Sixth

30 1 0
                                    

[SIXTH]

Magisa ako naglalakad sa isang kagubatan nang makaramdam ako ng sumusunod sakin.

Lumingo ako sa likod at may isang pusa. Itim na may violet na balahibo at asul na mata.

"Hi, kitty.. Halika dito" Tawag ko sakanya

Bigla akong tinignan sa mata nung pusa, at para bang hindi na ako makahinga.

"A-aah, T-tulong, ha-aah! T-tulong!" pilit kong sinasabi habang hawak ang leeg ko

Npabalikwas ako sa higaan. Puno ako ng pawis at hingal na hingal

"Panaginip? pero bakit parang totoo?"Tanong ko sa sarili ko

Pumunta ako ng banyo at naghilamos.

Ung pusa, May nararamdaman akong iba doon sa pusa.

"Basta nga! May iba doon sa pusa!" Galit kong sabi kina Flame.

Ayaw nilang maniwala sa kutob ko

"Baka naman imahinasyon mo lang yon o kung ano"

"Hindi!" sigaw ko "May iba akong nararamdaman sa pusang iyon,"

"Sige, sige" tinignan ko sila ng masama

Andito kami sa bahay ko, wala ang mga magulang ko. Si Nay nasa Mall, may binibili, si tay naman ay ineexpexsion ang mga Taxi niya at si manang naggogrocery. Kaya kaming apat lang dito

"Drought, kagabi, sinundan mo ba ako?" tanong ko

"Huh? Papunta sa Mall oo pero un lang bakit?" tanong ni Drought

"May sumusnod sakin pauwi, naramdaman ko un, pero walang lumalabas, tapos nung nasa kwarto ko ako may parang nagmamanman saakin at doon lumabas ang pusa" paliwanag ko

"Baka simpleng pusa lang yun,"

"Hmp! basta! hindi un simpleng pusa, nararamdaman ko un!"

Umalis ako para pumunta sa kusina at kumuha ng pagkain.

Inaayos ko sa isang tray ang mga platito na may lagay na cake ng biglang may nagdoorbell

"Sino kaya iyon?" tanong ko sa sarili ko habang nalalakad papunta sa pinto

"I-ice.." gulat kong sabi ng mukha ni Ice ang tumambad saakin

"Hi, Snow!" bati niya

"H-hi, a-anung ginagawa mo dito?"

"Masama bang bisitahin ko ang Bestfriend ko"

Bestfriend </3

"A-ah? pasok ka,"

"Ay nagdala ako ng paborito mong cupcakes, Red velvet!" tas inabot niya saakin ang box ng cupcakes

"Salamat"

Pumunta kami ng kusina,

"May bisita ka?" tanong niya nun nakita niya ung tray

"ah, Oo"

"Ah, baka nakakaistorbo ako?" kumuyong ako

"hindi, tara ipapakilala kita"

pumunta kami sa kwarto ko kung asaan sina Fire

"Magmerienda muna kayo o" sabi ko sakanila sabay abot ng cake

"syanga pala, si Ice, B-bestfriend ko" pagpapakilala ko

"Sup, pre?! Flame nga pala"

"Fire"

"Drought po!"

nagkatinginan kami ni Fire, para bang nagsasabing hindi na namin mapapatuloy ung paguusapan namin dahil kay Ice

"Ay, Snow, sainyo ba yung pusang itim sa bakuran niyo?"

"A-ano?"

"Pusang itim, ung may violet na onti sa balahibo at blue na mata"

Ung pusa. Andito nanaman.

"Hindi. Galang pusa lang ata" sagot ko pero

Kung galang pusa un, bat siya andito nanaman? diba ng mga gala ay palaboy laboy?

Tumingin ako kina Flame,

Parang naniniwala na sila at dahil parang pareho kami ng iniisip..

Anu kaya yung pusang yun?

∴∵∴∵∴∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴

The Chosen OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon