SIX

155 5 3
                                    

~*

Chapter Six

Mag isa kong tinatahak ang daan pauwi ng bahay, medyo ginabi na din ako dahil sa tinapos ko pa ang mga dapat kong gawin sa tinatrabahuan namin ni Helene. Sobrang naninibago ako lalo na't wala na akong ibang mapagsabihan ng problema ko pati ang mga katrabaho namin ay hindi alam ang totoong nangyari kay Helene at kahit magtanong sila sakin ay wala akong maibigay na sagot sa kanila. Hindi ko na alam kung ano na ba ang nangyayari sakaniya ngayon.

Napatingin ako sa kalangitan at nakita ko ang buwan, naalala ko tuloy ang sinabi ni Ace sakin. Isang linggo na din ang nakakaraan matapos akong makapunta sa ibang daigdig at ang nakapagtataka lang ay isang linggo ko na ding hindi nakikita sila Ace at si Jansen na ang sabi ay kapatid ko daw.

"Full Moon ngayon?"

"Halata naman diba?" narinig kong sabi ng isang estudyante sa kasama niya

"Ang weird lang kasi eh, sa pagkakaalam ko ang full moon ay sa katapusan pa ng bwan pero bakit ngayon napaaga ata?"

"Malay mo trip lang ng bwan"

"Sira!"

Nilampasan na ako ng dalawang estudyante at napaisip sa pinag usapan nila.

"...mas lalo mo lang maiintindihan ang mga bagay na 'yun kapag sumapit ang unang kabilugan ng buwan pagkatapos ng kaarawan mo"

"Ngayon ko na kaya maiintindihan ang lahat?"

Nang malapit na ako sa bahay ay napansin kong walang ilaw ang lugar namin, isang pang nakapagtataka dahil kahit isang tao ay wala akong nakikita na para bang inabanduna ang lugar na 'to. Nababalot ng kadiliman ang buong lugar at nakapagpadagdag pa ng kaba at takot ang biglang paglamig ng ihip ng hangin na dumadampi sa balat ko. Patuloy lang ako sa paglalakad at nung nasa gate na ako ay kinuha ko ang susi sa bag ko at kinailangan ko pang gumamit ng flashlight sa cellphone ko dahil sa sobrang dilim ng paligid. Nung nakapa ko na ang susi ay agad ko 'yun ipinasok sa kandado at sinalakay ng kaba ang dibdib ko nung biglang bumukas ang ilaw ng bahay at tanging ang bahay lang ang may ilaw at ang iba ay nanatili pa din ang kadiliman

 Dahan dahan akong pumasok sa loob at nung buksan ko ang pinto ay sumalubong sakin ang nakakabinging katahimikan na sobrang nakapagpanibago sa sistema ko dahil kapag ganitong umuuwi ako ay sinasalubong na agad ako ni Faye pagkabukas ko pa lang ng pinto. Inilapag ko ang bag sa upuan at dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinum at nung nasa kusina na ako ay may kung anong ingay akong narinig sa itaas kaya dali-dali akong umakyat roon

 "Natatakot na ako" mahinang bulong ko sa hangin at nung nasa tapat na ako ng kwarto ko ay napansin kong nakabukas iyon at dahan dahan akong pumasok. Madilim sa loob ng kwarto ko pero napansin kong may lalaking nakatalikod at nakatingin sa bintana. Napalunok ako dahil sa takot na nararamdaman ko kaya kinuha ko ang baseball bat na nasa gilid para mapagtangol ko ang sarili ko kung sakaling gagawan niya ako ng masama.

Hahakbang na sana ako papasok ng kwarto ko nung gumalaw ang lalaking nakatalikod at unti-unting humaharap sa direksiyon ko. Nawala ang natitirang tapang na meron ako, sobra na ding ang kabog ng dibdib ko at kulang na lang ay marinig niya ang mabilis na pagtibok nito dahil sa sobrang katahimikan ng paligid. Narinig ko ang paghakbang niya papalapit sa pintuan, dahil na din sa takot ay nagawa kong magtago sa kabilang kwarto na walang ginagawang ingay. Dahil medyo nakabukas ang pinto ay nakikita ko kung sino siya at nung napatingin siya sa direksiyon ko ay gusto kong mapatili pero pinigilan ko ang sarili ko at tinakpan na lang ang bibig ko.

 Unti-unti siyang lumapit sa pinagtataguan ko at ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko dahil ayokong makita ang mukha niya.

Ace, Jansen nasaan ba kayo?

Nagulat ako nung biglang nasira ang pinto at tumambad sakin ang naaagnas na mukha ng lalaki at ang pulang-pula niyang mata na halos walang ibang ninais kundi ang pumatay.

Hindi kaya kasamahan din siya nung mga lalaking nakaitim na humarang samin ni Ace noon? pero bakit pakiramdam ko ay mas makapangyarihan ang isang ito sakanila?

"S-sino k-ka?" halos hindi na ako makapagsalita ng tuwid dahil sa takot ko pero imbes na sagutin niya ako ay nilabas niya ang kamay niya na halos buto na lang at may hawak na parang puzzle na hugis bilog. May pinundot siya sa bandang itaas noon at sa di ko maipaliwanag na dahilan ay hindi ko na magawang maigalaw ang buo kong katawan.

May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan

Patuloy lang siya sa ginagawa niya hanggang sa nahihirapan na akong huminga.

Anong nangyayari sakin? Bakiit nahihirapan na akong huminga?

Dahil sa kakapusan ng hininga ay unti-unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

xxx

Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong napapaligiran na naman ako ng mga taong nakaitim. Igagalaw ko na sana ang kamay ko nung napansin kong nakatali pala iyon sa isang kahoy.

"Wag ka ng magtangka pang tumakas at walang ibang tutulong sayo sa lugar na ito"

"A-ano bang kailangan niyo sakin?" may itinaas na kwintas ang isa sakanila at dun ko lang napansin na hindi na pala nakasuot sakin ang kwintas na 'yun.

Lumapit sakin ang isa sakanila na nakahood at nung nasa harap ko na siya ay tinaggal niya iyon at nung nakita ko ang mukha niya ay para bang may bumalik na alala sakin sa nakaraan. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na tinulungan niya ako sa kakahuyan noon.

"Zyno?" pero nakatingin lang siya diretso sa mga mata ko at wala man lang kareareaksiyon, "anong ginagawa mo dito?"

Nagulat ako nung bigla niya akong sinampal ng malakas

"...kamatayan" tiningnan ko siya at biglang nagbago ang reaksiyon niya na ngayon ay napalitan ng galit. Napatingin siya langit at nung iniangat ko din ang ulo ko ay tumambad sakin ang maliwanag at bilog na bilog na buwan.

"Wala akong balak wasakin ang mundo!" hinawakan niya ng mahigpit ang kwelyo ng damit ko at napapikit ako ng mariin sa posibleng niyang magawa. Parang hindi siya ang Zyno na nakilala ko noon. Tandang-tanda ko pa na matapos ang araw na tinulungan niya ako ay naging magkaibigan kami at dun ako nakahanap ng taong poprotekta sakin.

Nilapitan siya nung isa niyang kasamahan na nakatakip pa din ang mukha hanggang ngayon, "bakit hindi mo pa siya magawang tapusin?" napalunok ako sa narinig ko. Balak niya kong patayin!

 Nag isip ako ng paraan para makatakas sakanila, kahit nakatali ako ay gusto kong makaalis sa lugar na 'to, alam kong walang ibang tutulong sakin at ang sarili ko na lang ang aasahan ko sa pagkakataong ito.

"...kontrolin mo siya"

Bigla kong naalala ang ginawa ko noon at sana sa pagkakataong 'to ay magawa ko ulit. Ipinikit ko ang mga mata ko kahit alam kong sa ano mang oras ay gagawin na nila ang binabalak nila sakin. Pilit kong iniisip ang lugar na gusto kong puntahan para makatakas sakanila at sa isang iglap nga ay may malakas na hangin na dumating at pagdilat ko ay nasa lugar na ako na kanila lang ay nasa isip ko.

Iginala ko ang paningin ko para makasigurado na wala na sila sa paligid at nakahinga ako ng maluwag nung nakumpirma ko na wala na sila. Matagal ko ng gustong makapunta sa dalampasigan at heto na nga ako pero hindi ko naman kasama ang mga taong gusto kong isama sa lugar na 'to.

 "Sana nandito kayo ngayon" umupo ako sa buhanginan at napatingin sa langit na ngayon ay punong-puno ng mga bituin, naririnig ko din ang ibang mga bisita sa di kalayuan na nagkakasiyahan.

"Nag iisa ka ata"

napalingon ako at nung nakita ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko ay para bang gusto kong tumakbo

 ***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DARK OMEN 1- Deadly DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon