CHAPTER 10

740 42 16
                                    

     IGINALA ni Sueyen ang tingin sa kabuuan ng silid niya.Sigurado siyang may naririnig siyang sumisitsit sa kanya.Pero sigurado niya na mag-isa lang siya sa silid niya.Nakarinig ulit siya ng pagsitsit.
    Napatingin siya sa picture frame na nasa gilid ng kama niya.She looked intently at her mother's picture."Okay,Mom alam mong takot ako sa multo,"kausap niya ito.Nagsisimula na ring tumayo amg mga balahibo niya.Titili na sana siya nang pangalan naman nito ang binamggit niya.Sa pagkakataong iyon,she was sure  na hindi na multo iyon.It was a man's voice,and that sounds familiar to her.
Tumanaw siya sa labas ng bintana ng kwarto niya.Nanlaki ang mga mata niya nang makita na nakabitin doon si Aidan.Mabilis na tinungo iyon at binuksan.Nakita niya na may mga sugat ito sa mukha.Mukhang inakyat nito ang puno na malapit sa kwarto niya.
"Bakit ang tagal mong buksan?"
"Anong ginagawa mo rito?"tanong niya rito.
"Sss...lower your voice!Baka marinig tayo ng mga bodyguards mo!"
"Ha?"Alam niya kasing wala na siyang mga bodyguards."Anong ginagawa mo rito?"tanong ulit niya rito.
"Magtatanan tayo sa ayaw at sa gusto mo,Sueyen.Wala akong pakialam kung hindi mo man ako kayang ipaglaban.Kayang-kaya kitang ipaglaban,Sueyen.Mahal na mahal kita,Sue."Determination sas written all over his face.
"Saan tayo pupunta?Hindi na tayo pwedeng magtago sa Benguet."
"Kahit saan.May seven thousand one hundred seven na pulo ang pilipinas.Siguro naman,hindi kayang isa-isahin ng daddy mong puntahan ang lahat ng iyon."
  Ah,how can she not love this man?
"Pero paano tayo mabubuhay?"
"Magtatrabaho ako syempre!"
"Paano kung mahuli ulit tayo ni daddy?"
"Eh di tatakas tayo ulit.Sukdulang dalhin kita sa North pole,gagawin ko."
She smiled."Hmmm..paano tayo magtatanim sa northpole kung nagyeyelo doon?"
Sa pagkakataong iyon ay parang napansin niya ang pagbibiro nito.Sumeryso siya."Teka nga,bakit ang dami mong tanong?Ayaw mo bang makasama ako?Ayaw mo bang magtanan tayo?"
Ikinulong nito ang mukha niya sa dalawang palad niya at saka pinagdikit ang mga ilong nila.
"Syempre gusto ko.Gustong-gusto ko.Kahit saang sulok ng mundo sasama ako sayo."
"Pack your things and lets leave bago pa may makakita sa atin!"anitong hinila ang kamay niya para magligpit ng mga gamit niya.
Pinigilan niya ito."Wait...wait,youre too fast.We don't need to leave,Aidan.Nag-usap na kami ni daddy.Walang kasal na magaganap."
"Ano?Pero bakit ngayon mo lang sinabi sa akin yan?Para akong sira-ulo na pilit nang pilit sayo na tumakas."
Natawa siya."Paano naman ako makakahirit sayo?Eh,ang lakas ng impluwensya sayo ni Romeo.Sa bintana ka pa talaga dumaan.At nakaplano narin na pupuntahan kita bukas sa condo mo.Hindi lang ako makaalis ngayon kasi sa bahay nila Nikkos kami nagdinner ni Dad.
Sumimangot ito."Ang dami niyo kayang guwardiya.Siguradong kapag nakilala kami ng bodyguards ng daddy mo ay malabo kaming makapasok."
Napahalakhak na siya."Marami talagang guards si daddy dati.Muntik na kasi siyang makidnap.Pero wala na akong bodyguards."
"Oh,great!Mukha na talaga akong tanga."
"So,binabawi mo na ang lahat nang sinabi mo sa akin kanina?"
"Of course not!"mabilis na wika nito.Inilapit nito ang mukha nito sa mukha niya."Im not going to do that even if im the dumbest person ever!I love you!"
Buong pusong ngumiti siya rito.Mahal din kita,Aidan.Mahal na mahal.Thank you for not giving up on me,"madamdaming sabi niya.
Bumaba ang labi nito upang halikan siya.Buong puso niyang tinugon ang halik nito.
"Sueyen!"
Dumagundong sa apat na sulok ng silid niya ang boses ng kanyang ama.Nakabukas na ang pinto ng kwarto niya.At nakatayo roon ang daddy niya at si Cedric.
"D-dad..."
"You!Young man...we need to talk!"
"Pinahirapan mo pa ang sarili mong maging si Romeo kung pwede naman palang pumasok ng walang kahirap-hirap."natatwang sabi ni Cedric kay Aidan.
"Hello po,Sir!"binalingan ni Aidan ang ama ni Sueyen.
"Paano ba yan baby?Hihiramin ka pa yata muna ni Daddy."sabi niya dito.

Kinausap ni Aidan ng masinsinan ang Ama ni Sueyen.Gusto niyang hingin ang kamay nitong pakasalan ang babaeng minamahal.Bago sila nagpaalam ni Cedric ay sinabi niyang tatawagan niya ang mga magulang at ora mismo pag-uwi nila ay mamamanhikan sila.

Mag-iisang buwan nang buntis si Sueyen.Wala pa naman siyang ibang kalaibang nararamdaman maliban sa minsan pagkahilo at pagsusuka.Hindi pa niya nasasabi kay Aidan na buntis siya.Kaya naman plano niyang sabihin dito ngayon.Kakabalik lang din ng mga magulang ni Aidan galing Amerika.
S

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Runaway BrideskeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon