[FIFTH]
Nabuhayan ako sa sinabi ni Flame. May alam siya kung ano kami.
Pero, bakit.. Bakit ayaw niyang sabihin samin?
"HAIL!" sigaw ko sabay habol sakanya dahilan para maglakad siya ng mabilis
"HAIL!" Tawag ko uli, pero nadapa ako at hindi ko na siya nahabol
"Alam mo, para sa isang nakakakita ng hinaharap na kagaya mo, may pagkatanga ka rin" Gulat akong napatingin kay Fire, hindi dahil sa pagtawag niya sakin ng tanga pero mula ng makilala ko siya, un na ata ang pinakamahaba niyang sinabi.
pero, ano daw?!
"T-tanga?!"
"Oo, di mo ba nakita ang sarili mong madadapa at hindi mahahabol si Hail" umiling ako, pagkaganun kasi hindi ko binibigyan pansin ang mga visions ko
"Tanga ka talaga" tinignan ko siya ng masama
"Uuwi na ako. Pakilayo yang kakambal mo sakin Flame baka mapatay ko yan" natawa nalang si Flame sa sinabi ko.
Naglalakad na ako pauwi nan may naramdaman akong parang may sumusunod saakin.
Binalewala ko iyon at nagpatuloy maglakad.
Pero may sumusunod talaga saakin.
"Sino ka?" tanong ko sa kawalan "magpakita ka sakin" utos ko pero walang lumalabas
Nagpatuloy akong maglakad, at imbis dumeretso sa bahay ay pumunta ako ng Mall.
Kung may sumusunod man saakin, hindi niya dapat malaman kung saan ako nakatira.
Nasa loob ng HBC ng may nakita akong lalakeng nakahood at naka sunglasses nanagtatago sa may stalls pero patingin tingin saakin
Pasimple ko itong linapitan
"Sino ka?" halos mapatalon siya ng marinig niya ung boses ko
"A-ah?"
"Alam kong kanina mo pa ako sinusundan.. Sino ka"
"A-ako si Drought.." nauutal niyang sabi
"Drought?"
"Oo, narinig ko ang usapan niyo kanina sa park" narinig niya?
"anong mga narinig mo?!" demanda ko
"N-na nakikita mo ang hinaharap" mahina niyang sabi "P-pero, ako rin!" dagdag niya
"ikaw rin?"
"Oo. Pero di ko nakikita ang hinaharap, may kakayahan din ako"
"Ano ang kakayahan mo?" tanong ko
"Ahm.. Isa akong Empath"
"Empath?" pagulit ko
"Oo, kaya kong controlin at malaman ang nararamdaman ng mga tao"
"Ano ang alam mo tungkol saatin? sa kagaya natin?"
"Wala. Pero pwede akong tumulong!"
"talaga?" tumango siya
"Ano ang cellphone number mo?" tanong ko, at binigay niya naman
"Itetext kita bukas para makilala mo ung iba pang kagayan natin, tutulungan mo kaming malaman kung ano tayo" tumango siya.
Nasa tapat na ako ng gate namin ng may para bang nakatingin sakin. Nagpalinga linga ako pero walang tao.
papasok na sana ako ng gate ng biglang
*crick*
"Drought! Kung andyan ka, lumabas kana!" singhal ko, baka si Drought lang iyon
pero halos limang minuto na ang nakalilipas pero walang lumalabas
"Snow, anong ginagawa mo dine sa labas, malipot na baga?"
"Ah, wala ho manang.. sige po papasok na ako" sabi ko at pumasok na at dumeretso sa kwarto ko
Kinuha ko ung laptop ko at pumwesto sa may bintana ng kwarto ko. may sofa kasi doon
Habang nag-tatype ako ng para sa project ko ay nakaramdam nanaman ako ng tumitingin saakin
Tumingin ako sa bintana pero wala namang tao.
Tumingin ako sa hinaharap pero tanging isang itim na pusa na may parang highlights na violet at blue na mata ang nakikita ko nalalabas sa may likod ng puno na malapit sa bahay namin.
At Oo nga, may lumabas..
Baka ung pusa lang talaga un.
Naglakad ito patungo sa kalsada pero bago ito tuluyang umalis at tumingin ito saakin..
At doon ako kinilabutan.
∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵
BINABASA MO ANG
The Chosen Ones
Science Fictionhindi kami nabibilang sa tinatawag na ordinaryong tao, kami ay iba, hindi kami especial pero kami ay natatangi.