2. Make Ishie Happy

69 3 0
                                    

CHAPTER TWO: Make Ishie Happy

~

“Birthday na ni Ishie sa Monday. Ano ng balak mo? Lagi ka namang may plano kapag birthday namin diba?” tanong ni Mhim.

Mhim o kung minsan ay tinatawag kong Baekhyun dahil sa bias niya si Baekhyun, bestfriend ko yan at mas close ko siya kaysa kay Ishie dahil siguro parehas kaming EXOstan at ARMY. Si Ishielang talaga ang naiiba sa aming tatlo.

“Alam mo bang nakilala ko ‘yung isang member ng Sugar High, si Julius.”

“Oh tapos?” tanong niya.

“Ang bipolar mo talaga! Kanina nagwawala ka tapos ngayon ang sungit sungit mo! May regla ka Baek?”

“’Wag mo akong pinagtitripan Umin Hyung ah! Sabihin mo nalang ‘yung plano mo.” eto na naman siya sa kaka-Umin Hyung niya. Hindi naman ako tumututol, ang sarap kaya pakinggan ng pangalan ng yeobo ko.

“Tara nalang! Samahan mo ako.” sabi ko sa kanya at umalis na kami sa bahay. Sumakay kami ng jeep at matapos kong magbayad sa manong drayber ay doon na naman lumabas ang kadaldalan nitong ni Mhim.

“Parehas talaga kayo ni Baek, ‘yung bibig niyo, walang tigil.” komento ko habang nagkikwento siya na hindi pa daw niya napapanood ang Rookie King. Sa akin siya nagmamaktol dahil sa kasawian niya.

“Oy! Teka lagpas na tayo!” sigaw ko.

“PARA PO! PARA! PARA!” tumigil ang jeep, mabuti nalang at hindi kalayuan ang tinigilan ng jeep.

“Bilisan mo! Magdidilim na oh! Baka pagdating natin doon, wala na sila.”

 

“Saan ba tayo pupunta?!”

 

“Basta!”

 

“Nagugutom na ako.”

“Tara na kas – AH!” at dahil sa taglay na katangahan ko. May nabangga ako at dahil magkalapit lang kami ni Mhim ay nabangga ko din siya na naging dahilan ng pagtumba niya. Gusto kong tumawa pero tiningnan ko muna kung sino ba ang nabangga ko at laking tuwa ko nang malaman ko kung sino iyon.

“Julius!” agad ko siyang niyakap dahil sa tuwa ko pero bumitaw agad ako, awkward kaya.

“Hay naku! Isusumbong kita kay Baek! Naku tutusukin ka nun ng eyeliner niya. Waah! Madumi na tuloy ‘yung pants ko! Dapat pala hindi na ako nagputi!”

 

Tinanong ko si Juliuskung naaalala niya pa ako at laking tuwa ko nang sumagot siya ng ‘Oo’. Nilibre pa nga niya kami sa Starbucks eh! Iba na talaga kapag mayaman. SiMhim naman, daldal lang ng daldal. Iyonlang naman ang alam niya pero nang maalala niyang may wifi pala sa Starbucks ay tumahimik bigla. Nagsa-spazz yan! Tumatahimik kasi ‘yan kapag nagde-daydream.

Nakiusap naman ako kay Julius na sana pumunta sila sa birthday ni Ishie.

“Oo. Pupunta kami.”

Iyon ang sabi niya sa akin, masaya ako pero parang hindi ko alam kung makakapunta ba talaga sila. Sana oo, magiging masaya si Ishie ng sobra kung makakapunta sila.

“Omona~ Bakit ngayon ko lang nakita itong leaked video na ito? Shet! Ang sexy ng asawa ko! Omona~ This is so twittable!” sigaw ni Mhim. Teka? Ano iyon? Bago ba ‘yun? Tsk. Aagawin ko na sana ang phone ni Mhim pero binigyan niya ako ng D.O look. Nakakatakot pa naman siya kapag ganoon kaya naman kinuha ko nalang ang phone ko at di mapakali. Bakit hindi ko makita? Shet! Bakit facebook ni Kuya Rexang naka-open dito? Pakialamero talaga iyon.

“Baekhyun! Pengeng link!” sigaw ko dahil sa iritang irita na ako.

Nang isend niya sa akin ang link, EXO-K Overdose Dance Practice. Para akong tanga! Shet! Ang sexy nga ni Baek dito! Bias wrecker ko pa naman iyon pero bakit EXO-K lang?! Nasaan ‘yung sa EXO-M?! Gusto ko makita si Xiumin!

Habang paulit-ulit akong nanonood ay parang naramdaman ko naman na kanina pa may nakatingin sa akin. Tiningnan ko si Julius, hindi naman sa nagfi-feeling ako na siya ang nakatitig sa akin pero kasi, ewan ko! Nakatingin nga siya sa akin at nakangiti. Ewan ko ba pero sumagot nalang ako ng ngiti sa kanya. Bakit ngayon ko lang nakita? Gwapo din pala siya.

~

-Mhim-

To God Be The Glory!

She's Not My Fangirl. (Julius' FanFic) [Books 1&2 | Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon