Teaser

1.1K 12 7
                                    

~*

An omen (also called portent or presage) is a phenomenon that is believed to foretell the future, often signifying the advent of change.Though the word "omen" is usually devoid of reference to the change's nature, hence being possibly either "good" or "bad," the term is more often used in a foreboding sense, as with the word "ominous". The origin of the word is unknown, although it may be connected with the Latin word audire, meaning "to hear."

*****

TAMARA's POV

Natatandaan ko pa ang sinabi sakin ni papa noon na ang mga nangyayari sa mundo ay punong-puno ng mga misteryo.Hindi mo maiiwasang mapaisip ang kaugnayan nito sa kung ano ang nararamdaman at naiisip ng isang tao. Kahit sa simpleng bagay lang na nangyayari at nararanasan natin sa pang araw-araw ay nandoon ang pakiramdam na bakit nasa isang sitwasiyon tayo na may kung anong gumagambala satin na nagreresulta sa hindi pagiging kumportable sa isang bagay.

Maraming tao sa mundo ang abala sa mga ginagawa nila, ang iba ay hindi na napapansin na may kakaibang nangyayari sa paligid

o baka naman ako lang  ang nakakapansin ng mga bagay na iyon

Sa milyun-milyong tao sa mundo ay marami sa kanila ang takot mamatay at mas pinapahalagahan ang pera kaysa sa mabuting pakikitungo sa kapwa. Binibigyan nila ng malaking pansin ang mga materyal na bagay na hindi naman talaga kailangan. Nakakasalamuha ko sila palagi

mga taong patuloy na tinatago kung sino talaga sila

di matapos tapos na gulo sa pagitan ng mga taong may ganid sa kapangyarihan at posisiyon..

mga taong mas nasisiyahan sa pagbagsak ng iba

Sa bandang huli kapag namatay ang isang tao ang lahat ng alaala niya sa mundo ay mawawala. At hindi na sya iiral pa. Hindi ako naniniwala sa kabilang buhay pero minsan ay may nakikita ako

Mga bagay na hind ko maipaliwanag

Hanggang ngayon ay malaking tanong pa din sakin kung bakit nakikita ko sila. Minsan natatakot ako dahil pati ang isang pangyayari na ayaw kong makita ay hindi ko magawang pigilan.

NAG GREEN na ang traffic light at hudyat na iyon para tumawid ang mga tao. Ibat-ibang mukha, lahat abala sa pupuntahan nila, ang iba ay may kausap sa telepono samantalang ang iba ay masayang nakikipag kwentuhan sa kasama nila. Naiwan akong nakatayo sa gilid ng kalsada, ang mga kasabay ko kanina ay nakatawid na sa kabilang dako samantalang ako ay hindi ko magawang galawin ang mga paa ko.

Natatakot ako

"Miss ayos ka lang ba?" nilingon ko ang traffic enforcer at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Nagsisimula na naman.

Maingay ang lugar dahil sa mga sasakyan pero mas nangibabaw ang ingay ng nagraragasang truck na puno ng mga bakal at iba pang materyales sa paggawa ng bahay. Nagsimula ng bumusina ang driver ng truck at ang mga tao ay nagsisimula ng matakot dahil sa kawalan ng kontrol ng driver sasakyan. Pero walang magagawa ang mga awtoridad sa nakatakdang mangyari. Bumangga ang truck sa isang establisyemento at sa isang iglap lang ay maraming buhay ang nasakripisyo. Nadamay ang mga walang kamuwang muwang at ang masakit pa ay ang mawalan ng anak dahil sa isang kapabayaan. Iyak ng mga taong humihingi ng katarungan at nawalan ng mahal sa buhay, lahat ng mga iyon ay isang parusa na kahit kailan ay hinding hindi ko gugustuhin pang masaksihan

Hindi ko napigilan ang mapaiyak sa mga nakikita ko. Ang sakit makakita ng ganitong pangyayari kung alam ko lang ang gagawin para hindi ko na makita ang mga ganitong bagay ay gagawin ko talaga ang lahat para hindi na ako maging parte ng kalungkutan nila.

Pero wala ng magagawa ang kahit sino kung iyon talaga ang nakatadhana

"Okay lang po" sagot ko sa traffic enforcer

"Bakit umiiyak ka may nangyari ba sayo?" pinunasan ko ang pisngi ko na basang-basa ng luha at naglakad papalayo sa lugar na iyon. Hindi ko na hinintay pa na mangyari ang aksidenteng iyon at makita pa sa pangalawang pagkakataon.

Nagsasawa na ako, ayoko na ng ganito.

Nung nasa bahay na ako ay sumalubong sakin  si Faye, ang alaga kong pusa at sinimulan niya na  ang pag kiskis ng ulo niya sa paa ko na naging kagawian niya na simula nung napulot ko siya. Binuhat ko si Faye at dinala sa kusina para bigyan ng pagkain at iniwan sandali para makapagpalit ng damit

"Normal na sana ako kung hindi lang sa mga nakikita ko"

Nagulat ako nung may biglang kumalabog sa bintana ng kwarto ko at dali-dali akong nagbihis para tingnan kung sino ang bumabato pero napatakip ako ng bibig nung nakita ko ang isang patay na ibon sa labas. Napaatras ako sa takot at mas nagulat ako nung nasundan pa iyon, hindi ko na napigilan ang mapasigaw dahil sa mga nakikita ko. Napatakbo ako ng kama ng imiiyak sabay talukbong ng kumot

"Bakit ako pa? Ayoko na ng ganito!" naramdaman kong humangin ng malakas sa kwarto ko at nung tanggalin ko dahan-dahan ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko ay nakita ko siya.

"Ikaw" nagtama ang paningin namin at nakita ko ang mga pulang mata niya, "totoo ka ng"

 ***

Teaser lang 'to sana magustuhan nyo. Mystery/Triller and Fantasy ang genre at first time kong gagawa ng ganito :)

DARK OMEN 1- Deadly DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon