Yas! Para kay Lee ang chapter na ito. Kilig na kilig daw pero. Pero, girl, hindi siya naging sapat. Lol! Salamat, salamat pa rin.
Five years ago...
NAGMAMADALI sa paglalakad si Nessie papunta sa gym ng Saint John Academy. Katatapos lang ng klase nila at kailangan niyang puntahan ang Kuya Drei niya roon. Ito ang head coach ngayon ng basketball team ng SJA.
Ang alam kasi ng kapatid niya, hindi siya makakasabay pag-uwi dahil may a-attend-an siyang meeting. Pero na-cancel kasi ang suppose to be meeting ng organization na kinabibilangan niya. Puwede naman siyang mag-commute pauwi, pero mas convenient kung makakasabay pa rin siya kay Drei lalo at hindi naman niya kasama ang mga kaibigan ngayon.
Halos tumakbo na si Nessie papasok ng gym habang walang tigil sa kada-dial sa number ng kuya niya sa hawak na cell phone. Pagkalabas ng classroom, tinawagan na agad niya ang kapatid, pero out of coverage area lagi iyon.
Ilang mga estudyante na ang napapatingin kay Nessie, pero wala siyang pakialam. Besides, sanay na siya sa tingin ng mga kapwa estudyante. Hindi naman sa pagmamayabang, pero sabi ng ilan sa mga kaklase niya, may angkin siyang kagandahan na hindi agad napapansin sa una. At hindi alam ni Nessie kung dapat ba niya iyong ikatuwa o ikailang. Hindi kasi talaga siya sanay na binibigyan ng sobrang atensiyon.
Nessie was now in her third year in Saint John Academy taking up BS Journalism. Bukod sa pisikal na hitsura at pagiging suplada raw niya, kilala rin siya bilang kapatid ng hinahangaang head coach ng St. John Phoenix—ang basketball team ng SJA. Idagdag pa na best friend rin niya ang isa sa mga magagaling na varsity player ng women's volleyball team ng school nila, si Mecca Margarette Mendoza. At panghuli, mga magulang niya ang dalawa sa mga iginagalang na professors sa Saint John Academy.
Nasa pintuan na si Nessie ng gym nang sa wakas ay mag-ring ang cell phone ni Drei.
"Oh, thank heavens, nag-ring di—"
Hindi na natapos ni Nessie ang sasabihin nang maramdaman ang pagtama sa kamay niya ng bola.
"Ouch!" hindi niya napigilang sabihin. Mabuti na lang at kahit nasaktan, mabilis ang reflex niya kaya hindi niya nabitawan ang cell phone na hawak.
"Miss, okay ka lang?" narinig niyang tanong ng kung sino.
Nang mag-angat ng tingin, sinalubong siya ng guwapong mukha ng isang lalaki. Medyo kulot ang itim na itim nitong buhok. Mapupungay ang mata na binagayan ng malantik na mga pilikmata. Matangos din ang ilong nito samahan pa ng mapupulang labi. Halata rin sa mukha ng lalaki ang foreign feature nito.
Sandali siyang parang natulala. Hindi alam ni Nessie kung bakit parang naengkanto siya habang nakatingin pa rin sa lalaking nasa harap niya. Hindi rin niya maipaliwanag ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya lalo na at parang sandali niya ring nakita ang paghanga sa mukha nito.
Hero material, girl! malanding sabi ng isip niya.
Natauhan lang uli si Nessie nang ikaway ng lalaki ang kanang kamay malapit sa mukha niya pagkatapos ay saka nagsalita. "Miss, I'm asking if you're okay. Kung naguguwapuhan ka man sa akin, 'wag mo na munang masyadong ipakita. Unahin na lang nating tingnan ang kalagayan mo." Bigla itong ngumisi pagkatapos sabihin iyon.
Sa narinig, parang biglang nawala ang paghangang naramdaman ni Nessie kani-kanila lang. May kayabangan palang taglay ang lalaki. Mabilis siyang umayos at tiningnan ito nang masama.
"Do I look okay to you? Natamaan ako ng bola! Natural, nasaktan ako!" mataray niyang sabi.
Parang hindi naman naapektuhan ang lalaki sa pagtataray niya, sa halip ay makikita pa ang amusement sa mga mata nito and that pissess her off even more.
BINABASA MO ANG
Marcio, The Marksman (Completed)
RomanceStory between a basketball player and a romance novelist. Ex-lovers na pinagtagpo uli nang panahon. Mabalik pa kaya ang dati nilang magandang samahan? Find out here.