4. She Promised

178 8 2
                                    

CHAPTER FOUR: She Promised

~

Linggo na ang nakakalipas matapos siyang mangako sa akin at bukas na ang Concert. First ever concert namin ito kaya naman masaya ako lalo na at pupunta si Reese.

 

“Hoy! ‘Wag ka namang pa-over sa practice! Baka mahimatay ka niyan sa sobrang pagod!” saway sa akin ni Carl.

Katataposlang ng pratice namin pero trip ko parin ee. Ewan ko ba pero masyado ata akong masaya at excited.

“Anong balita kay Reese?” tanong ni Anj. Matagal na kasi siyang nagtatanong sa akin tungkol kay Reese. Hindi ko alam kung bakit.

“Wala ee pero sabi niya sa akin pupunta daw siya bukas. Bakit ka nga pala tanong ng tanong tungkol sa kaya?” sagot ko.

 

“Kasi marunong siyang magkorean? Ewan. Binanggit niya kasi ‘yung salitang yeobo last time. Malay ko, baka Blackjack siya. Atleast may makakasama ako sa AON!” sabi niya.

“Blackjack? AON?”

 

“All Or Nothing ng 2NE1. ‘Yung concert! Paanong hindi mo alam ‘yun? Alam mo bang maraming gustong makapunta doon at ikaw? Hindi mo alam ‘yun?!”

 

“Bakit hindi mo isama si Luis?”

“Syempre may mga pupunta din doong boy groups kaya naman mapapaos ano nun kakasigaw. Tsk. Alam mo namang ayaw na ayaw akong nakikitang sumisigaw nun! Para nga daw akong tumitilaok na manok. Ang ingay ko daw. Bakit? May sumisigaw bang hindi maingay? Mungewan talaga ‘yun! Pasalamat siya mahal ko siya,” tsaka siya kinilig-kilig pa.

 

“Sige, kapag nakausap mo si Reese. Balitaan mo ako,” tumango lang ako atsaka umalis na siya.

“Ready boys?” tanong nila sa amin. Tumango ang iba pero parang hindi maganda ang pakiramdam ko.

 

“Nandito na ba si Reese?” tanong ko kay Carlos pero parang wala sa sarili ang isang ito at kunot ang noo.

 

“’Tol?” tanong ko pero natatakot na ako sa kanya dahil sa bumubulong bulong na siya.

 

“Sinusumpa kita Ciabelle. Madapa ka sana. Malasin ka sana doon. PUTANGI – “ habang bumubulong siya ay kinalabit siya ng isang staff kaya naman naputol ang pagmumura niya.

 

“Ano ba?” sabi niya at saka lumingon sa staff. Kita sa mata niya ang gulat kaya naman nag-sorry siya kaagad.

 

“Mag-ready na daw kayo. 2 minutes nalang, lalabas na kayo,” sabi nito. Tumango naman si Carlos.

She's Not My Fangirl. (Julius' FanFic) [Books 1&2 | Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon