6. She's Back

116 8 1
                                    

CHAPTER SIX: She’s Back

~

 

“Ha? Nakauwi na si Reese?” tanong ko kay Ishie na nakasalubong ko ngayon sa studio kasama si Mhim. Nag-uusap sila kanina at mukhang pinapauwi na ni Ishie si Mhim.

 

“Ayoko! May halimaw sa labas! Langya! Hanggang dito sinusundan ako!” sigaw ni Mhim. Nagweirduhan naman ako sa kanya at todo kapit pa siya kay Ishie.

 

“Ay! Sugar High! Nandito ka pala! Este Julius pala,” sabi ni Mhim tsaka bumitaw kay Ishie. “Ah! Kaya naman pala. Siguro nandito ka. May practice kayo? Manonood ka Ishie? Buti pa si Daniel inimbita si Ishie. Ikaw Julius? Aalis na ako! Waah! Namimiss ko na ang Korea~” sabi niya pa saka lumabas na.

 

“Sige mauna na ako,” sabi ni Ishie tapos dumiretso nalang sa practice room.

Pumasok narin ako sa loob at nagsimula na kaming mag-practice. Ayoslang naman ang practice at natapos din agad, parang ang bagal nga ng oras at sobrang boring.

 

“Surprise! Mabuhay! I’m back!” nandito siya. Naririnig ko ang boses niya at halatang masaya siya. At bakit siya masaya? Anong ikinasasaya niya? Dahil doon sa Xiumin? Bakit? Nagkita na ba sila? Tsk.

“Hoy!” sigaw niya sa akin nang hindi niya ako pansinin. “UY! Hintayin mo naman ako,” saka ko naramdaman na hinila niya ang dulo ng damit ko.

 

“I’m back!” sabi niya ulit matapos humarang sa harapan ko at agad na niyakap ako. Nagulat naman ako at napangiti nalang. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil… dahil mahal ko siya.

 

“Ililibre pa kita kaya tara na!” sabi niya at hinila ako pero hindi kami nakalabas agad dahil may humarang sa amin sa labas ng building.

“Ikaw ba ‘yung girlfriend ni Julius?”

 

“Hindi naman kayo bagay!”

 

“Ate Ganda! Anong name mo?”

 

“Ang cute nila!”

 

“Ayoko sa kanila!”

Iyon ang sabi ng mga tao sa paligid. Marami silang nakaharang kaya hindi kami nakalayo agad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hinila ko lang siya at inilayo dito hanggang sa may tumigil na sasakyan sa harapan namin at biglang bumukas ang pintuan sa back seat nito. Bumungad sa amin ang pagmumukha ni Mhim na nasa passenger’s seat katabi ang isang lalaki.

 

“SAKAY NA!” sigaw pa nito, pumasok nalang kami at isinara ang pinto.

 

“Ano ito? EXO FanFics ang peg? Hinahabol kayo ng mga fangirls? Ganoon tapos holding hands while running ang peg?! Aba! Umaasenso tayo Julius ah!” sabi pa ni Mhim. Ang ingay talaga niya.

“Diba ikaw ‘yung lalaki sa Korea? I mean… You’re the guy we met in Korea. Why are you here?” tanong ni Reese habang nakaturo sa lalaking katabi ni Mhim.

 

“Una, ako nga ang lalaki iyon. Pangalawa, dahil sasakyan ko ito kaya nandito ako. Tss,” sagot ng lalaki.

Teka? Sino ba siya at ganyan siya kung magsalita kay Reese?

 

“Letse! Kamag-anak pala namin ito! May kamag-anak pala kami sa Korea?! Kitamuyun! Akala ko Koreano itong lalaking ito. Pinsan ko pala ito! Buong buhay ko talaga akala ko puro mga madadaldal ang lahi namin…” sabi ni Mhim.

 

“Dito na kami! Babye!” sabi ni Reese.

Bumaba na kami at dito niya ako dinala sa tapat ng isang subdivision. Naglakad kami papasok at napansin kong ito ang subdivision kung saan sila nakatira pero nilampasan lang namin ang bahay nila. Teka? Saan kami pupunta?

 

“Pasok ka,” aya niya sa akin. Pumasok naman ako sa loob. Sinabi niya sa akin na dito ang tambayan nila nina Mhim, Ishie at Ciabelle. Palagi raw silang nandito noon pero ngayon paminsan-minsan nalang pumunta ang iba at siya nalang ang tao dito palagi. Maliitlang ang bahay pero masasabing cute ito.

 

“Actually, ililibre talaga dapat kita e. Kaso lang, naubos pera ko sa Korea so naisipan ko na ito nalang,” sabi niya nang makarating kami sa dining area at maraming pagkain.

Napangiti naman ako. Maraming klase ng pagkain sa mesa pero ang serving ay pang-dalawang tao lang talaga. Inihanda niya ba ito para sa akin? Natutuwa ako, sobrang natutuwa ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Masaya ako ngayon, sobra.

 

“Salamat,” sabi ko habang kayakap ko siya. Habang kayakap ko siya ngayon pakiramdam ko ayoslang ang lahat. Pakiramdam ko ako ang pinakamasayang tao ngayon. Nakikita ko siyang nasa bisig ko at masaya na ako doon.

Kahit sa simpleng bagay lang na iyon, masaya na ako pero sana tumagal itong saya na nararamdaman ko. Sana…

~

Mhim's Corner: Sabaw. -_-

-Mhim-

To God Be The Glory!

She's Not My Fangirl. (Julius' FanFic) [Books 1&2 | Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon