CHAPTER SEVENTEEN

406 19 2
                                    


MADALING-ARAW na pero gising na gising pa rin si Nessie. Inayos pa kasi niya ang mga gagamitin niya para mamaya. Bukod roon, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya kaya hindi agad siya makaramdam ng antok.

Pagkatapos kasi nilang manood sa MOA Arena, hindi na niya pinauwi pa si Celestine sa bahay ng mga ito. Kinulit niya ang kaibigan na kailangan na talaga siya nitong tulungan para makapagtapat na siya kay Marcio. Ayaw na niya iyong patagalin pa.

Tinawagan na rin niya si Mecca para makatulong din ito sa kanya sa pagpaplano. Pagkatapos ng ilang nakakaasar na suggestion ng mga ito, may nabuo na rin silang plano. Humingi na rin siya ng tulong sa kuya niya na more than willing na magbigay ng tulong.

Sandali siyang natulala habang nag-aayos ng gamit. Dahil sa sobrang pag-iisip kay Marcio, bumalik na naman sa isip niya ang mga nangyari kagabi pagkatapos ng laro ng Gilas Pilipinas.

Pagkatapos mai-shoot ni Marcio ang winning shot nito ay nagtakbuhan na ang teammates nito papunta sa puwesto ng binata saka tuwang-tuwang dinaganan ito. Championship feels ang atmosphere sa loob ng arena.

Habang nagkakagulo ang mga players at ang buong team, mangiyak-ngiyak naman si Nessie habang paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya ang winning shot ni Marcio. He did it again!

Pagkatapos makipagyakapan kay Celestine, lumapit si Nessie sa kuya niya para batiin ito. He did a great job as well. At para bang sariling isip ang mga paa niya dahil pagkatapos yakapin at batiin si Drei ay awtomatiko siyang lumapit kay Marcio at niyakap ito.

Halatang nagulat ang binata sa ginawa niya, pero ilang sandali lang ay gumanti ito ng yakap kasabay ng matamis na ngiti. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso nito. Hindi rin niya pansin kung pawis na pawis pa rin ito. Mabango pa rin kasi ito sa kabila niyon.

"Congrats," sabi niya pagkalayo. Doon na rin siya nakaramdam ng kaunting hiya at pagkailang.

"Salamat," nakangiti man, halatang naguguluhan pa rin ito. Parang may hinahanap din ang mga mata nito. "Hindi mo kasama si K-Kiel?" parang naninimbang pang tanong nito.

Umiling lang si Nessie. Siguro, hindi pa nasasabi ng kuya niya dito ang nangyari. Mabuti na rin iyon. Gusto niyang siya ang magsabi sa binata ng lahat ng nangyari. "Ahm, M-Marcio, can we talk? After the finals?" nag-aalangan pang tanong niya.

Hindi agad nakasagot ang binata dahil nilapitan na ito ng court side reporter para interview-hin. Pero bago ito tuluyang lumayo ay tumingin muna ito sa kanya.

"Sure, after the finals," sagot nito.

So, she needed a plan, a very sweet and effective plan para maging kanya na uli si Marcio.

Ang katok sa pinto ng kuwarto ni Nessie ang nakapagpabalik ng isip niya sa kasalukuyan. Bubuksan na sana niya ang pinto nang kusa na iyong bumukas. Napakunot ang noo niya nang makita ang Kuya Drei niya na bihis na bihis.

"Kuya? Aalis ka?" tanong niya. Napansin rin niya ang pagbahala sa mukha nito.

"Oo. Aalis na sana ako nang makita kong bukas pa ang ilaw sa kuwarto mo. Matulog ka na, umaga na," sabi nito.

"Opo. Pero teka, saan ka pupunta? Sobrang aga pa, ah," sabi niya.

Napahawak ito sa batok na para bang namomoroblema. "Si June Mar kasi. Nabugbog daw ng mga hindi kilalang lalaki. Nasa ospital siya ngayon," sagot nito. Maririnig sa boses ng kapatid niya ang pag-aalala.

"What? Okay naman ba siya? Hindi pa ba nahuhuli kung sino ang may kasalanan?" nag-aalala ring tanong ni Nessie. Isa kasi si June Mar sa mga ka-close niya sa Gilas boys kahit na napakamahiyain nito.

"Stable na naman daw. Pero dahil sa mga sugat na nakuha niya, baka hindi siya makapaglaro mamaya sa finals," sagot ni Drei. "Paano, sis, pupunta na muna ako sa ospital," sabi nito. Hinalikan siya nito sa pisngi bago tumalikod.

Hindi pa man ito nakakalayo ay tinawag niya ang kapatid. "Kuya, pakisabi kay June Mar, magpagaling agad siya."

Tumango lang ito bago tumalikod. Huminga muna nang malalim si Nessie bago pumasok sa kuwarto. Bago tuluyang matulog, nagdasal muna siya.

ANG INAASAHAN ni Nessie na pag-uusap ay hindi nangyari. Everyone was frustrated dahil sa pagkatalo ng Gilas sa China. Dahil doon, hindi na niya nakausap si Marcio pagkatapos ng laro. Halata sa binata, pati na rin sa ibang players kung gaano nanghinayang ang mga ito. Kung kailan nga namang finals, saka pa natalo ang mga ito.

Puwede naman niyang puntahan at kausapin si Marcio, pero naisip niya na parang hindi iyon ang tamang oras para gawin iyon. Kahit na gustong-gusto na niyang maayos ang lahat para sa kanila, kaya pa naman niyang maghintay. Baka kasi sa halip na maayos nila ang dapat ayusin, init ng ulo ang isalubong sa kanya nito.

Although alam naman ni Nessie na malabong gawin iyon ng binata, hinayaan na lang muna ito. Kilala niya si Marcio kapag natatalo sa isang importanteng laro. Ilang araw itong hindi magpaparamdam. Kailangan mo lang hintayin na maging okay na uli ito. Hindi niya tuloy malaman kung ganoon lang ba talaga ito ka-dedicated maglaro o sadyang maarte lang talaga ito minsan.

At dahil sa finals pa ng FIBA Asia natalo ang mga ito, baka isang linggong hindi magpakita si Marcio.

Hala, kaya ba niyang maghintay ng isang linggo pa? Ang tagal n'on!

Okay lang 'yan, Nessie. Think positive! Bakit hindi ka mag-isip ng paandar mo habang hinihintay na matapos ang pag-e-emote ni Marcio?

Oh, well... That was a very nice idea. Paandar, huh? Hmm...

Marcio, The Marksman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon