Sebastian's POV
"In position.." sabi ko habang nakahawak sa eardevice ko. Nasa 2nd floor ako ng 3-storey building na nasa north side ng pier. Nasa west side building naman si Ms. Jochelle at Ace.
"Ice.." Ms. Jochelle muttered. Mabilis akong tumingin sa baba..
There he is.. standing in the middle like a proud king.
Nakaharap si Ice sa building kung nasaan ako kaya siniksik ko lalo ang katawan ko sa dilim. May hawk eye pa namang taglay tong si Ice.
Di kalayuan sa bandang kaliwa nya ay si Clyde na nakakubli sa dilim. Bulto pa lang ng katawan alam kong sya iyon. Sa bandang kanan naman ni Ice ay si Finn. Di kalayuan kay Finn ay si Elise.
"TRAITOR!!! BASTARD!!!" Sigaw ni Finn at mabilis itong nagpaputok kay Ice. At dahil maliksi si Ice, mabilis lang nyang naiwasan ang mga balang pinakawalan ni Finn.
SHIT!!
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING FINN??! DAMN!!" Nabingi ako sa sigaw ni Ellie through the ear device.
Dahil sa ginawa ni Finn. Wala kaming choice kung hindi makipagpalitan ng putok sa grupo ni Ice.
"Ace. Get ready.." utos ni Ms.Jochelle.
"Yeah" maikling sagot ni Ace.
Patakbo akong bumaba ng building para tulungan sila Clyde at Elise sa baba.
"DAMN! ANDITO NA RIN YUNG MGA AGENTS!!" Sigaw ulit ni Ellie.
Tangina naman kasi! Finn's reckless act got us in this edge.
"Clyde and Elise, take care of those agents. Sebastian..Go to plan B! I'm coming.." sabi ni Ms.Jochelle.
PUTA? SYA LANG ATA MAY ALAM NA MAY PLAN B?!! BAHALA NA NGA!
Nang makarating ako sa baba, Magkaharap na si Finn at Ice.
I want to wipe that smirk on Ice's face using my fist. Tsk.
"This is how you welcome me back?" Malamig na sabi ni Ice.
Finn smirked at him as well and pointed his gun to Ice.
Tinaas lang ni Ice yung dalawang kamay nya. Yung smirk ni Ice. Napalitan ng nakakatakot na ngiti.
Tumindig ang balahibo ko..
Kakalabitin na ni Finn ang gatilyo ng may bumaril sa pagitan nila. Sabay silang napatingala sa building na nasa likuran ni Ice. May isang lalaki na may hawak na sniper rifle sa rooftop.
Walang ano ano ay tumakbo si Ice papunta sa building na iyon. Tatakbo na sana si Finn para sundan si Ice ng hampasin sya ng baril sa batok ni Ms.Jochelle.
Nanlilisik ang mata nito na tumingin sa akin.
"Bring him to Ellie" utos nito sa akin at saka patakbong sumunod kay Ice.
Lumapit ako sa walang malay na si Finn.. "Stupid" sabi ko at sinuntok ito sa pisngi bago ko sya inilagay sa balikat ko at tumakbo kung nasaan si Ellie.
Jochelle/Reki's POV
JUKINGINA KASI ITONG SI PAPA FINN!! NASTRESS BANGS KO!!
"PAPA ICE WAIT FOR MEEEEH!!!" Gustong gusto ko na yan isigaw kaso baka ratratin ako ng bala at mura ni Max kaya shatap nalang ako.
"Jesus!!" Reklamo ko habang hawak hawak tuhod ko. Hinubad ko yung heels ko at pinagpatuloy ang pagtakbo paakyat.
Bakit sa mga movie kahit nakaheels yung mga bidang babae hindi sumasakit paa nila??