Eighth

16 0 0
                                    

[EIGHTH]

Alam kong pansin nila ang pag iwas ko kay Fire. Tatlong araw na ang nakalipas simula nun nasampal ko siya.

Hangan ngaun, medyo bakat padin pagkasampal ko sakanya, sapagkat may mamula mula pa din bilog siya sa kanyang pisngi

"Bakit ka ba kasi sinampal ni Snow, Fire?" ika ilang ulit na tanong ni Flame sakanya pero tanging isang pagshrug ang natatangap niyang sagot

"Haist! Bakit kasi?!" naiinis ng sabi Flame

Yumuko nalang ako at pinabayaang magmaktol si Flame.

Nakatitig ako sa papel ng journal ko at halos kusang kinuha ng kamay ko ang ballpen ko at nagsimulang gumuhit.

Matatapos na ako sa pagguhit ng uti uti kong makilala kung sino ang aking ginuguhit.

Si Fire

linukot ko iyon at ipinasok sa bag ko saka umubob sa lamesa.

Nagagalit ako kay Fire, nagagalit din ako sa sarili ko, dahil noong nakilala ko kun sino ang ginuhit ko ay pumasok sa isip ko ang sinabi ng aking lola ng siya ay buhay pa

Sa pag-guhit, mas madali mong maguguhit ang taong mahal mo, sapagkat kabisado na ng puso mo kung ano ang itsura at kung sino siya, na siyang nagpapadali sa pagguhit.

Mas madali mo ding maguguhit ang taong mahal mo sapagkat malaki ang parte niya sa puso at isipan mo

Noon naniniwala ako, dahil napakadali lamang sakin iguhit si Ice, at alam ko na mahal ko siya, pero si Fire.. Mahal ko na ngaba siya?

Lahat ng sinasabi ni lola ay pinaniniwalaan ng marami sapagkat lahat yoon ay totoo at makabuluhan

Pero ngaun e tila ayaw kong paniwalaan,

Marahil, gusto ko si Fire.. pero ayoko sakanya, alam ko kasi na siya un tipo ng tao na mahuhulog ka sakanya ngunit masasaktan ka.

...

Nakadapa akong nagbabasa ng The Selection by Kiera Cass,

boto ako kay Aspen, Team Aspen kumbaga. Pero nabwisit ako bigla sakanya nang makipaghiwalay siya kay America.

Ganoon nga ata talaga ang mga lalake..

kapag ayaw na nila, hihiwalayan ka. Kapag nabagot na sila sayo, iiwan ka. Kapag natapakan mo ang pride nila, magagalit sila at tuluyan kang hihiwalayan.

At alam ko, maaaring ganun si Fire

∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵∴∵

The Chosen OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon