First

112 1 0
                                    

[FIRST]

Hindi lahat ng bagay ay naaayon sa gusto nating mangyari.. sa hinahangad nating mangyari..

Lahat ng bagay na mangyayari sa hinaharap ay isang malaking surpresa.. Surpresang hindi mo napapansin..

Pero hindi saakin.

Hindi surpresa saakin ang hinaharap, hindi rin ito isang misteryo..

10years old ako, ng una kong makita ang hinaharap. Akala ko noon isa lamang itong imahinasyon, pero hindi pala. Dahil nagkatotoo ito.

Visions. Yan ang tawag ko sa mga nakikita ko.

Ang una kong Vision ay pagyaman namin.

Hindi kami mayaman noon, isang hamak na Jeepney driver lamang ang tatay ko at ang nanay ko naman ay may maliit na barbequehan.

Habang tinutulungan ko ang nanay kong magtuhog ng ititinda naming bbq e bigla nalang akong napatigil, at doon ko nakita ang una kong vision.

06-45-23-12-01-27

Yan ang lotto number na nagdadalawang isip na tatayaan ni tatay. At yan rin ang mga numerong tatama mamayang gabi sa halagang 34million pesos.

Kahit musmus palamang ako noon ay para bang may nagtutulak sakin na puntahan si Tatay at pilitin siya tumaya.

Sa bandang huli ay tinayaan niya parin yun, at doon kami naging mayaman.

Nagpatayo sina nanay ng malaking bahay sa isang pribadong subdivision. Bumili si tatay ng isang dozenang jeep pang pa renta at ang maliit na BBQhan namin ay naging sikat na restaurant. At lahat iyon ay nakita ko pagkauwing pagkauwi ni tatay matapos mamasada at tumaya sa lotto.

Halos 8taon na ang nakalipas ng mangyari yoon. Ngaun ay mayaman na kaming sobra. Hindi lamang jeep ang negosyo namin kundi mga Taxi at iilang bus na rin. Ang restaurant naman ay may 10branch na sa buong pilipinas.

Nakakapanghiwaga kapag nakikita ko ang hinaharap, ngunit nakakatakot rin.

"Snow!" Napatingin ako sa tumawag sakin.. Si Ice.. At napayuko

Masakit, dahil sa nalalalaman ko ang hinaharap, alam ko narin na walang pagasang maging kami. Nakita ko iyon.

Nakita ko siyang ikinalasal sa ibang babae at ako namam ay nakatingin sa kanila habang may mapait na ngiti sa labi.

"Snow naman! Tinatawag kita ah!" Maktol ni Ice habang ilinalapag niya ang bag niya sa mesa

"A-ah? Hindi kita na rinig e" mahina kong sabi.

Tuwing malapit siya sakin ay bumibilis ang tibok ng puso ko at namamawis ang kamay ko

"Snow! Nakapag enroll kana?" tanung niya habang humahalukat sa bag niya

"Oo na, kanina pa"

"Buti ka pa! Haist! Ang haba ng pila, hindi ako makasingit!" inis niyang sabi, at napangit nalang ako..

Nakita ko kasing bukas pa siya makakapagpaenroll.

"Bumalik ka nalang bukas ng alasais" saad ko.

"Haist, dapat kasi inagahan ko din! Hindi kasi ako ginising ni Mommy!" pagkasabi niya nun ay bigla siyang tumungo doon sa lamesa

"Psst. Ice, wag ka ngang matulog riyan!" Saway ko sakanya

"Hindi ako natutulog, umiiyak ako" napatawa ako sa sinabi niya..

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahina niyang hilik. Biglang gumalaw ung ulo niya paharap sakin pero tulog pa rin siya.

Ang cute niya kapag natutulog siya, naka awang ng konti ung labi niya at nakakunot ung noo niya.

Dahan dahan kong linabas ung business pad ko at sinimulan siyang iguhit.

habang ginuguhit ko siya ay napapangiti ako. Kung sino man iyong babaeng papakasalan niya, ang swerte niya.

Patapos na akong gumuhit ng makaramdam ako ng patak galing sa itaas.

Nakita ko na ito. At exactong dalawang minuto mula ngaun ay bubuhos ang malakas na ulan.

Yinugyug ko si Ice

"Ice, Ice" sabi ko habang pinipilit siyang gising

"Mommy, summer pa!" napatawa ako sa sinabi niya

"hindi ako ang mommy mo" sambit ko habang tumatawa "Hoy, gising na, uulan na!"

"Argh! five more minutes!" Five more minutes? E bubuhos na ung malakas na ulan sa loob ng 1minuto.

"Ice, gising na sabi!" nakikita kong hindi siya gigising kung hindi ko gagawin ang gagawin ko ngaun

"Ice! Gising!" sigaw ko sabay sampal sakanya

"Aray naman Snow! Ang brutal mo talaga!"nakasimangot niyang sabi habang hinihimas ang pisngi niya

"Uulan na oh! tara na!" Tumakbo kami papunta sa may Library dahil doon ang pinaka malapit na silong

"Hay! ano ba yan! Ang sarap nun tulog ko e!" maktol niya habang pinupunasan ung kamay niya

"Sabi kasing wag matutulog doon e" dinilaan niya lang ako saka pinagmasda ang ulan

"Alam mo, sabi nila kapag umuulan raw e umiiyak ang mga anghel sa langit" Sabi niya habang pinagmamasdan parin ang ulan

"Oo naman ha?" sa mga panahong ganito ay binoblock ko ang Visions ko, tinitignan ko lang sila pagkailangan o kapag wala akong magawa

"Para sakin hindi"

"huh? e ano pala?"

"Para sakin e umiihi ang mga anghel sa langit" saka siya tumawa ng malakas

"Ang ewan mo talaga!"umiiling pero natatawa kong sabi

Halos isang oras kaming napatila ng ulan, at nung tumila ay umuwi na kaming dalawa.

Walang nakakaalam ng Visions ko. Ako lang.

Habang nasa jeep ako ay bigla akong may nakitang vision ni Ice

Naglalaro ng Basketball si Ice ng biglang may lumapit sakanya isang magandang babae.

Pinunasan ang pawis niya saka binigyan ng halik ang kanyang labi

"I love you" nakangiting sabi nung babae

"I love you, too" sagot naman ni Ice

Masakit aminin pero siya ung babaeng nakita kong papakasalan ni Ice.

Bumaba ako sa tapat ng entrance ng subdivisiob at naglakad papasok. Pagdating ko sa bahay ay nagpalit ako nang pambahay na damit at kinuha si Pumpkin, ang aso kong Husky

"Pumpkin, lakad lakad tayo" wala akong nakikitang visions ngaun dahil alam kong magsusunod sunod ito tungkol kay Ice at doon sa babae, kagaya noong dati.

Naglalakad lakad kami ni Pumpkin sa Subdivision ng biglang nabitawan ko ng leash ni Pumpkin

"Pumpkin! Pumpkin! Hintay!"sigaw ko habang hinahabol siya

Takbo ako ng takbo ng muntik na akong madapa pero may humawak na mga kamay sa bewang ko

"Okay kalang miss?" Napatulala ako sa gwapong nilalang sa harap ko

"Miss?"

"ah? ay! Okay lang po ako, salamat"

"Walang anuman, bat kaba tumatakbo? "nakangiti niyang tanung

"yung aso ko po kasi nakawala"

"halika, tutulungan kitang hanapin. Saka wag mo na akong i-po, 19 plang ako" saka siya ngumiti

Halos sampung minuto ang nakalipas bago namin nahanap si Pumpkin

"Salamat ha!" nakangiti kong sabi

"Wala yon, anu palang pangalan mo?"

"I'm Snow, ikaw?" saka ko inilahad ang kamay ko

"Hi, Snow!" kinuha niya ang kamay ko "I'm Flame" at hinalikan ito.

At doon, hindi ko na na block lahat ng Visions na dumarating..

∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵

The Chosen OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon