TWO

514 9 13
                                    

 Maikli lang ang update na 'to, bawi na lang ako sa chapter 3. Mas marami akong naisip na ideya dun. Salamat sa mga bumabasa ng mga stories ko :)

~*

Pag dilat ng mga mata ko ay nakita ko si Ace na nakatitig din sakin, matagal na din kaming hindi nagkita at bigla na lang siya nawala noon. Pilit kong inaalis ang pagkakatali ng kamay ko pero mahigpit talaga ang ginawa niya at hindi ko matatanggal ang pagkakatali nun. Inilapit ni Ace ang kamay nya sa aking bibig at tinanggal ang panyong nakatakip.

Nainis ako sa ginawa nya, ano bang binabalak nya at ginawa nya 'to, "bakit Ace?"

"Akala ko kasi dumating na ang araw na hinihintay ko" naguluhan ang sa sinabi nya, "ang tagal naman kasi, ano pa bang hinihintay niya at ayaw niya pang magpakita?"

"Teka nga Ace baliw kana ba?"

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya

"Hindi ako baliw Tamara"

"Ano bang meron?" nakatitig lang siya sakin ng diretso at walang kareareaksyon ang mukha niya.

"Hindi mo talaga alam?"

"Eh kung tanggalin mo na lang kaya ako sa pagkakatali ko, hindi na ako natutuwa sa mga pingsasasabi mo. Natakot ako tapos ngayon yan ang mariring ko sayo?" naging seryoso ang mukha niya at ilang sandali pa ay ginawa niya na ang sinabi ko. Gabing-gabi na at kung hindi dahil sa kalokohan ni Ace ay sana natutulog na ako ngayon. Aalis na sana ako sa lugar na 'yun ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Humanda ka sa mga posibleng mangyari"

Pero bago pa ako makalabas ng pinto ay mabilis akong nahila ni Ace papalapit sakanya, "Teka, ano 'yun?" ang higpit ng pagkakayakap sakin ni Ace na para bang ayaw niya na akong bitawan. Hindi pa rin ako nakarecover sa nangyari. Alam kong modern age na ngayon at malaki na ang impluwensya ng teknolohiya sa panahong 'to pero bakit may mga pana pa?

"Mukhang nagsisimula na sila"

"Sino?"

"Ayos ka lang ba?"

"Ano bang nangyayari ngayon dito? may gusto bang pumatay sakin? at bakit naman?" hindi nya sinagot ang mga tanong kong 'yun, pumikit siya at may kung ano akong naramdaman. Ang lugar na 'to parang may kung anong pwersang nakabalot.

"Ligtas kana dito" nilapitan niya ang mga pana na nakatusok sa dingding at may pulang papel na nakasulat dun. At nagulat ako nung bigla na lang 'yun nasunog.

"Panong..Ace! nasunog 'yung papel!"

"Alam ko di mo na kailangang sabihin" nilapitan ko sya at hindi ako makapaniwala sa nakita ko

"Pero buo pa 'yun kanina at wala naman akong nakitang may nilabas kang kung ano para masunog 'yun" itinaas nya ang hintuturo nya at nanlaki ang mata ko nung may nakita akong apoy sa taas nun.

Tinitigan kong mabuti at totoong apoy nga ang lumalaabas sa daliri niya. Hindi na siguro ako dapat pang magulat sa mga nangyayari ngayon dahil pati ako ako ay nakakaranas din ng mga di maipaliwanag na bagay.

Napabuntong hininga na lang ako, "Ano ng gagawin natin ngayon?"

"Ihahatid kita sa inyo"

"Ace, kilala mo ba 'yung lalaking nag pakita sakin kanina?"

"Sino? si Jansen? ang alam ko may importante daw syang gagawin dito" kung ganun ay 'yun pala ang pangalan niya. Ang mga pulang mata nya hindi ko talaga makalimutan 'yun. Sa mga panaginip ko noong bata pa lang ako ay nakikita ko na ang mga matang 'yun at pinoprotektahan niya ako. Andun siya lagi kapag napapahamak ako at dumadating kapag nalulungkot ako, ang akala ko talaga dati ay isa lang siya sa produkto ng imahinasyon at panaginip ko

Pero totoo pala talaga siya.

Hinatid niya ako sa bahay at bago siya umalis ay may ibinigay pa siya sakin. Nagtataka ako kung bakit ang bagay pa na 'to ang ibinigay niya.

"Hindi sa lahat ng oras ay nandito ko sa tabi mo, gusto kong maging ligtas ka palagi. Kung hindi ako tsak si Jansen ang dadating para protektahan ka" ginulo niya ang buhok ko at nung tingnan ko si Ace ay nakangiti siya sakin, "wag ka ngang seryso"

"Pakiramdam ko kasi..." hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin nung may dumating na mga taong nakaitim. Kinabahan na naman ako pero mabilis akong hinarangan ni Ace.

"Hindi talaga kayo titigil hangga't hindi niyo siya napapatay"

May gusto ngang pumatay sakin. Sa anong dahilan?

*

DARK OMEN 1- Deadly DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon