Kaliwa't kanan ang mga Nurse at Doctor na nag Hahanap kay Sylvia ilang mga Pulis na din ang tinawagan ni Don Juancio para ipahanap ang bata.
Hindi alam ni Marco ang gagawin dahil panigurado ay Hahanapin ito ng Asawa at hindi siya nag kamali nagising si Claudette agad siyang nilapitan ni Marco at yinakap.
"Nasan ang Anak ko?" Napa hagulgol si Marco bago mag salita.
"Nawawala si Sylvia h-hindi namen alam kung nasan siya"
Agad na nag unahan ang mga luha ni Claudette sa pag bagsak hindi dahil sa pagkawala ng Anak kung hindi dahil sa lungkot na nararamdaman niya ng marinig ang Asawa na umiyak.
Bago pa lang Manganak ay inutusan ni Claudette ang kapatid niyang si Isaac na kunin ang bata at dalhin sa Probinsya para mailayo kay Mark at Juancio kahit masakit ay wala siyang magagawa.
Lumipas ang Isang Linggo at hindi pa din tumitigil ang Villaflor sa pag hahanap kay Sylvia.
"Mahal kumain ka na tama na muna yan" ani ni Claudette sa Asawa.
"Hindi pwede kelangan mahanap ko ang anak naten" nag patuloy si Marco sa ginagawa inilapag ni Claudette ang Tray sa lamesa.
"Mahal hayaan mo na muna kay Mark ang pag hahanap tignan mo ang sarili mo"
"Wala akong paki sa itsura ko dahil mas mahalaga sakin ngayon ay ang mahanap ko si Sylvia"
Napa singhap si Claudette at saka lumabas ng Kwarto pumunta ito sa Likod ng Mansion at inilabas ang Cellphone upang tawagan si Isaac.
"Hello Isaac"
"Ate si Baby Sylvia ang Likot iyak ng Iyak" napa tawa naman si Claudette sa narinig.
"Baka naman kasi ginugutom niyo" pabirong wika ni Claudette.
"Ate hindi kaya ang Mamahalin ng mga Gatas at gamit niya sabi ni Nanay kelangan yun para lumaki siyang katulad mong makinis"
"Si Nanay talaga mag papadala ako ng pera diyan Bukas alagaan niyong mabuti si Sylvia ha?"
"Sylvia?" Parang binuhusan ng malamig na tubig si Claudette ng marinig ang Boses na yun.
"Isaac t-tawag ako mamaya" agad netong pinatay ang tawag at lumingon sa nag salita.
"M-mark"
"Alam mo kung nasaan ang Anak ko?"
"Mag papaliwanag ako" agad na Hinablot ni Mark ang Braso ni Claudette."Nasan ang Anak ko?!"
"Hindi mo siya Anak! Bitiwan mo ko nasasaktan ako!"
"Ilabas mo si Sylvia ilabas mo ang anak ko Putang Ina Claudette!" Bakas na Bakas ang Galit sa Mukha ni Mark.
"N-nasa Probinsya siya kasama nila Nanay" Binitawan ni Mark ang Braso ni Claudette.
"Dalhin mo ko sa kanya Parang Awa mo na" nag simulang umiyak si Mark para itong batang inagawan ng Candy.
Agad itong Yinakap ni Claudette at tumango tango.
"Dadalhin kita sa kanya Bukas wag ka mag alala"
Habang nag hahapunan ay nag paalam si Claudette na uuwi muna sa Nanay niya agad naman siyang pinayagan para kahit papano ay ma Relax siya isinasama niya din si Marco ngunit timanggi ito dahil may mga ginagawa siya.
Kinabukasan ay Umalis na si Claudette pag dating sa Bus Terminal ay agad niyang nakita si Mark bumili sila ng Ticke at saka sumakay sa Bus.

BINABASA MO ANG
My Wife's Secret
Fiksi Umum[R18] Isang Sikreto ang Gigimbal sa Buong pagka tao ni Marco makaka yanan nga ba niya? O susuko na lang?