THREE

490 8 6
                                    

~*

Lumapit sakaniya 'yung isang lalaking nakaitim at napaatras kami ni Ace, tiningnan niya lang sandali si Ace at ibinaling na ang tingin niya sakin. Natakot ako sa klase ng tingin niya sakin at nung inilalapit niya ang kamay niya sakin ay mabilis siyang napigilan ni Ace.

"Hindi ako makakapayag na galawin niyo siya" sa tono pa lang ng boses niya ay napansin ko ng hindi niya nanagugustuhan na makita ang mga lalaking nakaitim. Hindi sumagot 'yung lalaking nasa harapan namin at halos walang kareareaksyon ang mukha niya sa sinabi ni Ace. Tiningnan ko 'yung ibang kasama nya at lahat sila ay nakatingin sakin.

"Hindi kana ligtas dito Tamara, hindi ako makakapayag na saktan ka nila"

"Pero paano natin sila matatakasan?"

"Darating siya dito para itakas ka sa mga 'to" pagkarinig ko nun ay biglang nawala 'yung lalaking nakaitim na nasa harapan lang namin kanina at ilang sandali pa ay nagulat na lang ako nung hawakan niya ang kamay ko mula sa likod. Nataranta ako at hindi ko alam kung ano ng gagawin, masyadong mahigpit ang ginagawa niyang paghawak kaya nakaramdam ako ng sakit.

"Bitawan mo siya. Hindi ako makakapayag na madala niyo siya sa *Sheol!" pero bago pa ako mahila nung lalaking nakaitim ay napansin ko ng huminto na naman ang oras.

Iginala ko ang paningin ko para hanapin siya at nagulat na lang ako nung biglang naputol ang kamay nung lalaking nakahawak sa kamay ko, "Kailangan mo ng makaalis dito"

"Sino ba ang mga taong 'to?"

"Hindi sila mga tao, nilikha sila para patayin tayo"

"Tayo? teka"

"Wala ng oras para ipaliwanag pa sayo ang bagay na 'yun, kailangan na nating makaalis dito" humangin ng malakas sa paligid at pagdilat ko ay nasa ibang lugar na ako. Hindi ko malaman kung saang lugar kami napadpad pero nararamdaman kong ligtas ako lalo na't kasama ko siya.

"Pwedeng magtanong?" pagharap niya sakin ay nakita kong iba na ang kulay ng mga mata niya, hindi na iyon kulay pula at kagaya na rin sa mga tao na kulay itim, "bakit nila ko gustong patayin?"

"Maraming misteryo ang nakabalot sa katauhan mo at ang tingin nila satin ay isang banta"

"Banta? hindi ko maintindihan"

"Sa darating na kabilugan ng buwan ay babalik ang ilan sa memorya mo at magkakaroon ka ng pangitan sa pangyayari sa hinaharap"

bakit kaya ako pa? May kinalaman kaya ito sa ipinakita niya sakin noon?

~

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana, iisipin ko na naman sana na panaginip ulit ang nangyari kagabe pero nung tingnan ko ang kamay ko ay nakumbinsi akong totoo nga ang mga nangyari kagabe dahil sa naiwang bakas nung lalaking humawak sakin. Tumayo na ako at nilapitan agad ako ni Faye, napatingin ako sa labas at nakita ko ang ibang mga tao na normal ang buhay nila, wala silang nakikitang mga itim na lalaki at hindi nila nakakaencounter ng mga taong may kapangyarihan.

Napatigil ako nung may ingay akong narinig kaya dali-dali akong bumaba at nakita ko si Helene na may dalang plastic "Pasensya na kung pumasok na ako, naiwan kasing nakabukas 'yung pinto eh ang tagal mo naman kasing sumagot"

"Pasensya na kagigising ko lang kasi"

"Naiwan mong bukas 'yung pinto, naku Tamara sa susunod siguraduhin mong nakasara 'yun kasi may naririnig akong balita na may mga lalaki daw na gumagala dito tuwing gabi" natigilan ako sandali

"Nakita mo na ba sila?" May pagtataka sa mukha niya nung sinagot niya ang tanong ko, "Sino? Ikaw ha may nakikita kana naman ba ngayong bago? Sabi ko naman sayo hindi sila tot--" hinila ko na siya papunta ng kusina para makita ang dala niya. Tumambad sakin ang isang cake at may nakalagay pang 'Happy Birthday Tamara'

DARK OMEN 1- Deadly DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon