ONE

651 9 10
                                    

Reminder lang po, ang story na 'to ay mystery/triller at ang sub genre nya ay fantasy kaya wag na kayong magtaka kung may mababasa kayong about sa powers at kung anu-ano pa.

Mag enjoy lang tayong lahat :3

~*

Bago sya umalis ng bahay nun ay kinausap nya ako pero hindi ko akalain na 'yun na pala ang huling beses na makikita a makakausap ko ang papa ko. Bago pa dumating ang araw na 'yun ay marami ng kakaibang nangyayari sa paligid. Akala ko hindi lang ako ang nakakaranas nun, akala ko normal 'yun sa lahat ng mga bata lalo na sa mga kalaro ko. Sinasabi ko 'yun lahat sakanila at wala silang ibang ginawa kundi pagtawanan ako, sinasabi pa ng iba na anak daw ako ng maligno.

"Magpapakabait ka lagi Tamara"

Nung mga panahong 'yun ay hindi pa sumagi sa isip ko na mangyayari ang lahat ng 'to. Hawak ko noon ang kwintas at sabi nila papa ay nakita nila iyon nung nakita nila ako sa harap ng bahay nila. Oo, hindi nila ako tunay na anak pero ni minsan ay hindi ko naramdaman na iba ako sakanila.

"Saan po kayo pupunta?" ginulo nya ang buhok ko at niyakap ako. anim na taon pa lang ako nun at hindi ko pa masyadong naiintindihan ang mga bagay noon.

"Sa malayo anak, magpapakabait ka at wag mong pababayaan ang mama mo"

Niyakap nya ako at ang naisip ko lang noon ay babalik sya at babalikan nya kami. Pero mabilis lumipas ang mga araw hanggang sa umabot na ng taon ay hind na sya bumalik pa samin ni mama. Mahirap makita ang sitwasyon noon ni mama dahil hindi sya halos makatulog dahil sa sobrang pag aalala nya kay papa at wala na syang ibang ginawa kund ang umiyak ng umiyak..

Isang araw noon sa kwarto ko, nagulat na lang ako nung marinig ko ang isang malakas na ingay na nanggaling sa sala namin, dahil dun bumaba ako agad para mapuntahan si mama at nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko akalain na makikita ko syang duguan sa sahig.

Nilapitan ko sya at hindi ako makapaniwala na ganun ang nangyari sakanya. Iyak ako ng iyak at hindi ko matanggap na wala na sya. Ano na lang ang mangyayari sakin ngayon?

Biglang dumilim ang paligid at wala akong ibang makita, pati ang duguang katawan ng mama ko ay hindi ko nakikita. Natatakot ako sa lugar na 'to, nagsimula akong maglakad habang hawak ko ang kwintas ko pero parang walang patutunguhan ang ginagawa ko.

Isang walang hanggag kadiliman

hanggang sa...

Isang pinto ang nakita ko at patakbo kong nilapitan 'yun. Dahan-dahan ko syang binuksan at isang nakakasilaw na liwanag ang tumambad sakin at nung naka adjust na ang mga mata ko ay nakita ko ang sarili ko at sila mama at papa. Isang pangyayari noon nung buo pa ang pamilya namin. Nakatitig lang ako sa sarili ko at puro kasiyahan ang nakikita ko hanggang sa nilapitan nya ako

"Hindi ka para dito" tinulak nya ako at may malakas na hangin ang tumangay sakin hanggang sa hindi ko na sila makita.

Good Morning! Good Morning!

Napabangon ako nung biglang tumunog ang cellphone ko. Panaginip na naman pala. Inayos ko ang kama at napatingin ako sa labas ng bintana ko. Isang panibagong umaga na naman ang kakaharapin ko at nung bababa na sana ako ng kwarto ko ay may nakita akong bakas ng paa sa sahig. Hindi kaya may nakapasok sa kwarto ko kagabe? Kinilabutan ako nung maalala ko 'yung lalaki. Sa pagkakatanda ko ay nung nakita ko sya ay nilapitan nya ako at saka nilapat nya ang palad nya sa noo ko at pagkatapos nun ay nawalan na ako ng malay.

Ang weird ng nangyari

"Ayos ka lang ba Tammy?" napatingin ako sa gawi ni Helene, ni hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sya sakin, "tulala ka na naman kasi eh, may problema ba? ilang araw kana ding ganyan.Ano bang nagyayari sayo?"

DARK OMEN 1- Deadly DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon