~There are three Laws of Motion formulated by Sir Isaac Newton. Law of Inertia, Law of Acceleration, and Law of Interaction~
AARON
Kasalukuyan kong tinatahak ang walang hanggang pasilyo ng aking eskwelahan--lol. Masyadong malalim.
*ehem*
Naglalakad ako ngayon papasok sa University kung saan 'sapilitan' akong inenroll ng aking mga magagaling na magulang.
Ewan ko ba sa utak ng mga magulang ko kung saang lupalop nila nakuha ang ideya na dito ako ipasok sa eskwelahan na ito.
Hindi ba nila alam ang salitang out of place? Hindi ba sila naawa man lang sa kanilang butihing anak at dito nila naisipan na pag- aralin ako.
Sa University na ito, kahit saang lupalop man o kung saang sulok o singit man kayo tumingin dito, wala kang makikitang estudyanteng walang balak makipagpalit ng mukha sa kani- kanilang mga libro sa sobrang hapit sa pagbabasa na halos hindi na nila mapansin na may gwapong naglalakad ngayon sa gitna ng quadrangle.
Halos lahat sila mukha ng matatalino o mas applicable na sabihin na halos lahat talaga sila ay matatalino kaya deserving silang makapag- aral dito. At ako? Saling pusa lang ata ako dito eh.
Minsan gusto ko ng pag- aralan ang bawat kulubot sa utak ng mga magulang ko para malaman kung bakit dito ako pinag- aral sa Science University.
Hindi ba marunong magbasa ang mga magulang ko ng form 138 ko o mas kilala nilang report card na mula pa noong Elementary eh may isang subject akong palaging binabagsak, walang iba kung hindi ang Science.
Hindi ko kasi sila maintindihan na kung bakit ang mga simpleng bagay lamang ay ginagawa pa nilang mas komplikado.
So back to reality kung saan nandito na ako sa aming classroom or should I say classroom na mukha ng Laboratory sa dami ng mga test tubes na may nakalagay na kung ano- anong uri ng mga species ng insekto.
Ibang klaseng school. Kahit sa Values Education namemention pa rin ang Science.
Ngayon pa nga lang mag- uumpisa ang totoo naming klase sa Science at mantakin niyong 2 hours to?! Grabe! Gusto ba nilang pag- aralan ang rebolusyion ng kuto dahil sa habang ng oras ng subject na yan.
Tsk. Partida may Experiment pa kami. Nagulat na lang ako ng lumapit sa akin yung isa kong kaklase na si Casey Flores. Matalino(expected na yun!), mabait(?), at responsableng class president namin.
"Hey Aaron. Pwede bang pakuha ng Paraffin wax at Sucrose dun sa kabilang building."
"Ano ulit? Paraphernalia at suka? Para saan naman yun?"
She rolled her eyes before answering me.
"It's Paraffin Wax and Sucrose not Paraphernalia and what is it again? Suka?"
It's time for me to roll my eyes lol. Haha.
"Pwede ba? Kung ano man yun wag na lang ako ang utusan mo!"
"Tsk. Candle wax na nga lang at sugar. Grabe?! Yun lang, hindi mo pa alam ang chemical name?!"
"Tsk. Pwede ba?! Porket marami lang kayong alam sa mga yan eh! Ipakuha mo na lang sa iba! Baka makuha ko pa yung suka at toyo at makapag adobong insekto tayo dito eh!"
YOU ARE READING
SCIENTISTS
Science FictionCan Scientific terms, probability, and sayings from famous Scientists can tell us the true meaning of Love? Can we apply Science to the concept of love? Copyright©2018MelizaElaine Plagiarism is a crime. Don't ever forget that line. No one has a righ...