CHAPTER 7

411 35 8
                                    

"SUEYEN!"
Naramdaman niya ang biglang paninigas ng katawan niya ng marinig ang boses ng ama.Tila nasa alapaap sila kanina pero ngayon nasa realidad na.Nawala na ang magic sa pagitan nila.Halos sabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng dumadagundong na boses na iyon.Napansin ni Aidan ang biglang pamumutla ni Sueyen.Nabitawan din nito ang hawak na rosas.Nakatayo sila sa entrance mg greenhouse kasama si Cedric na duguan ang mga labi.
"D-Dad...."anas ni sueyen.
Lumapit ang ama nito sa kanila.Isang malakas na sampal ang mabilis na dumapo sa mga pisngi ni Sueyen.Nagulat siya sa ginawa ng ama.Kahit noong nagrerebelde siya para makuha ang atensyon ng ama ay hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay.Sobrang sakit ng nararamdaman niya.Pero mas masakit ang emosyonal kesa sa pisikal na pananakit.Minahal niya itong tunay na ama niya.
Akmang dadaluham siya ni Aidan ngunit maagap na pinigilan ito ng isa sa mga bodyguards ng ama niya.
"Please dad!huwag mo silang idadamay.Wala silang kinalaman."pagmamakaawa ni sueyen na umaagos na ang mga luha.
"At sino ang lalakeng ito?"saka niya inutusan ang mga bodyguard na bugbugin si Aidan.
"A-Aidannnn...."sigaw ni sueyen na akmang dadaluhan ito pero nahila ng ama niya ang buhok niya.
"Tapos  na ang kalokohang ito,Sueyen.Sasama ka sa akin pabalik ng manila.Wala akong pakialam kung kaladkarin man kita rito palayo."bulyaw sa kanya ng ama.
Duguan na ang buong mukha ni Aidan.Nakikita niya ang awa sa mga mata ni Sueyen para sa kania.
"Tito,Sueyen is old enough to decide for herself.Hindi pwede na habang buhay niyo na lang ididikta kung ano ang dapat niyang gawin,"pagtatanggol sa kania no Cedric.
Lalong nagalit ang kanyang ama.Binalingan nito si Cedric."Isa ka pa,Cedric.Lagi mo na lang kinukunsinte ang katigasan ng ulo ni Sueyen.You both are!"Akmang susugurin ni Cedric ang ama pero mabilis siyang napigilan ng mga bofyguards niya.Kaya nakatikim ulit si Cedric.Nakita niya sa sulok ng mga mata niya ang pagpipilit bumangon ni Aidan.
"Dad,that's enough.Hindi mo kailangang manakot.Im going with you."umiiyak na sabi nito sa ama.Nilingon niya si Aidan na pinipigilan siya sa pamamagitan ng pag-iling.
Tumakbo siya palapit kay Aidan."Pangako,babalik ako!I love you,Aidan."bulong niya sa mga tainga nito.Saka siya inilayo ng mga bodyguard ng daddy niya.
"Sueyen...."
Nilingon niya ulit si Aidan.She knows na mamimiss niya nang sobra ang lalake.Hindi niya alam kung kailan ulit sila mgkikita.
"Sueyen,you don't need to do this."
Malungkot siyang ngumiti kay Cedric."Ill be fine,Ced."
"Halika na,sueyen!"sigaw ng ama niya.
"Dad,please hayaan mo namang makapag paalam aq sa knila ng maayos."pakiusap ni sueyen sa ama.
"Make it quick."mariing utos nito saka bumalik sa sasakyan pero pinagbantay nia ang mga bodyguard nito.
Mabilis siyang lumapit kay Aidan.Malungkot na ngumiti siya rito.Tumaas ang isang kamay nito para haplusin ang mukha niyang nasampal ng ama niya.Tama nga yata ang kasabihang:" Sometimes we have the right love at the wrong time."Don't worry baby,there's always a getaway part two."pagbibiro niya.
Sa halip na ngumiti si Aidan ay nalungkot ito.Katulad ni Cedric na madilim din ang ekspresyon ng mukha nito."Basta siguraduhin mong sa tamang pinto ka parin matutulog,"pilit ang ngiting ipinaalala ni Aidan nang una nilang pagkikita.
Tumango siya."I promise!"
Yumakap ito sa kania.He kiss her on her lips."I'll be tuning in to your station."
Tipid na tumango at ngumiti ito sa kania.Lumapit siya sa kinaroroonan ni Ced.Niyakap niya ito."Thank you,Ced.i'll see you soon."
"Yes,at marami kang ikukwento sa akin kung bakit may halikang nagaganap na sa inyo ni Aidan."pagbibiro nito.
Iyon na lamang at lumabas na siya.Ayaw niyang lalong galitin ang ama.Tahimik na sumakay siya ng kotse.
Habang umaandar ang kotse palayo sa lugar na iyon ay pabigat ng pabigat ang pakiramdam ni sueyen.Tuluyan nang nilunod ng lungkot ang puso niya nang mawala na sa paningin niya ang lugar kung saan siya panandaliang naging masaya.
Sa loob ng ilang linggong pananatili niya sa lugar na iyon ay tila nag-roller coaster ang emosyon niya.Gaya ng mga nasa pelikula,nag-flashback sa isip niya ang unang pagkakataong ngkita at nagkakilala sila ni Aidan.Ang mga araw na inilagi niya sa farm kasama ito at nung gabing may nangyari sa kaniya.
Natiyak niya ang damdamin niya para dito.She loved him.Hindi niya alam at kung kailan nagsimulang mahalin niya ito.Nararamdaman din niyang mahal siya ni Aidan.Mahal na mahal niya si Aidan.Kusang tumulo ang mga luha niya.Pinunas niya iyon sa pamamagitan ng mga palad niya.
May mga pagkakataon na hindi talaga patas si kupido.She fall inlove with the right man but at the wrong situation.
Wala silang imikan ng daddy niya sa kotse.Kaya naman ipinikit na lamang ang mga mata pero di naman nia magawang matulog.I missed Aidan already,anang isip niya.Napangiti siya nang maala ang nangyari sa kanila that night.Gagawa siya nang paraan,alam niyang hihigpitan siya nang daddy niya.

The Runaway BrideskeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon