MUST READ SCENE

404 6 0
                                    

Enjoy Reading. Edit ko na lang pag nagkatime na ulit ako :)

~*

Helene's POV

Bago ako umuwi ng bahay ay dumaan muna ako sa isang pastry shop para bilhan ng pasalubong ang mga kapatid ko, ginabi na din ako sa pag uwi at nung papunta na sana ako sa paradahan ng mga tricylcle ay parang kusang nagdesisyon ang mga paa ko at dinala ako nito sa isang lugar na hindi naman pamilyar sakin. Hindi ko na rin alam ang nangyayari sakin, oo nga't alam ko ang mga ginagawa ko pero parang may iba namang kumukontrol sa katawan ko at hindi ko kayang pigilan ang pwersang kumukontrol sakin.

Natatakot ako dahil sa isang bangin ako dinala ng mga paa ko at sa isang maling hakbang lang ay tsak na mahuhulog ako. Gusto kong humingi ng tulong pero sadyang tago ang lugar na 'to at kahit na magsusumigaw ako ay walang makakarinig sakin.

"Kailangan ko ang katawan mo"

Lumingon ako sa paligid nung may narinig akong boses ng isang babae pero wala akong ibang nakitang tao sa paligid. Hindi ko inaasahan ang paghangin ng malakas at napasigaw na lang ako nung nahulog ako sa bangin. Alam kong ilang sandali na lang ay lalagapak na ako sa ibaba pero ang hindi ko inaasahan ay nung naramdaman kong nakalutang lang ako at dahan-dahang ibinabalik ng hangin ang katawan ko sa taas.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari at hanggang ngayon ay takot na takot ako

Halos nangangatog ang buong katawan ko nung nakatapak na ang mga paa ko sa lupa. Nakatulala lang ako nung may nagsalita at gaya kanina alam kong 'yung babae na naman 'yun.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay, kailangan ko pa ang katawan mo"

"Sino ka ba!"

"Kailangan ko ang katawan mo!"

Sa isang iglap ay parang may sumanib sakin at sobrang nanlalamig ako ngayon. Para akong mamatay sa sobrang lamig at nung gagalawin ko na sana ang kamay ko ay nagsimula na akong kabahan kasi hindi ko magawang igalaw iyon.

"Sa wakas may katawan na rin akong gagamitin para isagawa ang pagpatay sa babaeng 'yun"

Hindi pwede 'to

"Anong ginawa mo sakin?! bakit hindi ko na makontrol ang katawan ko?"

"Hindi na ikaw ang nagmamay ari ng katawang 'to kaya manahimik ka dyan!" pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yun ay hindi na nga ako makapagsalita.

Bakit ganito? ang mga sinabi ni Tamara noon hindi kaya totoo ang lahat ng 'yun? at bakit ako nadamay?

"Malapit ng magkabilugan ng buwan, magagawa ko na rin siyang patayin"

Sino? sino ang tinutukoy niya?

Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng bahay namin, ang akala ko bumalik na ang kontrol ko sa katawan ko nung binuksan ko ang gate ng bahay namin pero hindi pa din dahil siya ang nagdesisyon na buksan iyon. Sinalubong ako ng nakakabata kong kapatid ay niyakap ako nung nakapasok na ako ng bahay. Pati sila mama at papa ay natuwa nung nakita nila akong nakauwi na.

"Ginabi kana ata Helene" gaya ng nakagawian ko kapag umuuwi ako ay ang magmano kay mama at papa pero ngayon ay hindi ko magawa ang bagay na 'yun. Nakatayo lang ang katawan ko sa may pintuan at hindi ko alam kung ano ang iniisip ng nilalang na sumanib sakin,

"Ate turuan mo ko sa assignment ko"

"Pagod ang ate mo Nikka, kaw talagang bata ka"

"Pero papa, mas naiintindihan ko ang mga lesson namin kapag si ate ang nagtuturo"

Sakto namang bumaba si Troy at nung nakita niya ko ay nginitian ako ng kapatid ko. Isang tipikal na pamilya ang meron ako, maaalalahaning mga magulang, makulit na kapatid at lagi silang nandyan kapag kailangan ko ng tulong pero sa sitwasyon ko ngayon ay alam kong hindi nila ako matutulungan.

"Ate tulungan mo ko ha?" nagulat na lang ako nung bigla kong sakalin si Nikka at nagulat silang lahat sa ginawa ko

"Helene!" sigaw ni papa

Napapaiyak na ako sa nangyayari at hindi ko siya mapigilan, ang mga ni Nikka, hindi ko kayang tingnan 'yun, wala silang kinalaman dito pero bakit nadadamay ang pamilya ko. Harap harapan kong nakikitang nasasaktan ang kapatid ko pero wala akong magawa

"Helene!"

"Ate bitawan mo si Nikka!" nabaling ang atensyon ko kay Troy at kusa na namang tumaas ang mga kamay ko at di ko inaasahan ang paglabas ng apoy sa ibabaw nun.

"Jusko! Anong nangyayari sayo anak!"

Mama, tulungan niyo po ko!

 Tumulo na ang mga luha ko nung itinapon ko ang apoy na nanggaling sa kamay ko kay Troy at wala akong magawa nung nagsusumigaw siya sa sakit. Si Nikka ay wala ng buhay nung tingnan ko dahil sa higpit ng pagkakasakal ko sakaniya at halos may dugo ng lumalabas sa leeg niya.

Please itigil mo na 'to, wag ang pamilya ko

 Nakikita ko ang takot sa mga mata nila mama at papa at ang hindi ko matanggap ay ako ang may kagagawan kung bakit sila nagkaganun. Nagsimula ng humakbang ang mga paa ko at alam kong papunta iyon sa mga magulang ko kaya ginawa ko ang lahat para mapigilan siya pero malakas talaga ang sumanib sakin.

"Kailangan mamatay ang lahat ng sagabal sa pag angkin ng katawang 'to"

Hindi pwede!

 Tatakbo na sana sila mama at papa palabas ng bahay pero biglang sumara ang pinto at nagtago sila sa may kusina.Pilit hinahanap ng sumanib sakin ang mga magulang ko hanggang sa nakita nga niya si mama at sa isang angat niya lang ng kamay niya ay nagsilutangan ang mga kutsilyo at isa isa 'yung tumusok sa katawan ni mama.

Nagkalat na mga dugo sa paligid at nung tingnan ko ang mukha ko sa salamin ay nagulat ako dahil pula ang mga mata ko.

Ang mga kinukwento sakin ni Tamara, totoo sila.

 Nakita ko si papa sa likuran ko na may dalang tubo at mukhang balak niyang ipukpok iyon sa ulo ko, "Hindi ikaw ang anak ko! Anong ginawa mo sakniya?!" unti-unti akong humarap sakaniya at gaya ng ginawa niya sa mama at mga kapatid ko ay isa ring kahindik hindik na paraan ang ginawa niya para patayin ang papa ko.

Tumalsik ang mga dugo sa mukha ko nung magkanda pirapiraso ang katawan ni papa. Hindi ko inaasahan na kaya niyang gawin 'yun at sa isang iglap lang ay naubos ang pamilya ko.

"Wala na ring sagabal"

"Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to?"

"Dahil sagabal sila sa gagawin ko"

Sinunog niya ang buong bahay at nagsidatingan na ang mga kapit bahay namin at tinatanong ako sa kung ano talaga ang nangyari pero hindi ko sila sinasagot dahil iyak pa din ako ng iyak sa mga nasaksihan ko.

"Mga inosente sila, bakit mo 'yun ginawa?"

Sana isang masamang panaginip lang ang lahat ng 'to dahil hindi ko kakayanin kapag nawala ang pamilya ko.

Dumating na ang mga bombero at sinimulan na nilang patayin ang apoy,bumalik na din ang kontrol ko sa katawan ko pero huli na rin naman silang lahat dahil kahit mapatay ang apoy ay wala na silang maliligtas sa loob. Nalala ko si Tamara kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan siya, kahit nanginginig iyon ay pinilit kong kunin para makausap siya. Ilang beses nagring iyon hanggang sa sinagot na ni Tamara at mukhang nag aalala na siya nung hindi ko magawang magsalita hanggang sa nilakasan ko ang loob ko at sinambit ang mga salitang...

"Wala na ang pamilya ko"

 ~~~***

Sino po marunong gumawa ng book cover? taas paa :D

Pwede pong pagawa ng book cover? please *with a puppy dog eyes*

DARK OMEN 1- Deadly DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon