CHAPTER 6

451 30 5
                                    

      SA PAGBABALIK ni Cedric ay nakaramdam si Aidan ng panghihinayang.Gusto man sana niya ito pigilang umalis sa bahay niya,wala siyang maidahilan.Sa ilang araw na magkasama sila ni Sueyen,naging close na sila.Magaan ang pakiramdam niya dito at parang kilalang kilala niya ito,mula ulo hanggang paa pati sa amoy.Pagkabalik ni Cedric kahapon ay sumama na din ang dalaga sa kania.Halos buong gabi siyang hindi nakatulog dahil sanay na siyang si sueyen ang natutulog sa kabilang kwartong katabi ng kwarto niya.Gaya ngayon,pagkabangon niya pinuntahan niya ang silid na inookupa nito.Im a fool!Namimiss niya si sueyen kahit kahapon lang sila ngkahiwalay.
Pinuntahan niya ag bahay ni Cedric.Malapit lang naman ito sa farm.Nalalakad lang din ito pero pag ganung may araw,mainit maglakad.

"Cedric,pare!"tawag niya sa kaibigan.
"Pasok ka,Aidan."paanyaya niya dito."May problema ba?"tanong niya dahil naninibago siyang makita itong dumalaw sa kania.Kadalasan kasi siya ang pumupunta sa bahay nila kung may problema sa farm.
"Wala naman pare.Ahmmmm..."anitong d alam kung paano mgtatanong kung nasaan si sueyen.
"Kung si Sueyen  ang hinahanap mo,nasa likod -bahay ang babaeng yun.Inip na inip dito walang makausap na sweet katulad m!"pagbibiro ni Cedric.
"Ikaw tlg!"aniya.
"Puntahan mo na bago pa makaisip yun ng kung ano ano."utos ni cedric dito
"Naggugupit na naman ng buhok?"kinakabahang tanong niya.
Tumawa ito."Sa awa naman ng diyos,hindi.Ginupit lang niya ang ilang napaglumaan ko nang damit."
Lihim siyang nakahinga nang maluwag nang hindi na nagtanong si Cedric kung ano ang pakay niya sa dalaga.But he felt he need to explain,but later.Nakita kasi niyang ngumiti ito.
"I promised her to bring at the greenhouse pag namulaklak na mga bulaklak doon."pagbibigay niya ng rason dito.
Cedric just chuckled.Habang siya ay gusto nang kutusan ang sarili."Aidan,you don't need to explain.Puntahan mo na lang siya.And Aidan....."Sumeryoso ang mukha nito."Mahirap ang pingdadaanan ni Sue pero alam ko na kahit paano ay sumasaya siya dahil sayo.You made her happy."
Nahiwagaan siya sa sinasabi nito.Sa ilang araw na nakasama niya ang dalaga ay tikom ang bibig nito sa pagtakas sa sarili nitong kasal.Ayaw niyang mag tanong dito.Hinihintay niyang ang dalaga mismo ang mag-open ng problema nito.
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Cedric.Iyon ang pangalawang pagkakataong nakita niya itong nagseryoso.Pero maya maya lamang ay gumuhit ang pilyong ngiti sa mga labi nito.Ngunit mabilis din iyong nawala nang makarinig sila ng pagkabasag mula sa likod ng bahay.
Umiling si Cedric."kung ako sayo,puntahan mo na ang isang iyon.At pakiusap ikulong mo muna sa greenhouse."
Nakangiting pinuntahan niya si Sueyen.Tama nga si Cedric.Kung ano ano ang pumapasok sa isip ng babaeng ito.
Nakita niya itong may hawak na tatlong basyo ng bote ng alak.May mesa sa di kalayuan na may nakabukas na laptop.Isang nakakaindak na musika ang pumapainlanlang.Hindi niya mapigilang humanga dito.The woman was really full of surprises.Sueyen sas practicing her bartending skills.Nakatalikod ito sa kanya habang inihahagis sa ere ang tatlong bote na kanina lang ay hawak niya.Nasasalo niya ang lahat nang ito habang sumasayaw.He smiled.Sueyen was so graceful.Naka concentrate ito sa ginagawa kaya hindi nito namalayan ang paglapit niya.Aliw na aliw siya sa panonood dito.Sa palagay niya ay kaya niyang tumagal ng isang araw na nakatitig lang dito.He knew a lot of beautiful women who walked around with antennas on their head,concious that all eyes would be on them.But Sueyen is different.Hindi nito batid ang angkin nitong kagandahan.
Inihagis ulit nito ang dalawang bote,saka sinundan ng isa pa.Pinaglipat-lipat nito ang mga iyon sa dalawang kamay.Imagine her figure like a miss universe but she can do all this things with poise.Umikot din ito habang pinaikot ikot ang mga bote.Noon siya nito napansin.Nakita niya ang bahagyang panlalaki ng mga mata nito at tuluyang nawala sa konsentrasyon.Nawala ang atensiyon nito sa mga bote.Hindi nito natantiya ang pagsalo sa mga iyon.Bumagsak sa lupa ang isa,at nasalo nito ang isa pa.Pero ang huling bote ay tumama muna sa noo nito bago iyon bumagsak sa lupa.
"Ouch!"hiyaw nito.Sapo nito ang nasaktang noo.Mabilis na nilapitan ni Aidan si Sueyen.Damn!
"Are you all right?"Tiningnan nito ang namumulang noo niya.
"Bakit ka naman kasi biglang sumusulpot?"himutok nito.
"Naaaliw kasi ako sa panonood sayo.Sorry..."Sa sobrang lapit nilang dalawa ay naamoy nia ang napakabangong dalaga.Wala sa loob na napatitig siya sa mga mata nito.And when he did,he felt lost.Shes inlove with her!!!!
Ang pag-ungol nito ang nagpabalik sa kaniya sa huwisyo.Bumalik ang pansin niya sa noo nito."Kailangan nating lagyan ng yelo yan.Nahihilo ka ba?Kailangan yata nating pumunta sa hospital,nagiging asul na yang noo mo,"nagpapanic na sabi niya.
Umiling ito."Wag ka ngang OA.Yelo lang katapat nito."Nauna nang pumasok ito sa bahay.Wala si Cedriv doon.Dumeretso ito sa refrigerator at kumuha ng ice cubes.Kinuha ni Aidan ang panyo at binalot doon.Akmang kukunin niya ito nang magsalita ito.
"Let me."
Tahimik na hinayaan siya nito.Ngunit kahit anong ingat niya ay hindi parin ito nakaligtas sa pandinig niya ang bahagyang pagsinghap nito dahil sa paglapat ng yelo sa balat nito.
Tumikhim siya."Where did you learn that?"
Tumingin ito sa kania."Youtube."
"Youre kidding!Sa youtube ka lang talaga natuto?"hindi makapaniwalang tiningnan niya ito.
"Looks like hindi ka naniniwala?"tanong ni sueyen.
"You looks professional,pero bakit natuto kang mg bartending while pagbasag ng itlog using your one hand is kinda hard for you?"
Inirapan niya ito."Anong gagawin ko eh mahirap tlga magbasag ng itlog."
Tumawa si Aidan kaya hindi niya namalayang napadiin ang yelo sa bukol nito.
Wala sa loob na hinipan niya ito sa noo sa pag aakalang mapapalis niyon ang sakit na nararamdam.
Natigilan ito sa ginawa niya.He was stunned as well.Napatingin ito sa mga mata nito.Wala sa loob na napalunok siya ng bumaba ang tingin niya sa mga labi nito.She pouted her lips at dahil doon ay lalong nadagdagan ang init na nararamdaman ni Aidan lalo na at magkalapit lang sila.
"Ako na nga lang,lalala pa yata ang bukol ko dahil sayo."she said.
Tumikhim si Aidan para hamigin ang sarili."Ahm,may gagawin ma ba bukas ng umaga?"
"Wala,inip na inip nga ako dito!Alam mo namang hindi taong bahay yang si Cedric."aniya sa lalake.
"S-So can i invite you out for dinner tonight?At para maaga tayo bukas you can sleep at my house,if okay lang sayo.Ipapaalam kita kay Cedric."dere-deretsong sabi nito.
"W-why not!Ako na lang mgpapaalam kay Cedric."sabi nito.
"May alam akong bagong bukas na classy restaurant dito sa benguet."anyaya ni Aidan.
"Ok,sana lang gumaling na tong bukol ko and i wanted to explore benguet bago pa ako matunton ni papa!"natawang biro nito pagkaalala sa sitwasyon kinalalagyan.
"Ill be here at 7,tell Cedric!ok ka lang ba if iiwan muna kita?"paalam ni Aidan sa dalaga.Ayaw sana niyang iwan ito pero kailangan niyang maglibot sa farm.
"Ok na ako,bukol lang to!"
"O-Ok!"

The Runaway BrideskeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon