Snow's POV
"Hey Ate. How would you know if the carbonara is panis?" Tanong ni Ice sa akin habang umiinom ako ng tubig. Huhuhu. Hangover strikes again. Ang aga din mag paquizbee ni Ice.
Ano nanaman kaya pinag gagawa ko kagabi?
At ano nanaman kayang himala ang nangyari at nakauwi ako-
"Hey Ate" nakakunot noo na sabi ni Ice habang titig na titig sa akin.
Wala sa sariling sumagot ako.
"Tanungin mo.. Carbonara panis ka na ba? Kapag sumagot.. Naku babe! Tapon mo na yan!!"
"Huh? What are you saying?!" Hindi mapinta yung mukha ni Ice.
"Di ko alam. Ano ba sinasabi ko?" Tanong ko kay Ice.
"Ate.." He said.
"Hmm.."
"SABOG KA BA?" Tanong nya ulit.
"SABOG BA AKO?!" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Ginagaya mo ba ako?" Tanong ulit ni Ice.
"Ginagaya ba kita?" Tanong ko din.
"WHAT THE FCK?!" Sigaw nya.
"WHAT THE F-"
"Ang aga aga ang ingay nyong dalawa!! MAGMUMURA KA NYEBE?!" Nakapamewang pa si Tita Mags habang nagpalit palit ng tingin sa amin ni Ice.
"MAGMAMAHAL TITA PERO HINDI MAGMUMURA-ARAAAAAY!! ANG AGA AGA MAPANAKIT" Kamot ulo ako ng hinampas ako ni Tita sa batok.
"HAHAHA" Tawa naman si Ice tapos binigyan nya ako ng tinimpla nyang coffee.
"Himala magkasama kayong dalawa..-Oh thanks!" saka humigop si Tita Mags sa kapeng binigay ni Ice.
"Kamusta nga po pala sa Millenium?"Panimula ko tapos tumuhog ako ng ham at sinubo ito ng buo. Shutay dyutom lang ang peg ko. Hihi..
"Ohh that.. It's about Finn Lucious Alvuente" sabi ni Tita Mags kaya bigla akong sumeryoso.
Bigla naman tumayo si Ice..
"San ka punta? Tapon basura?" tanong ko.
Dumilim naman yung mukha ni Ice.
"I think you'll going to have a conversation about that as*hole. I'll go first, I don't want to waste my time just to hear whatever those informations.." Tapos nag walk out na sya. Galit kay Finn? LQ sila?
"Anyare don?" tanong ni Tita Mags
I shrugged.
"He's kinda busy I guess. Bihira na lang yan umuwi dito.." Pahayag ni Tita Mags na ikinakunot ng noo ko.
Busy saan?
"Siguro nga po. Hehehe" Napaisip ako. May tinatago ba sa akin si Ice?
"Oh back to our topic" Kinabahan naman ako ng biglang sumeryoso si Tita Mags.
"Finn is in huge danger. Better watch him. And you too.. Be careful" tapos tumayo na ito at umakyat.
??????
?????
????
???
YUN LANG YON?! WALA MAN LANG IBANG KEME?!
---------------
"Ay kabayong bundat!"Jusmiyong mahabagin! Pinakita sa akin ni Reki yung video ko kagabi habang kausap yung halaman nya. Gusto ko iuntog yung ulo ko sa dingding! Ano ba yang pinag gagawa ko!! Alak pa more! Huhuhu. Sakit ng ulo ko! Tapos itong yelo na ito wala man lang pasintabi. Hindi man lang ako sinabay.
![](https://img.wattpad.com/cover/106177843-288-k859061.jpg)