CHAPTER TWELVE

490 21 8
                                    


HULING araw na nina Nessie ngayon sa Batangas kaya naman susulitin na nila iyon. Alam din kasi niya na pagbalik nila sa Manila, kailangan na nilang asikasuhin ang collaboration series nila. At least, bago uli magtrabaho, nakapagpahinga at nakapag-enjoy sila.

Masaya rin si Nessie sa kinalabasan ng "team building" ng Gilas Pilipinas. Hindi nasayang ang effort nila, lalo na ng kuya niya dahil mas naging maayos ang samahan ng buong team.

Masasabi rin niyang nakatulong talaga ang naging huling activity ng team kagabi bago sila tuluyang nagpahinga. Sa huling activity ng mga ito, ang ginawa lang ng bawat isa ay ang makinig. That was so plain and simple. Pero parang iyon pa ang pinakamahalagang ginawa ng mga ito. Nakinig lang ang mga players sa lahat ng sinabi ni Drei, na head coach ng mga ito.

Pagkatapos ng session na iyon, kitang-kita ang mas pagiging determinado ng bawat isa. Doon ay tuluyang na-settle ang lahat ng kailangang ayusin, kasama na ang kaunting indifference ng mga ito sa isa't isa. Ang kailangan na lang makita ay kung gaano na talaga katibay ang chemistry ng bawat isa sa hard court.

"Friend, bilisan mo! Halika na dito!" tawag ni Celestine. Nauunang maglakad ang mga ito. Papunta sila sa sikat na kuweba sa lugar na iyon, ang Wanton Cave. Sa pagkatataong iyon, napagkasunduan ng lahat na sama-sama silang pupunta doon.

"Nand'yan na nga. Teka lang naman, 'di ba?" sagot niya. Nang makalapit sa mga kaibigan ay sinimangutan pa niya si Celestine.

"Grabe, ang taray talaga ni Nessie, 'no?" narinig niyang sabi ni Terrence.

Nilingon niya ito saka tiningnan nang masama. "Anong sabi mo?"

"Wala po, Madam," nakangising sagot nito pagkatapos ay bumaling kay Scottie. "See?" tatawa-tawang dagdag nito.

Hindi na lang pinansin ni Nessie ang lalaki. Nasanay na rin siya sa kakulitan nito.

Isa pa sa mga nakakatuwang bagay na nangyari sa "team building" na iyon ay mas naging close sila ng mga players ng team. Kakulitan na rin nila ang mga ito at mas nakilala nila ang bawat isa. Iba't iba lang talaga ang personality ng mga ito, pero lahat naman ay mababait.

'Sus! Baka ang ibig mong sabihin, mas naging malapit na uli kayo ni Marcio. Idinamay mo pa talaga 'yong iba, sarkastikong sabi ng isip niya.

Hindi na lang niya iyon pinansin. Kunsabagay, totoo naman iyon. Pagkatapos nilang magpaliwanagan, hindi na sila nag-iiwasan. May ilangan nga lang nang kaunti dahil sa sinabi ni Marcio na... mahal pa rin siya nito. Pero dahil gusto rin naman niyang ma-enjoy ang pagpunta nila roon, pilit niya iyong binabale-wala.

Nagpatuloy ang kulitan ng mga kasama ni Nessie habang naglalakad pa rin sila papunta sa kuweba.

"Mahirap bang maging writer?" mayamaya ay tanong ni Leoniflor.

Nagkatinginan sila nina Celestine at Zayllah. "Medyo, pero masaya naman," sabay-sabay nilang sagot pagkatapos ay sabay-sabay ring napangisi.

"Wow, ah. Nag-usap-usap ba ang mga isip n'yo? Ganyan ba talaga ang mga writer?" tanong naman ni Chris. "Weird," dagdag nito.

Nagkibit-balikat si Zayllah. "Siguro," sagot nito.

"Pero, weird man sila, okay na rin. Kasi, 'di ba, masarap daw magmahal ang mga writers. Lumalabas talaga ang pagiging romantic nila," sabi ng power forward na si Arwind. Napatingin tuloy sila dito. Bihira kasi itong magsalita. Kilala kasi ang lalaki sa pagiging suplado nito, parang si Larry.

"What?" pasuplado na ngang tanong ni Arwind nang mapansing nakatingin silang lahat dito.

"Wala, pare. Hindi lang namin akalaing makakapagsalita ka nang ganoon," sagot ni Russel, isa pa sa mga player ng Gilas.

Marcio, The Marksman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon