6. I'm Home

56 2 0
                                    

CHAPTER SIX: I’m Home

~

 

“Nakakaiyak,” hirit ni Mhim. Mamimiss niya daw ang SoKor at parang ayaw na niyang umuwi. Maski naman ako ayoko ng umuwi. Kung doon ba naman nakatira ang mga bias mo, gugustuhin mo pa bang umuwi? Syempre deep deep down diyan sa puso ng mga fangirls, hindi pero kailangan baka mamaya mamulubi kami doon ee. Mag-iipon muna ako para sa future ko sa SoKor.

“Huh?” takang tiningnan ko ang wallet ko na 10000 won lang ang laman. Ayoko pa naman gastusin nito, isa ito sa mga remembrance ko.

 

“Ano nang gagawin ko ngayon?” tanong ko sa sarili ko at pumunta nalang sa kusina para uminom ng tubig. Sabi ko pa naman kay Julius babawi ako. Paano ko na siya malilibre nito?

 

“Oh? Bakit ka nakasimangot diyan?” tanong sa akin ni Mama nang maabutan niya akong nakabusangot ang mukha sa kusina. Sinabi kong okay lang ako. Ang sabi naman ni Mama dapat daw masaya ako kasi nakarating na ako sa SoKor, masaya naman ako dahil doon e.

 

“Bakit hindi ko ‘yun naisip agad?” sabi ko at tinitigan ang refrigerator. Humanda sa akin ang mga ingredients na nandyan sa loob bukas. Hahaha! Tama! Magluluto nalang ako pero matutulog muna ako. Pagod ako ee, kararating ko lang kaya.

Nagising ako ng maaga kinabukasan. Excited ba ako? Siguro. Ilang linggo ko rin kasing hindi nakita ang Sugar High, si Julius. Agad akong pumunta sa tambayan namin noon habang bitbit-bitbit ang mga ingredients na galing sa ref ni Mama. Bahala na si Mama doon, sana hindi magalit! Lels.

Naabutan ko si Ciabelle na nandito sa loob at kumakain habang nasa harap niya ang laptop niya. Siya ang madalas na nandito. Gusto niya daw kasi dito kasi tahimik.

 

“Sa next day na ‘yung concert nila sa Seoul. Sayang, dapat pala ‘yun nalang ‘yung ni-request ko kay Appa,” sabi niya habang nakatingin sa akin habang nagluluto. Appa, iyon ang tawag niya kay tito, sa papa niya.

 

“Hay naku! Ayos narin iyon! Ikaw naman Ciabelle, ‘wag mong dibdibin! Ayaw pa naman ni Baek ang mga flatchested.”

 

“’Yung usa ‘yung asawa ko hindi ‘yung baekla,” sabi naman ni Ciabelle at bumalik nalang sa sala at nag-spazz nalang. Teka? Naligo na ba ito? Kadalasan kasi kapag spazz ng spazz, wala pang ligo. Ganoon ako minsan e. *Le poker face* Spazz, iyon ang tawag naming mga KPop fan kapag nagpa-fangirl kami through social media or kahit na iniisip lang namin ang mga bias namin.

Nang matapos ako ay inihanda ko ang plating namin at bago ako umalis ay pinapalayas ko na si Ciabelle dahil iimbitahan ko si Julius pero alam kong hindi naman aalis ‘to. Lilipat lang ito sa kwarto, ayaw niya kasi talaga sa bahay nila.

“Surprise! Mabuhay! I’m back!” masayang bati ko sa kanilang lahat nang makapasok ako sa practice room. Nakita ko doon si Julius pero parang hindi naman ako pinapansin, ang suplado naman nito.

“I’m back!” sabi ko ulit at saka ko siya niyakap. Namiss ko siya, sobra. Ilang saglit pa ay hinila ko na siya palabas pero may humarang sa amin sa labas. Ito na ang pangalawang beses na maraming fangirls niya ang nakaabang sa labas ng building. Muntikan na nga akong hindi makapasok kanina dahil akala nila isa ako sa mga fangirls, mabuti nalang at naaalala ako nung isang guard doon.

 

Ang daming nagbubulung-bulungan. Kesyo panget daw ako, boypren ko ba daw si Julius?, hindi daw kami bagay ‘yung iba naman sabi bagay daw kami. Nang makalabas kami ay hinahabol parin kami ng mga fangirls ni Julius na kung tatawagin in Korean ay mga sasaeng fans! Waa~

 

“SAKAY NA!” sigaw ni Mhim na nasa loob ng sasakyan na tumigil sa harapan namin. Sosyal!

Sumakay na kami at gumana na naman ang kadaldalan ni Mhim pero napansin ko ang katabi niya na. Siya ‘yung lalaki na nakilala namin sa Korya! ‘Yung mana kay Baekhyun kung makpag-eyeliner pero Sehun na Sehun kung makapagpoker face at syempre. Ganoon parin siya, masungit parin. Ano namang ginagawi nito dito? Bibigyan ko na sana ng malisya ang dalawang ito nang sabihin ni Mhim na kamag-anak niya ito? Tss. As if naman naniniwala ako? Bahala siya, hindi nalang ako umimik.

Binaba nila kami kung saan ko sinabi at tiningnan ng masama si Mhim habang pababa ako ng sasakyan. Anong dama nito at nagsisinungaling sa akin?

 

“Pasok ka,” aya niya sa akin. “Actually, ililibre talaga dapat kita e. Kaso lang, naubos pera ko sa Korea so naisipan ko na ito nalang,” dagdag ko pa.

Habang masaya siyang nakatingin sa pagkain! Sinilip ko si Ciabelle at nasa kwarto nga siya. Sinamaan lang ako ng tingin ni Ciabelle at lumabas na ako ng kwarto.

Bumalik ako ng kusina at nakitang nakatulala parin si Julius at nakangiti. Tiningnan niya ako at ngumiti. Nababaliw na ba itong taong ito? Haha. Natutuwa ako kay Julius. Para siyang batang nakangiti sa akin. Ang cute!

~

Mhim's Corner: So? Is it better now? T.T

-Mhim-

 To God Be The Glory!

She's Not My Fangirl. (Julius' FanFic) [Books 1&2 | Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon