luha ni Marco at sa isang iglap gumuho ang mundo neto.
BINABASA MO ANG
My Wife's Secret
General Fiction[R18] Isang Sikreto ang Gigimbal sa Buong pagka tao ni Marco makaka yanan nga ba niya? O susuko na lang?