[THIRD]
Simula nung sumagi sa isip ko ang katanungang iyo ay hindi na ako mapakale, kaya't heto ako ngaun, nagiimbistiga.
Wala akong pinakamotibo, nagmamasid lang ako sa mga tao kung may ba ang kakaiba sa kanila.
Andito ako sa isang food court ng mall, tumitingin sa mga taong kumakain at dumadaan
"Hi Snow!"
"Flame, ikaw pala" Bati ko kay Flame,
"Pwede bang makishare ng table? Puno na ung iba e" Tumango ako,
Umupo siya at ang kasama niya. Kamukha niya ito ang tanging pagkakaiba nga lang ay ang buhok ni Flame ay itim na may pula sa dulo at doon sa kasama niya at Lahat Pula
"ay, Twin brother ko pala, Si Fire" Pagpapakilala ni Flame "Fire, si Snow, kaibigab ko" Tinitigan lang ako ni Fire
"Ano pala ginagawa mo rito? Mag isa ka lang?"tanong ni Flame
"A-ah? Wala.. Nagmamasid masid lang sa mga tao, at oo mag isa lang ako" sagot ko sakanya
Halos isang oras kaming nag usap ni Flame sa iba't ibang bagay, at sa mga oras na iyon ay ramdam ko at titig ni Fire saakin
Kung si Flame ay Misteryoso, mas misteryoso naman si Fire, halos di ko na makita ang future niya, para bang hinaharangan ito.
"Wag mong pilitin" malamig na sabi ni Fire sabay alis
"Sige Snow ha! Alis na kami" tumango lang ako
habang nakatanaw ako sa kambal na naglalakad palayo ay nabahala ako sa sinabi bi Fire
Wag mong pilitin
May alam kaya siya? Alam niya kaya na nakakakita ako ng future? Pano ni nalaman na tinatry kong pasukin ang hinaharap niya?
Pero isang bagay lang ang alam ko, Siya ay kagaya ko.
Kagaya kong may kakayahang natatangi sa iba. Pero, si Flame kaya?
Nang hindi ko na makita sina Flame ay napagpasyahan kong umuwi na rin.
Sumakay ako ng Taxi, at nagpahatid sa bahay.
Habang nasa taxi ay pinilit ko uling makita ang hinaharap ni Fire, pero umulit sa isip ko ang sinabi niya
wag mong pilitin.
May alam siya, naramdaman niya na pinipilit ko.
Kailangan ko siyang makausap.
"Manong, sa house no.345 nalang po tayo" Sabi ko sa taxi driver pag pasuk nito sa subdivision.
Ilang saglit pa ay nasa tapat na ako ng bahay nina Flame. Ngadoorbella ako.
"Bakit ho?" tanung nung katulong na nagbukas nang gate
"Ah, magandang hapon po, andyan po ba si Fire?" kahit alam kong malabo na umuwi agad ung kambal ay nagbasakali parin ako
"Ay, kararating lang ho, bakit po? gelpren ka po ba ni ser Fire?"
"Ay hindi po, may itatanung lang ho ako"
"pasuk ka,tatawagin ko lang"
"Hindi na po. Hintayin ko nlng dito"
Umupo ako sa semento at hinintay si Fire
"Anong kailangan mo sakin?"saad ng isang malamig na boses na nagpalingon saakin
"F-fire, may itatanong lang ako"
"Ano?"
"Anong alam mo?"tanung ko
"Anong ibig mong sabihin?"
"Fire, Alam kong alam mo kung ano ang kakayahan ko. Anong alam mo?"
"Wala" tipid niyang sabi sabay tingin sa malayo
"Fire."
"Ugh, fine. I know you can see the future" halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya
"P-pano?"
"Naramdaman ko"
"huh?"
"Nararamdaman ko kung may mga taong gustong basahin ang isipan ko o tignan ang hinaharap ko, at kaya ko silang harangan"
"k-kaya ba, sabi mo wag kong pilitin?" tanong ko
"Oo, at wag mo." napayuko ako
"Fire, si Flame? Ano ang kakayahan niya?" tanong ko
"Siya ang tanungin mo, hindi ako" nagsimula na siyang maglakad ng pigilin ko siya
"Fire, Last na tanong sa ngayun"
"Ano?"
"Fire.. Alam mo ba kung ano tayo?"
Napatigil siya at tumingin saakin.
"Sa totoo? Wala kaming ideya ni Flame kung ano ba talaga tayo" pagkasabi niya nun, ay pumasok na siya sa gate nila
Ilang taon ko naring tinatanong, bakit mayroon akong ganitong kakayahan? Pano? Bakit? at..
Anu ba talaga kami?
∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵
BINABASA MO ANG
The Chosen Ones
Science Fictionhindi kami nabibilang sa tinatawag na ordinaryong tao, kami ay iba, hindi kami especial pero kami ay natatangi.