Seventh

25 1 1
                                    

[SEVENTH]

"Snow" biglang nagtaasan ang balahibo ko ng marinug ko ang boses ni Fire sa may tenga ko.

"b-bakit?" nauutal kong tanong sakanya. Kaming dalawa lamang dito sa Mcdo.

dapat kasama si Flame at Drought, kaso may kanya kanya silang lakad at tanging si Fire lamang ang nakapunta.

Hindi ko din alam dito kay Fire kung bakit sa tabi ko talaga umupo e pwede namang sa harap ko

"Mahal mo Ice?" casual niyang tanong sabay subo ng fries

"a-ah? e-ewan"totoo yun. ewan. kung dati e sigurado akong si Ice ang nilalaman ng puso ko, ngaun hindi na. At marahil dahil yun sakanya. kay Fire.

Dahil alam ko, sa puso at isipan ko ay unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Siguro dahil na rin iyon sa pagiging close namin. Lagi kaming magkasama. Tulad ngaun.

"Ewan?" pagulit niya sa sagot ko, marahan akong tumango habang pinaglalaruan ang straw ng coke float ko

"E, may nagugustuhan ka ba?" napatigil ako sa tanong niya

Ikaw

yan ang salitang pumasok sa isip ko na sagot sa tanong niya.

Akala ko e, hindi totoo un nakaka awkward ang senario na kapag ang tanong nagugustuhan mo o crush mo e tanungin ka kung sino o kung may nagugustuhan ka ba.

Pero totoo pala. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya.

"a-ah.."yan lamang ang nasabi ko, saka ako kumagat ng malaki sa burger ko

Ramdam ko ang titig niya sakin at dahil doon ramdam ko din ang pag init ng mga pisngi ko

"Ako meron, may nagugustuhan ako ngaun" sabi niya sabay tingin sa malayo at nagpalumba lumba sa upuan.

Ouch

Masakit isipin na kahit Crush o Like ko lang.. pa lang, siya ay may iba siyang nagugustuhan..

"a-ah?.." wala talaga akong masabi o maging reaction vocally

"Sa tingin mo, kung liligawan ko siya ay papayag siya?" tanong niya sakin habang nakating sakin na para bang pinagaaralan niya ang magiging reaction ko

"H-hindi ko alam.."na uutal kong sabi "s-siguro" dagdag ko

"Ikaw, Snow.." napatingin ako sakanya

"A-ano ako?" nauutal kong tanong

Idinapi niya ang thumb niya sa gilid ng labi ko na para bang may pinupunasan

"Kung liligawan kita.. papayag ka ba?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko at dahilan para dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha niya na nangaling sakin..

"Hindi." sagot ko sabay kuha ng bag ko at labas ng Mcdo.

Anung akala niya sakin, Pwedeng reserba kung hindi papayag yun tunay niyanv liligawan?

Kung oo, Tang ina siya!

∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵

The Chosen OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon