FIVE

172 5 2
                                    

Ang tagal kong hindi nag update, epal pa si Glenda masyadong papansin. By the way, Enjoy Reading :))

feedbacks please :3

~*

TAMARA

Mag isa akong naglalaro sa lugar kung saan ako lang ang nakakaalam, nadiskubre ko ang lugar na to nung halos lahat ng kalaro ko ay pinagtatabuyan ako at halos ayaw na nila akong makalaro dahil nakakatakot at kampon daw ako ng kadiliman. Simula nung ikinuwento ko sa iba ang mga nakikita ko sa panaginip ko ay nilalayuan na nila ako. Tahimik ang lugar na 'to at alam kong walang ibang pumunta dito dahil nga tago at masukal ang daan. Dala ko pa ang manika ko at iniayusan ito ng biglang humangin ng malakas at napatingin na lang ako sa kalangitan nung nagsiliparan ang mga ibon at para bang may kung anong gumambala sa pamamalagi nila sa malaking puno.

"Tamara"

narinig ko ang boses ng isang babae at nagpalingon lingon ako sa paligid kung may ibang tao sa pero wala akong nakita..

"Tamara" narinig ko nanaman ang boses pero sa pagkakataong to ay para bang papalapit ng papalapit ang boses. Natakot na ako kaya niyakap ko ng mahigpit ang manika ko..

"Ano po bang kailangan nyo?!"

"Ikaw!"

kasabay ng isang matinis na sigaw, halos mangiyak ngiyak na ako sa sobrang takot habang nakapikit ang mga mata ko. Mas lalong lumakas ang hangin sa paligid at nagsisimula na ring sumama ang lagay ng panahon, ni hindi ko magalaw ang mga binti ko at ang bigat bigat ng pakiramdam ko sa lugar na to..

"Tama na! Umalis kana!" pero mas lalo lang lumakas ang hangin at hindi ko na matiis ang paghapdi ng likod ko. Patuloy pa din ang pagtakip ko sa tenga habang basang basa na ang mukha ko sa pag iyak.

"bata!" pag angat ko ng ulo ay nakita ko ang batang lalaki sa harap ko habang nakalahad ang kamay niya para tulungan ako.

"anong nangyari sayo?" imbes na sagutin siya ay hikbi lang ang naging tugon ko, "tutulungan kita kaya tahan na"

nakaalis kami sa lugar na iyon habang buhat buhat ako ng batang lalaki sa likod niya, pakiramdam ko ng mga sandaling to ay para bang nakahanap ako ng masasandalan at makakaramay sa mga masasamang tao sa paligid ko.

"Wag ka ng matakot hindi kita pababayaan"

"S-salamat"

"simula ngayon ako na ang magiging nagapagtanggol mo, hindi ko na hahayaan na pagkaisahan ka ng mga batang 'yun" ang sarap pakinggan ng mga sinabi niya, gusto kong magkaroon ng kaibigan na handang magtanggol sakin.

"Ano nga palang pangalan mo?"

"...Zyno"

xxxxx

Pagdilat ko ng mga mata ko ay kadiliman na naman ang nakikita ko. Pinakiramdaman ko ang likod ko at tuwing sumasakit iyon ay may kakaibang nangyayari sakin at ngayon nga ay nasa ibang lugar na naman ako. Bigla kong naalala ang nangyari at napatakip na lang ako ng bibig.

"Ace!" nakailang sigaw na din ako at wala talaga akong marinig na sagot galing sa kanya.

"Kung sino man ang may pakana nito pwede bang tigilan niyo na ko!!" halos patakbo ko ng tinatahak ang lugar na to at baka sakaling may makita akong liwanag sa bandang dulo pero kahit anong gawin ko ay puro kadiliman ang nasa paligid..

Napahinto ako sa pagtakbo nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko, pilit ko siyang sinasagot pero para bang hindi niya ako marinig.

"Tamara!" napapikit ako nung may malakas na hanging sumalubong sakin at pagdilat ko ay nasa ibang lugar na naman ako at tila ba pamilyar sakin ang kinaroroonan ko.

DARK OMEN 1- Deadly DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon