FOUR

291 5 4
                                    

ENJOY READING! :)

~*

Jansen's POV

Pinagmamasdan ko lang siya sa malayo para makasiguradong hindi nila makukuha si Tamara, nung simula pa lang talaga ay iba na ang pakiramdam ko sa babaeng laging kasama ng kapatid ko. Parang may kung ano sa kaniya at hindi ako mapalagay. Alam kong hindi ligtas si Tamara kung lagi niyang kasama ang babaeng 'yun.

Maraming taong nakikiusyoso dahil sa sunog na nangyari, nung napatingin ako sa kalangitan ay nagsimula na akong kabahan sa mga pwede pang mangyari. Nung nalaman nila na buhay pa ang kapatid ko ay nagkagulo sa mundo namin at balak nilang ipatapon sa Sheol si Tamara pero ang hindi nila alam na kapag napunta siya sa lugar na iyon ay katapusan na ng lahat. Hindi pangkaraniwan ang taglay na kapangyarihan ni Tamara kaya niyang gumunaw ng mundo kaya siya pilit na hinuhuli ng mga nilalang na 'yun at dalhin sa lugar kung saan pinapatapon ang mga nilalang na sa tingin nila ay wala ng kwenta.

Minamatyagan ko ang mga kilos nila at dinala nga ni Tamara ang babaeng iyon sa bahay na tinuluyan niya. Hindi ko siya magawang balaan dahil may kung ano talaga sa babaeng 'yun na hindi ko maipaliwanag. Para siyang hindi pangkaraniwang tao at pakiramdam ko ay kilala ko siya, kahit nung unang lumapit ako sakaniya ay ang bigat na ng pakiramdam ko at sa isang nilalang lang ako nagkakaganun pero imposible naman na mapunta siya sa mundong 'to dahil ako mismo ang nagligpit sakaniya at sinugurado kong hindi siya makakatakas sa lugar na iyon..

...sana mali ang kutob kong buhay pa si Dianara

Tamara's POV

"Tahan na Helene" kahit anong pag aalo ang gawin ko ay hindi pa din siya tumitigil sa pag iyak, kahit ako naman ang nasa sitwasyon niya ay baka ganito din ang maging reaksyon ko lalo na kung ang buong pamilya ko ang nawala sakin ng ganun ganun lang. Hindi pa din talaga ako makapaniwala na wala na sila tita, kahapon lang ay nakita ko pa sila nung dumalaw sila sa pinagtatrabahuhan namin ni Helene hindi ko pa siya matanong sa kung ano talaga ang nangyari dahil hanggang ngayon ay iyak pa din siya ng iyak. Naaawa na talaga ako kaya niyakap ko siya, mas kailangan niya ng may makakapitan sa ganitong klaseng problema at magpapalakas ulit sakaniya. Hindi madaling mawalan ng pamilya, sobrang sakit ang ganung pangyayari pero wala rin naman tayong magagawa kung iyon talaga ang nakatadhanang mangyari. Ang kailangan lang nating gawin ay ang pagpatianod sa kung ano na ang nakaguhit sa mga palad natin.

...kung mababago ko lang sana ang panahon

"Tamara" narinig kong binanggit ni Helene ang pangalan ko, bibitaw na sana ako sa pagkakayakap sakaniya pero nung naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sakin ay hinayaan ko nalang muna siya, "bakit niya dinamay ang pamilya ko? bakit ako pa? ordinaryong tao lang naman ako at wala akong alam sa mga pinagsasasabi niya. Ayokong gamitin niya ako para patayin ang taong tinutukoy niya" naguguluhan ako sa mga naririnig ko

"Wala akong nagawa para bigilan siya, hinayaan ko lang na patayin ang pamilya ko. Sabihin mo nga bakit nangyayari ang lahat ng 'to? bakit nangyayari din sakin ang mga nangyayari sayo? Pinagtatawanan pa kita noon dahil sa mga ikinukwento mo pero mararanasan ko din pala at mas malala nga lang ang nangyari sakin" matapos kong marinig ang mga sinabi ni Helene ay hinarap ko siya at nakikita kong punong puno ng luha ang mukha niya.

"May dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay"

"May gusto siyang patayin"

"Sino ba ang tinutukoy mo Helene?" hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at nakatingin lang siya ng diretso sa mga mata ko.

"Hindi ko alam pero isa lang ang masisigurado ko sayo," kinakabahan ako sa sasabihin niya pero kailangan kong marinig iyon dahil baka may kinalaman 'yun sa mga nangyayari sakin ngayon

"...hindi mo na dapat ako pagkatiwalaan"

~*

Nung isang linggo lang sabay namin ipinagdiwang ni Helene ang kaarawan ko, masaya pa kami at nagkukulitan akala ko magtatagal ang ganung klaseng set up namin ng kaibigan ko pero matapos lang ang ilang oras ay ginimbal kami ng isang pangyayari na nakapagpabago sa buhay ng kaibigan ko.

"...hindi mo na dapat ako pagkatiwalaan"

"...hindi mo na dapat ako pagkatiwalaan"

"...hindi mo na dapat ako pagkatiwalaan"

Paulit ulit ang mga salitang iyon sa utak ko at hindi ko na halos makalimutan. Ang dami ko na namang tanong pero wala akong makuhang sagot sa mga katanungan kong 'yun.

Hindi ko inaasahan ang pag alis ni Helene sa bahay at simula nga noon ay hindi ko na siya nakita. Wala rin akong alam na lugar na pwede niyang puntahan dahil ang alam ko ay wala silang ibang kamag anak na nakatira sa lugar namin. Nag aalala na ako sakaniya baka kung ano ng nangyari sakaniya at hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil wala man lang akong magawa para tulungan siya.

Palipat-lipat lang ako ng channel at wala akong mahanap na magandang palabas sa tv, nung papatayin ko na sana ay natigilan ako nung may report tungkol sa isang malaking sunog. Dahil na rin sa cctv ay may nakunan silang babae sa mismong nasusunog na building at kinilabutan ako nung sinabi sa news na para bang lumulutang sa ere ang katawan ng babaeng 'yun. Ipinakita ng malapitan ang kuha ng cctv at halos nanlaki ang mga mata ko nung makilala ko kung sino siya. Kahit medyo blured ang picture ay alam kong si Helene 'yun.

Napatakip ako ng bibig at hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Biglang tumunog ang cellphone ko at sinagot ko agad iyon

"Tamara pwede ba akong pumu--" natigilan siya sa pagsasalita nung nagsimula na akong umiyak, "Tamara? anong nangyari?"

"A-ace" utal kong sagot

"Pupuntahan kita diyan, hintayin mo lang ako Tamara" pinatay niya na ang tawag at nung mailapag ko ang cellphone ko ay umiyak na ako ng todo.

"Bakit ganito? ayoko ng ganitong klaseng buhay"

Ilang sandali lang ay may kumakatok na sa pinto at nung pinagbuksan ko siya ay agad niya akong niyakap, "magiging maayos din ang lahat kaya tahan na, hindi bagay sayo ang umiiyak" pakiramdam ko nasa mabuting kamay ako at ligtas kapag siya ang kasama ko.

"Pasensya na hindi ko lang talaga kasi mapigilang umiyak"

"Hindi mo naman kailangang pahirapan ang sarili mo Tamara"

"Nag aalala lang talaga ako sakaniya"

"Pero hindi naman tama na lagi ka na lang nagmumukmok dito sa bahay" bumitiw na siya sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko.

Hinila niya ako papalabas ng bahay, "Saan tayo pupunta?"

"Sa lugar kung saan maibabalik ko ulit ang mga ngiti mo" patakbo naming pinuntahan ang lugar na tinutukoy niya. Magkahawak kamay kaming dalawa at ang bilis ng tibok ng puso ko, noon pa lang ay may gusto na talaga ako sakaniya pero pilit kong kinalimutan ang nararamdaman ko dahil ayokong masaktan lalo na't alam kong imposibleng magkagusto din siya sakin. Nung panahon na bigla na lang siyang nawala ay para bang unti uniti ring nawawala ang nararamdaman ko sakaniya at ngayon ngang nandito na ulit siya ay unti unti na ding bumabalik ang nararamdaman ko. Para akong sira pero eto talaga ang nararamdaman ko. Pabago bago man pero isa lang ang sigurado ako

masaya ako dahil nakasama ko na ulit si Ace

Nung tatawid na kami sa kabilang kalsada ay nakita ko si Helene na nakasuot ng puting damit na punong puno ng dugo habang nakatingin sakin. Ang sama ng tingin niya kaya kinabahan ako bigla, napahinto na din ako sa pagtakbo at nagtaka si Ace.

"Helene.." bulong ko sa sarili ko

"May problema ba Tamara?"

Biglang dumilim ang paligid at halos wala na akong makita, pati na rin si Ace na kasama ko ngayon ay hindi ko na maaninag kung nasaan na. Ginala ko ang mga mata ko pero wala talaga akong makita hanggang sa nagsimula na akong lamigin at nararamdaman kong humahapdi ang balat ko. Gustong kong sumigaw pero walang lumalabas na boses at ilang sandali lang ay may kung anong mabigat na bagay ang tumama sakin at bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko pang sinabi niya ang mga salitang

"..kamatayan ang nararapat sayo"

**************

Feedbacks naman dyan, feeling ko ang OA ng ng story na 'to :D

DARK OMEN 1- Deadly DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon