5. It's Love

150 10 5
                                    

 CHAPTER FIVE: It’s Love 

~

Isang gabi na ang lumipas matapos ng concert namin at hindi ko parin nakakausap o nakikita manlang si Reese…

“May balita ka na ba kay Reese?” tanong ni Anj. Bakit ba lagi kong kausap si Anj? Tsk. Akolang naman ang wala sa mood sa pagpa-pratice palagi – Ay! Hindi pala. SiCarlos din, palaging bad mood.

 

“Wala ee. Alam mo ba bahay nila?” tanong ko.

“Ni hindi pa nga kami close tapos tatanungin mo kung alam ko ang bahay nila? – TEKA! ‘Yung fan niyo, si Ishie. Baka alam niya,” pagkasabi noon ni Anj, agad kong tinap ang ulo niya at ngumiti. Mataposkong magpasalamat sa kanya ay kinuha ko ang gamit ko at saka tumakas sa practice. Bahala na sila diyan.

Habang nasa byahe ay may ilan pang nakakakilala sa akin. Nagcommutelang kasi ako papunta sa bahay nina Ishie. Siya pala ‘yung babaeng palaging kasama ni Reese sa mga Mall Show namin at bakit nga pala hindi ko siya nakita noong nakaraang araw, noong concert namin? Ewan. Nalaman ko rin na noong birthday pala niya ay dinala ni Mhim ang ibang members sa kwarto ni Ishie at ipinakita ang pagkarami-raming posters namin sa isang maliit na kwarto sa loob ng kwarto niya. Sayang at hindi ko nakita.

Magdo-doorbell na sana ako nang may bumukas ng pinto.

 

“J-Ju-Jul-Julius?”

 

“Hello?” at ‘yun, hindi na siya gumalaw at para na siyang statwa dahil nakatulala nalang siya.

 

“Sugar High. Julius,” sabi niya habang nakatulala. Ang weird niya.

 

“Hello!”

 

“Tara pasok ka!” bigla nalang siya nagsalita. Nakakagulat nga e. Pumasok nalang ako.

 

“Gusto mo ba ng juice? Kape? Tea? o –“

 

“Huwag na. Pumunta lang naman ako dito para tanungin kung saan nakatira si Reese.”

 

“Huh? Bakit?”

 

“Ilang araw ko na kasi siyang hindi nakakausap. Nangako siya sa akin na pupunta siya sa concert namin pero wala siya. Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong nangyayari sa kanya.”

 

“Teka? May gusto ka ba sa bestfriend ko?! Malakas na sigaw niya,” medyo childish siya, napansin ko lang.

 

“Yes, I think I like Reese,” sagot ko agad.

 

She's Not My Fangirl. (Julius' FanFic) [Books 1&2 | Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon