CHAPTER 2

603 45 4
                                    

    Hindi mapigilan ni sueyen ang mapaungol sa sakit ng likod niya pagdilat ng kanyang mga mata.Pinilit siyang bumangon at minasahe ang nangalay na batok.Hindi siya sanay matulog nang hindi komportable.Hindi man lang kasi siya inalok ng bwisit na Aidan na matulog sa kama nito.
       Nang tumayo siya hindi lang likod niya ang masakit.Pati mga paa  niya.Puno ng paltos at galos ang paa niya.Nang tumakas siya sa sariling kasal ay hinubad niya ang tatlong pulgadang sandal niya.Makakahadlang lang kasi iyon sa pagtakas niya.Maraming tao ang pinagtitinginan siya kahapon.
      Hinipo niya ang mga paltos sa paa niya.Mahapdi iyon.
"Good morning!"
Napapitlag si sueyen sa pagbati ni aidan mula sa kaniyang likuran.Nang lingunin niya ito,bahagya pang tumutulo ang basang buhok nito.Obviously,fresh na fresh siya  samantalang siya nandidiri sa sariling katawan.Unfair.
       Hindi nakatulong ang guwapong mukha nito para pagandahin ang umaga niya.Pinili niya na wag magpakita rito ng kahit anong emosyon."Morning!"ganting bati niya rito.Sinadya niyang tanggalin ang salitang "good" sa pagbati niya dahil walang maganda sa umaga niya.Kahit ang panaginip niya ay hindi maganda.Dala lang ng kagandahang-asal kaya siya sumagot sa pagbati nito.
      Humakbang ito patungo sa kusina ng unit nito.Pati sa hangin ay humahalo ang amoy nito.Nakita niya na naghahanda ito nang almusal.He looked at her.Tipid lang itong ngumiti.Muntik ng tumaas ang kilay nito.
    Ang kapal nang lalakeng ito!sa isip isip ni sueyen.
"Kung gusto mong maligo,maligo ka na!"
"Salamat ha!wala ka man lang bang mai ooffer na pamalit ko dito?Hindi mo naman siguro gustong bumiyahe ako na nasisilipan nang ganito!"
"Honestly,you look very sexy!"
Inirapan niya ito."Bastos!"
"Bastos ba yung pinupuri ka?Anyway,ito lang ang napili kong medyo kakasya sayo!"iniabot niya dito ang ilang piraso ng damit."And regarding to that thing...hindi mo naman siguro gugustuhing isuot ang brief ko!"
    Nagblush siya."No thanks,this will do!"Nakakailang hakbang palang siya ng ma-off balance siya.Maagap siyang nasalo ng lalaki.Damang-dama niya ang init na nagmumula mula sa katawan nito.And it made her heart go crazy.
    Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito."Are you okay?"
     Wala sa loob na napatango na lang si sueyen.Inayos niya ang sarili."Thank you,"aniya saka pinilit ang sariling ihakbang ang mga paa.Dama niya ang pagkirot ng mga un pero tiniis na lang niya.Sa likod ang butones ng polo na binigay ni Aidan sa kania.Pinilit lang niya itong isuot nang nakabutones na kahit mukhang mapupunit na ito.But this time,milagro lang siguro kung paano niya yun makakalas.
"Pag minalas ka nga naman!"bulalas niya.Wala siyang magawa kundi lumabas at humingi ng tulong sa hambog na lalakeng yun!Sumalubong sa kania ang amoy ng niluluto ni Aidan.Sumisipol pa ito!
"Ganda ng gising ng isang ito!kakainis!!!naiinis na bulong niya sa sarili.
      Tumingin ito sa kania."Ah may stock akong sabon sa cabinet sa bandang taas.Pati narin toothbrush."
Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita."I-i need your help."Argh i hate the feeling of bring helpless,anito sa isip isip.
      Napakunot-noo ito.Bago pa ito nakapagtanong ay sinenyas niya ang butones sa likod ng polo nito.Nakita niya ang kapilyuhan sa mga mata nito.Siguro sinadya ng gung-gong na ito ang ibigay sa kania.
    Inilang hakbang lang nito ang pagitan nilang dalawa.Nalalanghap uli niya ang mabangong amoy nito.Bumilis ang tibok ng puso niya.
    "Turn around,"mayamaya ay utos nito sa kania.
    Tahimik na sumunod siya rito.Hinawi nito ang buhok niya.Dumampi ang mga mainit na palad ni Aidan sa likod niya,na para bang nakuryente ang buo nitong pagkatao.
     Pakiramdam ni sueyen ay iyon ang pinakamatagal na sandali ng buhay niya.Naramdaman niya ang unting pagluwag ng damit niya pero hindi ang pakiramdam niya.Hinawakan niya ang unahang bahagi ng damit sa harap niya.
    Tumikhim ito."Done."
Bumaling siya kay Aidan.Nakita niya ang pagseryoso ng anyo nito at ang pagtaas-baba ng adam's apple nito.
    "T-thank you,"aniya at naglakad pabalik ng banyo.Pagpasok niya ay doon lang niya pinakawalan ang pinipigil na paghinga.
    Come on sue,whats happening to you?tanong sa kania ng isip niya.Hinubad niya ang suot at tsaka tumapat sa shower.
    
      Halos umabot na sa tuhod niya ang suot niyang t-shirt ni aidan.May superhero logo pang naka-print sa harap niyon.Sinasadya ata nitong asarin siya.Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin.Napangiti siya ng makita ang repleksyon sa salamin.
     "Welcome back,Sueyen Acebedo,"malakas na sabi niya sa sarili sa salamin.
     Huminga muna siya ng malalim bago lumabas ng banyo.Naghahain na sa mesa si Aidan ng lumabas siya.
    "Kumain muna tayo bago umalis.Mahaba ang magiging biyahe natin at mahirap mgbiyahe ng walang laman ang tiyan,"sabi nito.
      Umupo na siya.Tumikhim siya para kunin ang atensyon nito."Ahm,do you mind if i make some alternation on your shirt?"
     Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa."Not at all,matagal ko na rin namang hindi isinusuot yan!
"Pwedeng makahiram ng gunting?"
"Sure!"
       Hindi nagtagal ay iniabot sa kanya ang gunting.Mabilis na pumasok ulit siya ng banyo.Ginupit niya ang halost kalahating manggas ng damit para maging short-sleeves.Ang nagupit niyang manggas ay ginupit niya sa maliliit na piraso at ginawang belt.Hindi man siya sanay magsuot ng bestida.Saka siya napatingin sa mahaba niyang buhok.Bago pa siya magdalawang isip ay pinutulan na agad niya iyon ng hanggang balikat.Kahit hindi ito pantay pantay pero nagmukha parin itong maayos tingnan.Nang hindi pa siya makontento ay naglagay siya ng bangs.Nang masiyahan za kinalabasan ng itsura ay lumabas na siya ng banyo.
     Kumakain na si Aidang ng lumabas siya.Inilapag niya ang gunting sa harap nito bago siya umupo sa isang silya roon."Salamat uli."
    "Youre we------"Hindi nito naituloy ang sinabi pagkakita sa kania.Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya.Then Aidan smiled at het."My shirts look good on you,but what happened to your hair?"
       Naramdaman niya ang pag iinit ng  mga pisngi niya.Para i-distract ang sarili ay wala sa loob na hinawi na lang ang kanyang bangs.
    "Ginupit ko,"simpleng sagot niya rito.Napansin niya na naging seryoso ang ekpresyon ng mukha nito.Bahagya rin siyang kinabahan nang hindi ito nagsalita.
     Umangat ang isang kamay ni Aidan sa mukha nito at hinawi ang bangs niya.Naramdaman niya ang paglapat ng kamay nito sa balat niya.It was a light touch pero ang lakas ng dating nito sa kanya.May dinampot ito roo at ipinakita sa kania.Mga hibla iyon ng nagupit niyang buhok na marahil ay naiwan sa pisngi niya.
     Inilapit nito sa direksyon niya ang tasa ng kape at tinapay."Kumain ka na.Mukhang kung ano-anong naiisip mong gawin  kapag nagugutom ka."komento nito at saka nagpatuloy sa pagkain.
     Napasimangot siya."Bagay naman ah!And i think walang makakakilala sa akin."
"Oh siya,kumain ka na at baka kung ano pang magawa sa akin ng pinsan mo kapag nakita kang ganyan!"
       Hmmp!bossy!kantiyaw ng isip niya.Pero sa halip na magreklamo ay sinunod na lang niya ang sinabi nito.Hindi niya namalayang halos naka tatlong pinggan na siya.Tinitingnan lang siya ni Aidan.Narealize niyang gutom na gutom pala siya.Noon lang niya naalala na noong umaga bago ang araw nang kasal niya ang huling kain niya.Kaya pala nakaramdam siya nang pagkahilo.
        "Bonne appetite!"biro ni Aidan dito na nagsalita ng ibang lengguahe.
"Ano un?"nakasimangot na tanong ni Sueyen.
"Kumain ka nang kumain!Magbibihis lang ako."anito at tumayo na.
 
       Pagkapasok palang ni Aidan ng kwarto niya ay gusto na niyang batukan ang sarili.Ang totoo ay kagabi pa niya gustong iuntog ang sarili sa pader.Hindi niya alam kung bakit bigka siyang nataranta nang sabihin sa kania ni cedric na pansamantala ay sa kanya muna si sueyen.Kaya naman pagkatapos nilang mg-usap kagabi,iniwan niya itong hindi man lang sinabi kung saang kwarto ito pwedeng matulog.At ang pinakamalupit sa lahat,ang tanging nasabi nia rito ay,"make yourself comfortable."
       Very brilliant Aidan.Nasaan na ang pinag-aralan mong good manners and right conduct?
      Halos isang oras lang yata ang tulog niya kagabi,dahil batid niya ang presensya ni sueyen sa condo niya.Hindi maalis alis sa isip niya ang halik na pinagsaluhan nila,na naging dahilan ng unang tikim niya ng sampal sa buong buhay niya.Naglalaro sa isipan niya ang mapupulang mga labi nito.Shet!and here he comes again.Nang pumasok ito sa banyo kanina para maligo ay naririnig niya ang lagaslas ng tubig.And he's imagining the water touching and running over her body.Stop it,Aidan!kailan ka pa naging bastos?"na halos pagalitan ang sarili.And to top it all off,bumagay dito ang t-shirt niya.
      Ang hindi lang niya nagustuhan ay ang pagputol nito sa buhok niya.Bagay rin naman dito ang bago niyang gupit but still he always loved woman with long hair.Nang bigla nitong maalala na wala pala itong suot sa paa.Naghanap siya ng tsinekas niyang pwede nito maisuot.Wala siyang ibang nakitang kakasya dito kaya napilitan siyang kunin ang isang pares ng tsinelas na hindi niya madalas suotin.
       Lumabas siya ng kwarto niya.She saw her washing the dishes.Nakatalikod ito.Napalunok siya.Hindi niya maintindihan kung bakit ganun kalakas ang epekto nito sa kania.
    Tumikhim siya."A-ah,take this slipper!"
     Lumapit si sueyen dito."Thank you!But i think i need another favor again?"
"Of course!"
"Ahm.....pwedeng mahiram ulit ang gunting?"saka nito itinaas ang kamay na naka peace sign.
      Hindi niya napigilang ang tumawa."Hindi kaya may obsession ka sa gunting?Parang lahat na lang gusto mong gupitin."
"Eh,paano naman,ang lalaki ng mga gamit m!Magmumukha akong lumulutang kapag hindi ko ginawan ng paraan,"katwiran nito.
      Si sueyen lang ata ang unang babaeng nakilala niya na hindi nagpapacute kapag kinakausap siya.
      Napailing na lamang siya.Pero sa halip na ibigay sa dalaga ang gunting.Yumuko siya at ipinasuot ang tsinelas dito.
"Ako na lang!Baka kasi bago tayo umalis at nasa kamay mo pa ang gunting baka tuluyan ka nang maging kalbo.Tapos ako naman kakalbuhin ng pinsan m."
"Gusto ko nga sana subukan eh!sagot nito sa kania.
        Hindi kaya may sayad ang babaeng ito,una tinakasan nito ang sariling kasal,ngayon naman ay biglang ginupit ang sariling buhok.Ano kaya ang susunod?tanong ni Aidan sa sarili.
      He touched her feet.Naramdaman niya ang pagkislot nito dahil siguro kumikirot yun.Napamura siya ng wala sa oras nang makita ang mga sugat sa paa nito."Jeez,wala ka bang balak na sabihin may sugat ka sa paa?"
"I can handle it!"
       Tinapos niya ang pag gupit sa tsinelas.Saka siya pumasok sa kwarto niya at kinuha ang first aid kit niya.
       "Aalis na tayo?"tanong ni sueyen ng makabalik si Aidan.
Sa halip na sagutin siya nito ay tinuro niya ang sofa.
"Maupo ka muna o mahiga,lalagyan q lng ng ointment ang paa m."
       Sumunod naman agad ito sa sinabi niya.Pero hindi siya pumayag na ito ang mgpahid ng ointment sa paa nia.Inilahad niya ang kamay niya para kunin ang ointment kay Aidan.Napapangiwi siya tuwing nilalagyan ng ointment ang bawat galos sa paa niya.
     "Thank you!"binigay niya ang ointment kay Aidan.
     "Youre most welcome!Magpahinga ka muna!Lalabas lang ako saglit."aniya sa dalaga.
     "Ok!ill be fine."napaghalataan kasi niyang baka hindi ok sa kania ang mapag-isa.
       Lumabas n ng condo niya si Aidan.May malapit na shopping store sa condo niya.Bibilhan niya ng konting damit si Sueyen.Napangiti siya ng maalala ang dalaga.Sa lahat ng babaeng nakilala niya sa buhay niya,ngayon lang siya napalagay ng loob dito kahit di sila magkakilala personally.May kung anong charisma ito na kahit ang kaunting pagdidikit ng kanilang mga balat ay nakakapagpakuryente sa kania.Nilakad lang niya ang shop,walking distance naman ito.And he loves to walk sa mga ganung oras.Sa taas niyang 6 feet maganda rin ang panganagatawan niya dahil nde niya ito napapabayaan.
         Pumasok siya sa shop.
"Hi sir!"pagpapa cute ng saleslady sa kania.
      Tiningnan niya ito pataas pababa.Medyo magkasingkatawan sila ni sueyen.
"Give me some t-shirt and pants at tsaka dress narin like your size!"utos niya sa nagtataka paring saleslady.
      Pumili siya ng dalawang t-shirt with pants at isang jean with a light jacket.Pinasuot niya ito sa saaleslady na agad namang sumunod.
      "Ahm------ i need undies and bra!"nahihiya mang sabi ni Aidan ay kailangan niyang gawin.
      Pumili siya ng limang pares.
Binayaran niya lahat ng binili niya.Nagpasalamat siya sa saleslady na tumulong sa kania.

    
       Sinulyapan ni Aidan ang natutulog na dalaga sa tabi niya.Kasalukuyan na silang humibiyahe papuntang Benguet. Alam niyang hindi nakatulog si Sueyen ng maayos kagabi dahil hindi pa man sila nagtagal sa biyahe ay nakatulog na ito.
    Eh ang gentlemen m kasi,Aidan,kantiyaw ng isip niya. Marahas siyang napabuga ng hangin ng masulyapan ang mapuputing hita nito .Halos nasa kalahati na lang ng hita nito ang damit nito sa pagkakaupo.At bago pa may kung anong kademonyohan siyang naiisip ay iginilid niya ang sasakyan.Hindi siya makakapagconcentrate sa pagmamaneho.Hinubad niya ang suot na jacket at ipinatong sa kandungan ng babae.
      Pagkalapit niya rito ay nalanghap jiya ang mainit at mabangong hininga nito.Nataranta ulit ang isip niya.Mabilis at pilit niyang inilayo ang sarili dito.Inayos niya kasi ang pagkakasandal ng ulo nito.Saka siya huminga ng malalim.
     Umiiling na binuhay uli niya ang makin ng sasakyan."And this is gonna be a long ride,Aidan Kaiser."

The Runaway BrideskeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon