Albert Einstein

14 2 1
                                    

~Two things are infinite: the universe and human stupidity; and I'm not sure about the universe. - Albert Einstein~

AARON

"I'm sorry," I finally said to her. Kagabi pa ako binabagabag kung paano ako makakapag-sorry sa kanya.

"Oh- kay? But for what? I mean... I'm the one who should sorr--" putol ko sa kanya.

"Nope. Ako talaga ang nagkamali. I'm really sorry for the wrong assumption. Sorry dahil masyado akong nagsalita ng mga bagay na wala namang patunay," paliwanag ko. I can read her confusion all over her face. Siguro nga nakakagulat lahat ng ito.

"Okay. Mr. Anderson, I get it. Pero bakit ngayon pa?" she asked. Oh hindi. Eto ang kinakatakot ko. Paano kung narealized niya na may gusto talaga siya sa akin tapos ako narealized ko na wala akong gusto sa kanya? Haysst. Gwapo problems nga naman. Not pogi. Pogi is a term to describe a dog and it's definitely not me. Maybe it's between Leo and Benjamin. Anyway, asan na ba ako? Ah. Alam ko na.

"I'm sorry ulit Hillary but hindi talaga kita gusto. Sorry kung umasa ka. Ngayon narealized mo siguro na mali yung ginawa mo kahapon na pakawalan ang gwapong tulad ko but sorry. Hindi pwede," I said to her. Haysst. Siguro nasasaktan siya ngayon. Dapat ko ba siyang icomfort? Napatingin ako sa kanya and swear yung kaninang confusion napalitan agad ng annoyance.

"Idiot," she murmured. Anak ng! "You concluded too much again, Mr. Anderson."

"Huh?"

"I'm just going to say that you're not in the right timing. Bakit ngayon ka pa pumunta? Are you aware na 4:30 pa lang ng madaling araw?" inis niyang sabi.

"Ow. That. Sorry ulit. Kasi naman hindi ako pinatulog ng guilt ko sayo. Naiisip ko na baka umaasa ka na. Masyado pa naman akong gentleman na gwapo kaya ayoko makapagpaasa ng tao," dismayadong sagot ko sa kanya. At medyo may point nga naman siya. Bakit nga ba nag- abala pa akong pumunta sa bahay nila para lang dito? Nalaman ko yung address niya kay Benjamin. Medyo nagulat din ako na alam niya. Ang sabi niya lang na maraming nakakaalam nun dahil sikat ang pamilya nila sa town. So nagmadali akong pumunta dito. Pagdating ko napangiti agad ako ng bumungad sa akin ang isang Hillary na kakagaling lang sa tulog.

Ang cute niya.

I saw her frowned. "What?"

"Ang sabi ko ang gwapong--"

"Oh yeah. Yeah. I got it. I already got your overflowing conceitedness," she said while rolling her eyes on me.

"Hey! I'm not conceited. I'm just being honest here," I answered back. Ha! Kala niya ah!
Napakamot siya sa sintido niya bago ibinaling ang tingin sa akin.

"You know what, Mr. Anderson. 4:30 pa lang ngayon. Natulog ako ng 4:00. 30 minutes pa lang ang tulog ko. Hindi ako nagdinner at marami akong ginawa. Sumasakit na ang ulo ko dumadagdag ka pa sa stress ko. Kung pwede lang umuwi ka na kung saang lupalop ka man galing," saad niya. Napatulala naman ako at hindi nakapagsalita agad. Grabe?! First time 'to na nagsalita siya ng Tagalog ng diretso. Buong akala ko kapag nagkikita kami lagi akong mapapasabak sa duguan ng ilong kaka- english.

"Sino kasama mo sa loob?" I asked.

"Sa haba ng sinabi ko may naintindihan ka ba? Ow, scratched that. May inintindi ka ba?"

"Alam mo bang ang layo ng bahay niyo? Grabe. Ba't doon ka pa nag- aaral eh halos 6 hours ang byahe mula dito,"

"And so?"

"And so ka diyan. Mamamaya na ako uuwi. Makikitulog ako dito," sabi ko naman. I saw her gasped. "So, nandiyan ba parents mo?"

"At bakit mo naman tinatanong?"

SCIENTISTSWhere stories live. Discover now