FRUSTRATION was written on Marcio's face. Huminga siya nang malalim bago muling pinaandar ang kanyang kotse palabas ng village.
He felt really bad for the last few days. Kung bakit naman kasi kung kailang finals saka pa sila natalo.
Alam niya na wala namang may gusto sa kanila na matalo, kaya lang nanghihinayang lang talaga siya. Deretso na sana sila sa Olympics kung nanalo ang team nila. Although may pagkakataon pa naman sila sa darating na FIBA World Cup, mas okay sana kung sila ang nag-champion. Kung kumpleto lang sana sila at nakalaro si June Mar, baka hindi ganoon ang naging resulta ng laban. Malaking kawalan kasi sa kanila si June Mar lalo pa nga at matatangkad rin ang mga players ng China na tumalo sa kanila.
Dahil sa frustration na nararamdaman niya, ilang araw siyang nagkulong lang sa bahay. Call him weird pero ganoon talaga siya lalo na kapag sa isang importanteng laban pa talaga sila natalo.
Sabi noon ni Nessie, maarte lang daw talaga siya. Ewan din ba niya. Wala siyang ganang kumilos at makipag-usap kahit kanino kapag ganoon ang nangyayari.
Nang maalala si Nessie, bumalik ang frustration ni Marcio. Dahil sa pag-iinarte niya, hindi na natuloy ang dapat ay pag-uusap nilang dalawa. Natalo na nga ang Gilas, hindi pa niya ito nakausap. Marami din kasi talaga siyang gustong itanong sa dalaga.
Well, palaisipan din sa kanya kung bakit sinabi nito na mag-usap daw sila samantalang ang huling pag-uusap nila bago ang laban nila sa Iran ay hindi naging maganda. Pagkatapos kasi nilang mag-usap ay hindi na sila nagpansinan pa, lalo na nang bumalik na si Kiel.
Baka naman gusto ka lang niyang makausap para maging okay na kayo. Since ikakasal na sila ni Kiel, baka naman gusto lang niyang magkaroon na talaga kayo ng closure.
Ang isa pa sa ipinagtataka ni Marcio, bakit hindi kasama ni Nessie ang fiance nito na manood sa huling dalawang laban nila. Ang mga kaibigan lang ng dalaga ang kasama nito. Bakit ganoon? Kung siya ang fiance ni Nessie, hindi niya hahayaang hindi siya ang kasama nito.
Kaya lang, hindi nga ikaw ang fiance. Saka, malay mo busy lang si Kiel. Ang malisyoso mo!
Pero iba talaga ang pakiramdam niya. Kaya nga kailangan na niyang makausap ang dalaga. At pupuntahan na niya ito kung nasaan ito ngayon.
Napailing pa si Marcio nang maalala kung nasaan ngayon si Nessie. Grabe din ang trip nito. Magsusulat lang ng nobela, nagpunta pa sa Batangas. Mabuti na lang at sinabi sa kanya ni Drei kung nasaan ito.
Nasa bayan na ng Lemery si Marcio nang may mapansin siya. Kumunot ang noo niya sa nakikita. Habang patuloy sa pagmamaneho, nakikita pa rin niya sa gilid ng daan ang mga placards na nakakabit sa poste, puno at kung saan-saan pa. At iisa lang ang nakalagay sa mga placards na iyon.
Marcio Lassiter, can you be mine... again?
Hindi niya maintindihan kung bakit habang nakikita niya ang mga iyon, unti-unting nawala ang inis at frustration na nararamdaman niya. Napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na kaba. Naguguluhan siya sa kung ano ang nangyayari, pero hindi niya maitatanggi ang kakaibang saya na pumupuno sa dibdib niya sa nakikita niya.
Hanggang sa makarating siya ng bayan ng Calaca ay nakikita pa rin niya ang mga placards na iyon sa gilid ng daan. Sobrang effort ng gumawa niyon at talaga namang nakaka-overwhelm.
Nang dumating si Marcio sa bukana ng Mayin Adventure Park, kung saan pupuntahan niya si Nessie, nakita naman niya ang malaking tarpaulin na nakalagay sa gate papasok ng resort cum adventure park. At ganoon din ang nakasulat sa tarpaulin.
Marcio Lassiter, can you be mine... again?
Dahil doon, parang nakumpirma na rin ang hinala niya. Pero gusto niyang marinig iyon mismo sa bibig ng dalaga. Isa pa, kailangang masagot ang maraming tanong sa isip bago siya makaramdam ng tuwa.
BINABASA MO ANG
Marcio, The Marksman (Completed)
RomansaStory between a basketball player and a romance novelist. Ex-lovers na pinagtagpo uli nang panahon. Mabalik pa kaya ang dati nilang magandang samahan? Find out here.