9. She's Gone

95 5 1
                                    

CHAPTER NINE: She’s gone

~

 

“Pwede ba?! Bitiwan mo ako!” sigaw niya sa akin.

 

“Reese, lasing ako kahapon…”

 

“Wala akong pakialam! Wala akong pakialam kaya pwede ba! Lumayo ka sa akin! Tama nga siya… dapat lumayo nalang ako sa iyo…”

 

“H-ha? Reese parang awa mo na. Nagkamali ako, sorry pero mahal kita Reese, mahal kita.”

Nagmakaawa ako sa kanya pero hindi siya nakinig. Hindi niya ako pinakinggan. Bakit? Mahal ko siya at ramdam na ramdam ko na mahal niya rin ako pero bakit?

Nakikita ko siya ngayon humihikbi habang papalayo sa akin.

Sobrang sakit sa pakiramdam na para bang tinutusok ako ng milyong milyong karayom sa puso ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam noon? Oo, ganito ang naramdaman ko noon nang magmahal ako. Naalala ko ang babaeng minahal ko bago ko pa man makilala si Reese. Sinaktan niya ako at ganitong ganito rin ang pakiramdam, masakit. Sa mga susunod na pagkakataon? Ganito parin ba ang mararamdaman ko? Magmamahal pa ba ako at masasaktan lang ng ganito? Kung mangyayari iyon,

Ayoko nang magmahal ulit kaya sisikapin ko na mahalin ako ni Reese, mamahalin niya ako kahit anong mangyari.

Wala na akong pakialam sa EXO na iyon. Nagseseloslang naman ako pero sumobra lang. Naiinis lang ako dahil sila palagi ang bukambibig. Kadalasan pa nga ay naririnig ko ang iba na pinag-uusapan sila. Sikat nga sila ng sobra at marami ang nagmamahal sa kanila, isa na doon ang babaeng mahal ko.

 

“Ano bang kailangan mo?! Sinabi ang layuan mo ako diba?!” sigaw na naman niya sa akin. Maging ang mga magulang niya ay tinataboy na ako pero hindi parin ako susuko. Hindi ako susuko hangga’t hindi niya ako minamahal. Sisiguraduhin ko na siya na ang huling babaeng mamahalin ko.

 

“Patawarin mo na ako…”

 

“Umalis ka na. Hindi kita mahal at kahit kailan ay hinding-hindi kita mamahalin. Itaga mo ‘yan sa puso mong tanga. Umalis ka na dito. Parang awa mo na, ayoko nang makita ng isang katulad mo.”

Ang pagkakasabi niya ng mga salitang iyon, parang ang ibig sabihin ay period na, nasa tuldok na ako, dapat nang tumigil at huminga muna para sa panibagong simula pero parang hindi ako makakapagsimula dahil wala siya.

 

“Julius?” sabay nilang sabing tatlo nang makasalubong ko sila.

 

“Hindi mo alam kung gaano kamahal ni Reese ang mga bias niya? Pwes ngayon, alam mo na,” sabi ni Ciabelle.

 

“Katulad lang iyon ng pagmamahal sa inyo ng Sugar High, pang forever at hinding-hindi mawawala. Hindi ako papayag na may magsasabi ng masama sa inyo. Hindi ako papayag na masaktan kayo. Kapag masaya kayo, masaya ako. Kapag malungko kayo, ganoon din ako. Ganoon ang isang fangirl at ganoon si Reese,” kwento naman ni Ishie.

 

“Nasa malungkot na stage ngayon ang pagiging fangirl ng mga EXOstans slash Galaxies, may problema ang EXO at nalulungkot kaming lahat. Gusto niya lang kumain noon ng cupcake kasama mo para mawala ang lungkot niya pero napasama pa lalo. Mas lalo siyang nalungkot,” parag nanunumbat na sabi naman ni Mhim.

 

“Layuan mo nalang ang bestfriend namin. Mas mabuti pa iyon,” sabi ni Mhim at saka sila umalis.

Layuan? Siguro nga…

Ito na siguro ang huling beses na magmamahal ako. Mahal ko siya pero mukhang nasasaktan siya dahil sa akin. Parang isang maliit na problema lang ito pero ang nararamdaman ko ay sobrang bigat.

Ganito pala ang magmahal at sisiguraduhin kong ito na ang huling beses.

Nangangako ako sa sarili ko.

~

-Mhim-

To God Be The Glory!

She's Not My Fangirl. (Julius' FanFic) [Books 1&2 | Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon