[FOURTH]
Hindi ko lubos maisip na sa loob ng dalawang buwan ay naging magakasintahan na agad sina Ice at Rain. Ganun nga siguro ang nagagawa ng pagmamahalan.
Sa dalawang buwan na nakalipas, halos kalahati ng kalahati lamang sa oras noon ko nakakasama si Ice. Sa madaling salita, madalang na kaming makapagusap. Kung makakapag usap naman kami ay lagi niyang kwento si Rain.
Kahit masakit, tinitiis ko. Mahal siya ni Ice e.
Sa dalawang buwan na yun, kung gaano kami nagkalayo ni Ice, ganun naman kami nagkalapit nina Flame at Fire.
At ngaun, eto kami sa isang park. Nagmamanman ng mga taong pwedeng kagaya namin.
At nalaman ko narin ang kakayahan ni Flame.
Kaya niyang makita ang nakaraan at hinaharap ng kahit sino, pero kailangan niya munang mahawakan ang taong gusto niyang makita ang hinaharap o ang nakaraan.
Ang Dahilan naman kung bakit napakapribado ng hinaharap niya at halos di ko na makita ay dahil may nakuha siya sa kakayahan ni Fire, pero hindi naman ito kasing lakas kay Fire.
Ganun rin naman si Fire, kaya niyang makakita ng nakaraan at hinaharap ng tao pero sa piling oras at tao lamang.
Dahil siguro ito sa pagiging magkakambal nila.
"Tignan niyo yung lalakeng yun" Bigla sabi ni Flame habang nakatingin sa isang lalaking nakaupo sa isang bench at naninigarilyo.
"Ano naman sakanya?" taka kong tanong
"Yung sigarilyo niya.. Bigla nalang sumindi nang hinawakan niya ang dulo" Sabi ni Flame
"Baka namalikmata kalang" Sabi ko naman ng dinaniniwala
"Hindi siya namalikmata.. nakita ko rin iyon" Napatingin ako kay Fire na akala ko ay walang pakealam
"Sure kayo?" tumango sila "sige, siya na muna ang mamanmanan natin"
Halos tatlong oras na pero wala pa din ginagawang kakaiba ung lalake.
"Uuwi na ako, magdidilim na rin kasi"Paalam ko sakanila, mukha kasing walang kakaibang gagawin yung lalake
"Sige, aalis na rin kami" Nagsisimula na akong maglakad ngadaanan ko ung lalake, at eksakto nakita kong pinupuno niya ng tubig ung water bottle gamit ang pointer finger niya
"I told you, he must be something"
"F-Fire"
"Tara, lapitan natin siya."
Naglakad kaming tatlo nina Flame papunta dun sa lalake
"How did you do that?" Walang paligoy ligoy na tanong ni Fire sa lalake
"A-alin?"
"Yung pagpuno po sa tubigan ng tubig, daliri lang po gamit mo e" pagkasabi ko nun bigla siyang namutla
"N-nakita niyo?" tumango ako
Nagulat naman yung lalake nang biglang kunin ni Flame ang kaliwang kamay niya.
"O-Oi! A-anu ginagawa mo" singhal nung lalake kay Flame
"He's like us." saad ni Flame nang binitawan niya ung kamay nung lalake
"A-anung kaya mo?" tanong ko sakanya
"Ano? Ugh! layuan niyo nga ako!" Sigaw niya at nagsimulang maglakad palayo
"Nakita ko yung ginawa mo! Nakita namin! Please! Sabihin monh tunay yun" Sigaw ko sakanya, buti at di na masyadong marami ung tao at pagabi na rin
"Ano bang kailangan niyo?"
"Kagaya mo kami" sabi ko sakanya at naglakad papalapit
"Nakikita ko ang hinaharap" sinsere kong sabi
"A-ano?"
"Ako si Snow, Sila naman ay sina Flame at Fire. Kagaya mo kami. May kakaibang kakayahan."
"Ahm.. Ako si Hail.. Nakokontrol ko ang mga elemento ng mundo, Tubig, lupa, apoy, hangin"
"Hail.. May alam ka ba kung ano tayo?" tanong ko
Kumuyong siya sabay sabi "Wala akong alam na kahit ano" at nagsimula na siyang maglakad paalis.
Sa pagkakasabi niya noon, hindi ako naniniwala. Dahil ang pagkakasabi niya ay para bang ayaw niya lang sabihin ang nalalaman niya..
Tumingin ako kay Flame,
"May idea siya kung ano tayo"
∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵
BINABASA MO ANG
The Chosen Ones
Science Fictionhindi kami nabibilang sa tinatawag na ordinaryong tao, kami ay iba, hindi kami especial pero kami ay natatangi.