8. Confrontation

97 7 1
                                    

CHAPTER EIGHT: Confrontation

~

 

“Ano bang problema mo?” tanong sa akin ni Luis.

“Wala.”

 

“Wala? Bakit hindi ka nagsasalita? Bakit parang laging kunot ang noo mo? Ano ba talagang problema mo?” tanong naman ni Anj.

 

“Wala nga,” sabi ko saka umalis na sa practice room. Uuwi nalang ako.

Nakarating ako sa bahay ng ligtas, mukhang walang tao. Wala pala talaga dahil may note si Mama na umalis sila, mukhang may emergency meeting. Tsk. Wala akong pakialam. Nase-stress ako kakaisip sa bagay na iyon. Nakakainis!

Kung iisipin na ang babaeng mahal ko ay may mahal na iba?! – Teka? Sino naman ang nagdodoorbell na iyon?

 

“Tao po?” si Reese iyon. Anong ginagawa niya rito?

 

“Julius! Hoy may dala akong cupcakes! Tara kain tayo! Nasaan sina Tita? Sabi pa naman niya bumalik ako dito pero bakit parang wala sila?” dire-diretsong sabi niya habang nagdidire-diretso sa loob ng bahay at nagmamasid pa.

 

“Ako ang nagbake nito!” sabi niya at saka inabot sa akin ang isa. Makita ko lang ang mukha niya masaya na ako pero may bumabagabag talaga sa akin. Hindi ako kampante. Dapat ko na bang sabihin sa kanya na mahal –

 

“May sasabihin sana ako,” sabay namin sabi.

 

“Ako muna!” sabi niya kasabay ng pagsabi ko ng, “ikaw na muna.”

 

“Samahan mo ako sa Concert ng EXO –“ nabanggit lang niya ang pangalan na iyon para bang naiinis na ako. Ano bang meron ang EXO? Napatayo ako at halata namang nagulat siya dahil napatigil siya sa sasabihin niya.

 

“Ayoko,” sabi ko.

 

“Pero sayang naman ‘yung –“

 

“Mahal kita Reese…” nasabi ko narin pero parang pinagpapawisan parin ako. Kinakabahan ako kung ano ang sasabihin niya sa biglaang pagsabi ko ng bagay na iyon, pati ako ay nagulat dahil sa sinabi ko.

 

“H-ha? P-pero Julius… magkaibigan tayo..,” sagot niya. Iyonlang ba ang masasabi niya?

 

“Mahal mo ba ako Reese?” diretsong tanong ko. Gusto ko ng malaman kahit kinakabahan ako. Kahit na kasasabi lang niya na magkaibigan nga kami.

 

“Julius…”

Ha? Anong klaseng sagot iyon? Mahal niya ba ako? Oo o hindi lang naman ang hinihingi kong sagot.

 

“Sorry…” dugtong pa niya saka niya nabitawan ang isang cupcake.

 

“Guys?! Anong nangyayari dito!?” rinig ko ang matinis na boses ni Mhim kasabay ng pagbukas ng pintuan.

Ang ibig sabihin ba nito ay hindi niya ako mahal? Hindi niya ba ako mahal?

 

“Mahal kita pero hanggang kaibigan lang…”

Kaibigan? Tsk. Ayoko ng ganoon. Naihagis ko ang hawak kong gamit sa inis ko. Ano bang kailangan kong gawin para mahalin niya ako? Dahil ba sa EXO? EXO? Bakit palagi nalang EXO?

 

“Dahil ba sa EXO?”

 

“Huwag mo silang idadamay Julius,”

 

“Bakit hindi? Bakit ba palagi nalang sila ang bukambibig mo? Ano bang meron sila na wala ko? Mahal kita! Mahal na mahal kita! Mahalin mo naman ako parang awa mo na…” sabi ko sa kanya.

 

“Julz, you’re drunk,” sabi sa akin ni Carl. At ano namang ginagawa nila dito? Bakit sila nandito? Ako nakainom? Oo nga pala! Uminom ako kanina ng alak. Tss. Ano naman?!

 

“Putangina ng EXO na ‘yan!”

 

“A-ano?”

 

“Dapat wala nalang sila para ako nalang ang mahal mo.”

 

“Napakaselfish mo, Julius. Hindi kita mahal kaya huwag mo silang murahin o anuman! Mas mahal ko sila kaysa sa iyo kaya kung akala mo kakampihan kita dahil lang lasing ka, wala akong pakialam sa iyo!”

 

“Pero mahal kita…”

 

“Mas mahal ko si Xiumin kaysa sa iyo kaya tigilan mo na ang pagsasabi sa akin na mahal mo ako.”

‘Yung mga salitang iyon, “Mas mahal ko si Xiumin kaysa sa iyo…” sobrang sakit.

Ano bang nagawa kongmali at sobrang sakit ng nararamdam ko na ito?

Ano bang iniisip ni Reese? Ano bang totoo niyang nararamdaman? Dahil alam ko na mahal niya rin ako. Mahal niya ako…

Sana mahal niya rin ako…

~

Mhim's Corner: I hate myself. -_-

-Mhim-

To God Be The Glory!

She's Not My Fangirl. (Julius' FanFic) [Books 1&2 | Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon