JOTHAM'S POV
Saktong sakto lang ang dating ko. Dumiretso ako sa bar counter kung saan kita ang buong view ng event hall. Pag ka upo ko umorder ako ng brandy. Sinundan ko ng tingin si Dem (Sage), umupo ito sa likod na table ng mga officials na target nya. Genie (Sena) and Chi (Daisha) already seating few tables away from Dem.
Sunod sunod ang pagdating ng mga malalaki at makapangyarihang tao sa industry ng business, politics and more.
Iilang minute pa, Dumating na si Deux (Tamatha) kasama ang manager nya.
"Hey. Good evening. Can I have an on the rocks whiskey?" Napalingon ako kay Cerv na tumabi sa akin matapos humingi ng alak sa bartender.
Tumingin ako sa wristwatch ko, 5 mins to go and it's showtime.
Saktong 7:30 naglalakad na ang nakangiting si Deux papunta sa amin..
Bumilis tibok ng puso ko..
Hindi maganda pakiramdam ko sa ngiti ni Deux..
"Sorry not sorry bar" bulong ni Deux ng makalapit sa akin.
Uh.. oh..
She step back..
At buong lakas nya akong sinampal. Biglang nag flat line yung paningin at pandinig ko.
"HOW DARE YOU!!!" Sigaw nya. Mas bagay sa kanya maging actress kesa maging model sa galing nya mag panggap.
Muli, Sinampal nanaman nya ako.
"WHAT THE FCK!!!" Hindi ko na napigilan yung sarili ko. May bakal ata yung kamay neto ni Tamatha. Feeling ko sobrang maga na ng pisngi ko.
"Hey! Hey!!" Pumagitna sa amin si Cerv para umawat. Isa pa ito eh. Napakagaling ding umarte.
"HOW DARE YOU TO TOUCH MY BUTT!!" Sigaw ulit ni Tamatha. Sa sobrang lakas ng sigaw nya naagaw nya ang atensyon ng mga security malapit sa amin.
"I didn't touch you! For pete sake!" Sigaw ko din. Ginawa pa akong pervert nito ni Deux.
"Excuse me po Maam, Ano pong nangyayari dito?" tanong ng isang security guard. Natulala ito ng humarap si Deux sa kanya. Isang sikat na model ba naman yung nasa harap nya eh. Di na ako nagtaka.
"He touched my butt! This pervert" sigaw ni Deux ulit na may kasama pang pagduro sa akin.
"He didn't!" Pagtatanggol ni Cerv sa akin.
"HE DID!!" Pagpupumilit ni Deux.
Hinawakan ng dalawang security yung braso ko.
"Pagusapan nalang po natin sa office, Sir" sabi sa akin.
"Hey! Hey! I didn't! We can check the CCTV footage" tinuro ko ang CCTV na nakafocus dito sa bar counter.
"Hindi po kasi-" pinutol agad ni Cerv yung sinasabi ng security guard.
"We are also a VIP in here. Besides, I am a witness and I said he didn't do it. This woman is delusional lunatic" Muntik na ako matawa sa pagtaas ng kilay ni Deux dahil sa sinabi ni Cerv.
Makahulugang tumingin ang mga security kay Deux.
"W-what? Okay! Let's check it.." Sabi ni Deux.
Tumango naman ang mga security dahil na rin sa pressure.
Nagpatiuna maglakad ang mga security kasabay ni Deux, Nasa likuran kami ni Cerv.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pagtayo ni Genie at Chi sa kinauupuan nila.